Pauwi na ako sa bahay ng tumawag si mommy
[Hello anak, where are you na] si mommy
"Pauwi na ako mommy, why?"
[Remember, may pupuntahan tayo ngayon] si mommy
"Mom sorry nawala sa isip ko, pwedi ba sa susunod nalang or kayo nalang muna"
[Anak magagalit ang dad mo kapag di tayo pumunta] si mom
"Okay okay, pauwi na po ako"
Sabi ko at binaba na ang tawag
Pag dating ko sa bahay sinalubong agad ako ni manang Lida
"Anak yung isusuot mo daw sabi ng mom mo nasa kwarto mo, may pinuntahan lang saglit pero babalik din daw sila agad" mahabang paliwanag ni manang Lida
"Okay po" bored kong sabi
Pumasok na ako sa kwarto at nakita ko yong sinabi ni mom na isusuot ko
Isang dress, a color pink fitted dress may slit din syang konti, alam kong hapit na hapit ito sakin kapag sinuot ko
Naligo muna ako at saka nag ayos nang sarili. Inayos ko na rin ang dress na isusuot ko at muling tinitigan kung tama ba talaga 'tong gusto nila mom and dad sakin
What if I'm getting married to old rich man? but mom said hindi ako ipapahamak nila yeah tama i must trust them. Inalis ko na muna sa isip ko ang mga inooverthink ko at binilisan na ang pagbibihis at pag aayos
Bumaba na ako at umupo muna ako sa sofa dito sa living room upang dito nalang sila mom hintayin
Mga ilang minutong pag hihintay ay tinawag na ako ni yaya dahil nandito na raw sila dad
10 minutes din akong nag hintay bago dumating sina mom
"Anak how's your day" basag ni dad ng katahimikan at tumingin sakin sa rear mirror ng makasakay ako sa kotse.
Tiningnan ko si dad sa rear mirror din at saka sinagot ang tanong niya
"I'm fine dad" maikling sabi ko, even i still feel the pain gawa ng pananampal ni miracle sakin kanina. Okay lang 'di ko nalang ipapahalata natabunan na ito ng konting foundation na nilagay ko kanina sa mukha dahil alam kong namumula parin ito hanggang ngayon.
"Anak are you ready to meet your future husband?" may halong pang aasar na tanong ni mom
"Mommmm!" naiinis 'ding ani ko
"It's a joke sweetheart" tumatawang sabi ni mom
"We're here" ani ni dad, niliko niya na ang kotse sa may mga guard sa labas hindi ko alam kong ano ang tawag sa kanila
Bumaba na ako sa kotse ng pinagbuksan nito ang pinto ng kotse namin yong isang guard siguro ito dito sa restaurant. Tiningnan ko muna ang buong restaurant at binasa ang pangalan ng resto
Valdemort's
Sumunod ako kina mom and dad papunta na sa sinasabi nilang nakareserve daw for us na table
"Dad wag na kaya natin tong ituloy" pangunguna kong tanong at pakiusap kay dad
"What do you mean anak" ani ni dad, at tumingin sa likuran dahil nasa likuran ako nila. hindi parin sila tumitigil sa pag lalakad ni mom
"Dad kasi pakiramdam ko may mali eh" kinakabahang lintaya ko
"What's wrong sweetheart?" mom said at siya naman ay tumingin sa gawi ko sa likod niya din at dinaluhan niya ako agad habang naglalakad parin papuntang table
"I don't know but I know hindi maganda pakiramdam ko dito" sabi ko, pagpupimilit na wag nalang tumuloy sa pakikipag deal
Nang marating kami sa table ay umupo na kami sa walohan na table dito. Umupo ako katabi si mom at katabi din ni mom si dad.
Nilalamig at napahawak naman ako sa kamay ko habang nakayuko may halong kaba talaga akong nararamdaman dito hindi ko maintindihan.
"Mr. Ignacio" ani ng isang lalaki, napatingin naman ako dahil sa gulat. naka two piece suit ito at hindi maitatanggi ang kagwapohan nito may konting puti ang buhok nito pero hindi parin nawawala ang kagwapohang katangian nito.
Napansin ko rin na kasunod nito ang babaeng may suot na silver fitted dress din napakagandang babae siguro ay ito ang asawa niya na mukhang hindi din naman nalalayo ang edad sa parents ko medyo pamilyar din ang mukha nila at hindi ko alam kong saan ko ito nakita
Tumayo si dad at magalang na nakipag kamay sa lalaking tumawag sakanya
Walang emosyon akong tumayo din, gusto kong maging magalang parin kahit hindi ako sang ayon sa gusto nilang mangyari.
Bumaling sakin ang lalaking tumawag kay dad kaninaq
"Is that your daughter? she's so beautiful" sabi ng asawa nung kaibigan ni dad. i see her amusement eyes on me
"Thanks po, kayo rin po" nahihiyang sabi ko sa babae
"Honey, where's our son" tanong ng lalaki sa asawa niya
"Parating na yon sila, nasa likod lang ng sasakyan natin yon kanina nagpark lang siguro" sabi ng asawa niya
tinitigan ko sila ulit, pamilyar talaga ang mukha nila
"He's here na, with our daughter" sabi ng mom niya, tingnan ko naman ang pinupoint ng magandang babae
What the wait, really siya ang--- What the...
I can't believe this
Ako ikakasal sakanya. No big NO
"Ahm, excuse me washroom lang po" ani ko sabay tayo sa kina uupuan ko hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita
Papasok na sana ako sa washroom ng may humila sa kamay ko
"What?"
