Papasok palang ako sa school ng may tumawag sakin
"Bessywap" narinig kong tawag ni Alther sakin galing likuran. Lumingon ako
"Oh Bess" napatigil ako sa paglalakad at kinausap siya
"Bess, mamaya shopping tayo" sabi nya ano nakain nito at naisipan mag shopping
"Huh?" sabi ko
"Oo na Bess alam kong nagtataka ka tlaga pero ngayon lng to please.. shopping na tayo..please sama ka sakin" sabi niya. Bakit nga na niya ako inaaya?
"Okay" sabi ko nalang
"Ayiee thank you Bess iloveyou talaga bess muah muah" masayang ani nito sabay yakap at halik sa pisngi ko. ano kaya nakain nito
"Sige na sige oo na oo, mamaya oo" sabi ko pinakawalan na niya na ako sa pagkakayakap
"So kita tayo mamaya ha, pupuntahan kita sa room mo okay?" paniniguradong sabi niya
"Oo" sabi ko. At nagpaalam na muna sa isa't isa at pumunta na sa kanya k
Nasa room parin ako hinihintay ko siyang dumating ang tagal ng babaeng yon ah
Mga ilang minuto pa ang hinintay ko bago siya dumating
"Bess sorry kung matagal halika na" sabi niya at hinila na ako palabas ng room
"Si ma'am Reyes kasi ang tagal mag pauwi" pag papaliwanag niya
"Okay lang" sabi ko naman
Palabas na kami ng school ng may nag park na kotse sa harapan namin isang toyota supra na kulay itim
Si Therdie yan malamang siya lang ang may ganiyang kotse dito sa school
Binaba niya ang mirror ng kotse niya at nakakunot nuong tiningnan kami ni Alther
"Saan kayo pupunta?" matigas na tanong niya sabay tingin sakin
"A-ahh...." hindi ako makapagsalita dahil sa tingin niya kaya naman siniko ko si Alther.
Parang nakita ni Therdie yong pagsiko ko sa kambal niya kaya napa baling siya kay Al
"Ahm, alam mo kasi twinny may pupuntaha--"
"So saan nga" putol niya agad kay Al. napaka bastos talaga nito minsan
"Sa mall" sarkastikong sabi ni Alther umirap pa sa kambal niya
"At anong gagawin nyo dun" masungit na tanong nanaman ni Therdie. Ano ba siya reporter?
"Oh my ghad, twinny of course SHOPPING" mataray na sabi ni Alther at bumuntong hininga na para bang nawawalan na ng pasensiya sa kambal niya
"Ok I'll come with you two, get in" seryosong ani naman ni Therdie sabay tingin na sa unahan
"No. twinny babae ka ba duh " maarteng sabi ni Alther sa kambal niya kaya bumaling uli ito saamin at kumunot ang noo
"Hindi naman ako sasama sayo eh kay Darah ako sasama so shut up" sabi ni Therdie na pambabara sa kapatid. Are they fighting? pero ano uli? sakin siya sasama?
"What?" sabi ni Al at bumaling naman ito saakin nag sign siya sakin na 'wag daw pasamahin. nakuha ko naman agad ang pinapahiwatig nito
"Ahm, Therdie alam mo kasi for girls lang ito for us lang so maybe kami nalang siguro ni Al, sige alis na kami" akmang hahakbang na kami paalis ng magsalita uli ito
"Hindi kayo aalis hangga't di nyo 'ko sinasama okay, that's final" baling niya saming dalawa
"Twinny bibili lang naman kami ng sanitary napkin saka underwear saka--" pagdadahilan sana ni Alther
"Yon lang ba? okay sasama parin ako" sabi ni Therdie nanlaki naman ang mata ni Al
"What sasama ka parin?" Sabi ni Al na mukhang nag aalangan na
"Yes masama ba" kunot nuong tanong nito sa kambal niya
"Oo kasi.. kasi...nakakahiya diba? a-ano hindi ka ba nahihiya?" tanong ni Al sa kambal niya
"No. you're my sister so why would i? Also I would like to come with you if it's all about Darah" nakangising sabi ni Therdie
"Nababaliw kana ba? Therdie, umalis kana" sabi ko naiinis na ako sakanya maka asta siya sakin kala mo boyfriend ko parin siya
"Let's go Alther" sabi ko at hinatak ko na siya ulit
Iniwan na namin si Therdie hindi na ito nangulit pa samin na sasama hindi ko alam if asan na yon basta nalang nito pinaniobra ang sasakyan nito paalis ng school
Magalit na siya kung magalit, bahala siya napupuno na din ako sakanya eh. Grabe ang paghihigpit niya sakin, wala namang kami.
