Nakita ko dito ang mga dati kong post at kung sino ang nag rereact sa mga ng post ko at kung sino sino nag nag fa-flood reacts sakin
Kahit 'di nila ako friend nirereactan ang post ko nila. Well naka public ako sa lahat ng social media ko
Ang profile ko naman na inupdate ko lang nung nakaraan ay ngayon at umabot ng thousands of reactions 13.5k na ang reacts at saka may mga comments din
Tiningnan ko naman sa messenger ko dami ng nag chachat puro lalaki
Kaya nmn di ko na pinansin pumunta nalang ako sa news feed ko
Scroll down. Scroll down. Scroll down.
Napa tigil ako sa pag scroll down ko ng may mahagip ang mata ko
Pero what the. Bat sila mag kasama?
Si Therdie at si Genesis.
Naka akbay si Therdie kay Genesis at profile yon ni Genesis? Pero di ko siya friend. Naka public pala kaya nakita ko na naka tag yon kay Therdie. Kaya naman inistalk ko si Therdie nakita ko ang profile niya
Siya lang ang nandun at nasa beach siya ang ganda ng pag kakakuha ng litrato nito kitang kita ang kagwapohan nito sa light blue tee shirt nito at naka black na swimming shorts siya kitang kita ang kaputian nito tingin ko ay nung isang taon pa ang last update ng profile niya.
Napabaling naman ako sa cover photo niya ako iyon nasa cover niya kagabi niya lang inupdate. Napangiti naman ako
Kami na kasi ulit. inalala ko uli yong nangyari mga nangyari kagabi
~flashback
"Babe, handa akong maghintay ulit" sabi nya
Oo mahal ko parin siya pero tama bang balikan ko ulit siya ayokong masaktan ulit at lokohin ulit.
Ano naguguluhan ako.
"No, "di mo na kailangan gawin yan Therdie" sabi ko 'di ko kayang mawala pa siya sakin.
"What do you mean?" nagtatakang tanong niya
"Hindi ko na kaya Therdie" sabi ko. nagulantang naman ito sa sinabi ko mukhang kinabahan ito dahil sa naging reaksyon nito
"Anong 'di mo na kaya?? 'di mo na ako kayang mahalin?" mababang sambit nito at malungkot naman ako nitong tiningnan at pinilit ang mga ngiti nito.
"No, mali ka 'di ko kayang makipaglokohan sa sarili kong nararamdaman Therdie, mahal parin kita at ayokong mawala ka ulit sakin. Kakalimutan ko ulit lahat at sana sa pangalawang pagkakataon wag mo na ulit sayangin please" naiiyak na sabi ko sakanya.
"What? Totoo ba ang narinig ko?" sabi nya at nagulat bakas sa reaksyon nito ang saya at di makapaniwala sa mga sinabi ko
Ngumiti naman ako at marahan na tumango
"Babe alam mo ba kung gaano ako ngayun kasaya!" masiglang ani nito at hinawakan ang dalawang braso ko at hinaplos nito ng marahan
"Babe, so ibig sabihin tayo na!" di nawawalang ngiti na at naninigurado sa sinabi ko. tumayo siya at pumunta sa upuan ko
"Babe, thanks" sabi nya at niyakap ako nito ng mahigpit, niyakap ko rin siya pabalik
Sana hindi, mali ang naging desisyon kong ito.
~end of flashback
Nag log out na ako dahil na bored na din ako
"Hi Queen darah, pinapasabi ni King Therdie na hintayin mo daw siya dito kapag uwian na" bungad na sabi sakin nung with glasses na kaklase ko it's Mayie
"Okay sige, Mayie thanks." sabi ko kay Mayie
Hanggang ngayon hindi parin ako nasisiyahan sa pagtawag nila sakin na Queen at King naman kay Therdie ito yong time na nag vo-vote dito ang lahat ng students sa school namin nung grade 8 kami kung sino ang pweding maging role model para sa lahat. May ibang nagalit sakin may iba rin na masaya dahil ako ang nanalo pero nung si Therdie ang nanalo bilang king nung senior high na bilang King. Kinorohanan siya bilang King of the night sa grand ball na naganap ay walang naging reaksyon ang iba kundi masaya silang lahat dahil ito ang nanalo at walang tutol dito. Mas lalo pa silang nagalit sakin lalo na sina Miracle nung ako rin ang nanalo at kinoronahan sa pagiging Queen of the night nung prom night namin nung grade 10 at nung grand ball nung grade 11. Hindi kasi nila iyon matanggap.
Sampong minuto na ako ditong naghihintay at wala parin si Therdie.
Kaya naisipan ko nang umalis na ako sa room at magla-lunch na lang akong mag isa hindi na ako mag aaksaya ng panahon roon may pasok pa ako after lunch baka malate ako sa first subject ko if mas hihintayin ko siya roon ng matagal mamayang hapon nalang siguro kami mag usap ulit.