"Forgive me Darah, please" ani nya
"What do you want, alam mo ba 'to simula palang? gusto mo rin ba 'to? kaya ba dali mong lokohin ako dahil alam mong ikakasal din naman pala tayo? ano Therdie" galit na pambubungad na tanong ko sakanya
"No.. baby no of course not" pahayag niya
"Liar" sabi ko sabay duro sa dibdib niya
"Please Darah forgive me, just let me explain" he's begging now
"No, I don't want your explanations Therdie i saw everything. We're done okay, so please kausapin mo ang dad mo and cancelled that f*cking marriage" galit na sabi ko. Ngayon lang ako nagmura sakanya dahil sa galit
"Di kita kayang maka sama Therdie lahat ng mga nagawa mo andito parin.." duro ko sa puso ko naiiyak na sabi ko
"Minahal kita pero tama na. Tama pala yong sinabi ng mga chismosa sa school natin eh na you have a relationship with Genesis. I'm so disappointed ng malaman ko yon gusto kitang iwan, gusto kitang saktan that time pero naiisip ko na 'di mo yon kayang gawin sakin kaya pinasa walang bahala ko yon. Also because i trusted you. Pero nung makita ng dalawang mata ko yon. Hindi na disappoint ang naramdaman ko kung hindi galit pano mo yun nagawa sakin yun. Durog na durog yong puso ko. May kulang ba sakin o di kaya may nakita ka sa Genesis na yon nawala sakin para ipagpalit mo ako sa babaeng yon 'di ka ba nakokontento sakin, kaya ginawa nyo pa yung what the." umiiyak na sabi ko sumasakit na ang ulo ko at umalis sa harap nya 'di ko alam kung sinundan niya ba ako
Bago ako bumalik sa table ay pinunasan ko muna ang mga luha ko para hindi nila makita na galing ako sa pag iyak
Nag madali akong bumalik ako sa table namin don ko naman nakita ang panlalaki ng mata ni Alther at bigla siyang napatayo, mukhang wala siyang alam sa nangyayari. I think i need to talk to her
Habang si dad at ang lalaki kanina ay kausap niya dad pala ito nina Alther kaya pala pamilyar na pamilyar sila sakin. Hindi ko alam.
Agad akong pumunta sa direksyon ni mommy at binulungan ko nalamang siya
"Mom, can we go home now? I'm not feeling well po, let's resched this dinner nalang po please" pangungumbinsing sabi ko kay mom
"Why anak what happen?" nag aalalang tanong naman sakin ni mom
Sinabi naman ni mom kay dad at yumoko nalang ako pabulong akong tinanong din ni dad
"What happen, Darah anak?" dad with his curious look. i didn't say anything i think i convince him right now
"I'm so sorry Mr. Estevada we have to go because my daughter is not feeling well" ani ni dad
"Okay Mr. Ignacio" ani ni Mr. Estevada
"Nice to meet you again?" baling sakin ng asawa ni Mr. Estevada, katabi niya si Alther na nakatayo parin at parang walang masabi kundi pagkashock lamang sa nangyayari
"Darah po." nakayukong sabi ko
"Okay nice to meet you again Darah" masayang ani nya sakin
Pag pasok namin sa kotse wala kaming imik. Nang makabalik kami sa bahay pumasok agad ako sa kwarto..
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan
Ang daming tanong sa isip ko na di ko masagutan
Bakit nakilala ni dad ang pamilya ni Therdie.
Hindi ko din alam wala akong ideya na magulang nila yon, kahit nung maging kami ni therdie at maging kaibigan ko si Alther hindi ko pa ni minsan nakita ang magulang nila gawa ng palagi din nasa business trip daw.
Sa kaka isip ko nun di ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Kinabukasan ginawa ko na agad daily routine ko at pumasok na agad sa school
Papunta ako ngayun ng school para kausapin si Al
Nang mahanap ko sya tinawag ko agad sya, at paglingon kala mo nakikita ng multo
"Bess I'm so sorry, hindi ko alam na ikakasal ka sa kambal kong yon, ngayon ko lang nalaman eh promise. Wala akong alam don promise talaga." pambubungad na sabi nya. Ang totoo hindi naman ako galit sakanya eh kitang kita ko din ang pagkabigla niya kagabi yong reaksyon niya sa nangyari alam kong wala siyang alam don.
"Al, tulungan mo ko" sabi ko
"Tulungan saan?" tanong nya
"Tulungan mo ko gusto kung hindi matutuloy ang kasal namin kambal mo, sabihan mo ang dad mo na 'wag ng ituloy please babayaran nalang namin kayo please" hinawakan ko ang kamay niya habang sinasabi ko iyon. nabigla naman si Alther at at bumuntong hininga
"Okay, sasabihin ko but di ako sure kung sasang-ayon siya kasi kilala ko yun si dad may isang salita yon" sabi ni Alther kaya pla sabi ni mom sakin kapag daw contract-contract ay bawal na bagohin pa, kasi may kasulatan sila.
Papunta na akong room ng may tumawag sakin
"Darah" tawag sakin ng isang boses lalake napatingin naman ako sa gawing likuran.
"Oh? Suho ikaw pala?" Tanong ko, si Suho pala
"Ahm. ano ahm pwedi bang ayain kitang mag lunch mamaya" sabi nya at namumula pa yung tenga nya. so cute
"Ahm. okay lng naman kung ayaw mo" kumakamot pa sa tenga na sabi nyang muli
"Ah no, okay lang" sabi ko medj ayoko naman maging rude sakanya lalo pa alam kong mabait din naman siya sakin. kaya pumayag na ako
"So susunduin nalang kita mamaya okay lang?" masayang sabi nya
"Sure, i have to go now may pasok pa kasi ako sa next class ko" sabi ko
"Sige bye, see you later" sabi nya at tinalikuran ko na sya