Pumapasok na kami sa kotse nila Al. Honda Civic lang ang kotse ni Alther kumpara sa kambal nito na naka Toyota supra na
"Bess, ano ba bibilhin natin dito" tanong ko kay alther ng makarating kami sa mall
"Dress bibili ako ng dress because my party akong pupuntahan at nandun ang crush ko kaya gusto kong bumili bess may invitation ako kaya makakapunta ako" masayang sabi ni Al
"Ah okay" yan nalang ang nasabi ko, hindi ko alam ang sasabihin ko hindi din naman ako invited don
"This Bessy maganda ba?" tanong niya at nilagay pa ang damit sa katawan niya at pinakita kung totoong maganda ngaba
"Wait para makita mo, sukat ko lang" naienganyong sabi niya at pumasok sa fitting room.
Ilang minuto lumabas na siya at ang ganda niya sa suot niyang baby pink dress na up shoulders and ang ganda din ng kurba ng katawan niya tiny waist and ang mayayaman niyang dibdib ay lantad na lantad na kahit kaedad ko lang siya. no wonder napakaganda talaga ng kaibigan ko
"Okay ba bess" masayang tanong nya sakin
"Yeah, it looks good on you" sabi ko at nag approve pa sakanya
"So I'll buy this, wait" sabi niya at pumasok ulit siya sa fitting room para mag palit ulit.
Nang matapos kaming mamili ng damit niya ay nag gala gala na muna kami sa mall para makapamili pa ng kung ano ano ang, si Alther naman ay kung ano ang makita nitong maganda sa mata nito ay binibili niya nakakatawa siya. Napaka waldasera parin nito hanggang ngayon sabagay bunso naman kaya spoiled.
Pauwi na kami ngayon ihahatid niya ako dahil pinauna ko na ang driver ko dahil kanina nag pasama siya sakin. Marunong siyang magmaneho tulad ng kambal niya ewan ko bakit wala na din siyang driver.
Andito na kami
"Thanks Al sa pag hatid" sabi ko
Tumango na si Al at ako naman ay pumasok na sa loob at sinalubong naman ako agad ni Yaya Mina
"Ma'am pinapabigay po ng dad mo" sabay abot nito saakin ng isang malaking paper bag
"What's this po?" ani ko
"Hindi ko ho alam ma'am, basta raw po ibigay ko sainyo sabi ng dad mo, sige po ma'am" sabi ni Yaya Mina akmang aalis na ito pero nagtanong akong muli
"Wait Yaya Mina" napatigil at napatingin naman itong muli sakin
"Ano po iyon ma'am Darah?" kuryusong tanong ni Yaya Mina saakin
"By the way where's mom and dad po?"
"Ay ang alam ko lang ho ma'am nasa business trip papo sila pero uuwi daw ho siguro sila ma'am at sir bukas din daw ho" parang iniisip pang sabi nito
"okay thank you" ani ko naman kay Yaya Mina umalis na nagtungo na sa kusina
Para saan kaya 'to?
Pumanhik na ako sa itaas at pumasok na rin sa kwarto ko, nilapag ko sa gilid ang mga pinamili namin kanina ni Alther at inilagay ko muna yong pinabibigay raw ni dad saakin dito sa kama ko at nagpalit muna ako ng pambahay kong damit bago tinawagan si dad agad naman itong sumagot
"Hello Dad," pambungad na sabi ko sa kabilang linya
[Hello rin anak ko, binigay na ba sayo ni Mina?] ani ni dad
"Yes dad, itatanong ko lang sana kung para saan 'to" sabay tingin sa isang malaking paper bag na hindi pa binubuksan hula ko ay isa itong damit
[Bukas pupunta sa bahay sina Mr. And Mrs. Estevada] sabi nito at bigla namn akong inatake ng kaba ko ngayon palang
"What dad, bakit?" nagtatakang tanong ko, hindi pa ako handa makausap sila hindi pa ako ni Alther sinasabihan kung ano ang naging usapan nila ng daddy niya tungkol sa sinabi ko sakanya nung isang araw sa pagtutol ko sa gusto nilang kasal.
"It's about to your wedding with their son, we're going to talk about tomorrow, uuwi din kami ng mom mo bukas din so you must prepare yourself tomorrow no more excuses now daughter" ani naman ni dad
What the..
'Di na ako nag salita pa kaya naman nag pa alam na si dad dahil marami pa daw siyang gagawin, at pinutol na nito ang tawag.
Di ako makapaniwala na pupunta sila dto bukas, ano na ang gagawin ko ano ulit ang irarason ko
No, 'Di pwedi. Paano na. Paano na ako nito 'di ko pa kaya na maikasal kay Therdie. Bukod sa ayoko talaga he cheated on me. Boyfriend ko palang siya pero he cheated on me already ano kapag mag asawa na kami also hindi pa ako handa talaga na mag pakasal I'm just 17 years old for pete sake. Sa sobrang pag iisip ko nanaman kagabi di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.