Nag lalakad na ako sa corridor at pababa na sana ng makita kong nag uusap si Therdie at si Genesis sa isang vacant room na puno ng inimbak na libro at mga papers doon
Anong ginagawa nila dito? biglang naalarma ang nararamdaman ko selos ba 'to? sinong hindi 'diba? nag uusap sila sa isang sulok pa ng campus na'to hindi ba yan pwedi pag usapan sa matao? hindi pwedi kung saan? dito talaga sa vacant na room?
Nakaramdam naman ako ng matinding selos sa nakita at inis na nararamdaman sakanya ulit.
Hindi ko marinig ang usapan nila kahit lumapit na ako sa may pinto
At mas lalo akong nang gigil ng makita kong niyakap ni Genesis si Therdie.
Kaya naman ay umatras na ako at akmang aalis na ako at bababa na sana nang may na bangga ako
"Ay sorry po" sabi ko ng nakayuko at hindi na tiningnan ang nabangga ko.
Huli ko nang napagtanto na mga kaibigan pala ito ni Therdie. Nabigla naman sila ng makita ako nitong dalawa hinawakan naman ako ni Drake sa balikat ko ng nanigurado kung ako nga iba ito
"Darah?" sabi nang isa pa sa mga kaibigan ni Therdie na si Kyle
Hindi na ako nagdalawang isip pa at dali daling tumakbo kaya nabitawan ni Drake ang balikat ko
Bumaba naman ako hanggang ground floor nasa second floor lang sana ang canteen na kakainan namin meron din namang sa baba nasa fourth floor kasi ang room ko dahil senior high kami at ABM ang strand ko.
Tumakbo naman ako hanggang sa makarating ko ulit ang puno na tinatambayan namin dati ni Suho. Meron rin ditong table at mahabang upuan na pang apat na tao dito ko minsan naiisipan mag aral kapag ayoko ng naiistorbo ako
Umupo naman ako at nilagay ang bag sa table na naroon. yuyuko palang sana ako ng may marinig na nagsalita
"Wag mo siyang iyakan" sabi nung kung sino man na tumingin ako kung saan ng hindi ko ito makita, pero alam ko na kung sino ito
Napataas ako ng tingin at nakita ko si Suho na nasa taas ng puno nagbabasa ng libro. The heck is he doing there?
Bumaba siya
"Panyo?" tanong nito pagkababa niya at kinuha sa likuran nito ang panyo na ibinigay sakin
"Suho" sabi ko, napairap naman ako sa sinabi niya, tumatawa naman ito ng makita ako nitong umirap at binalik ang panyo sa bulsa at ngayon ay humalukipkip na habang nakatayo parin
"Hindi ako umiiyak" sabi ko naman rito at hinarap ito habang nakaupo parin kaya nakatalikod na ako sa table
"Pero malungkot ka, ano bang nangyari? care to tell me?" tanong nito. At bumaba pumantay hanggang mukha ko at inusisa ang mukha ko na para bang tinitingnan ang kung ano sa mukha ko
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sakanya ng bigla nalang siyang bumulagta sa lupa dahil sa isang malakas na suntok galing sa iisang tao lamang kaya sa gulat ko ay napatayo naman ako at di napigilang tingnan ang dumudugong sugat ni Suho sa bibig
Akmang tutulungan ko uli ito ng may isang marahas na braso ang pumigil sakin at ng tingnan ko ito'y halos manlamig ako dahil sa malamig na tingin nito saakin at sa kagaspangan ng tono ng pananalita nito
"Hindi ba sinabi ko na sayo noon pa na wag ka ng lalapit sakanya, ayoko sakanya Darah, Bakit ba patuloy ka paring nakikipagkita sakanya ha! " marahas na ani nito na para bang ako ang gumawa ng kasalanan.
teka lang ano 'to?
Hindi ako nagsalita, tinitigan ko lamang ang nagdidilim na mata nito
Kinuha nito ang mga gamit ko, sabay hatak sakin papunta kung saan
Humurap ito saakin at saka sinabi ang mga gusto sabihin sakin na kaming dalawa lang.
"Darah, alam mo ba na nag seselos ako ha." pabulong pero pasigaw na sabi nito saakin. Bigla naman nag init ang ulo ko sa sinabi nito.
Iniinvalidate ba nito ant feelings ko? pano naman ang mga nakita ko?
"Anong pinagsasabi mo Therdie? ikaw pa ang may ganang magalit ngayon? pagkatapos ng mga nakita ko? ano yon? wala lang ba yon? kalimutan nalang ulit dahil mas valid ang nakita mo? pano naman yong nakita ko?"
"Look if its about Genesis let me explain first" hinayaan ko itong magsalita
"I just talked to Genesis a while ago because she's saying sorry for posting a lot of our pictures before. And I told her to delete all of those kasi alam kong pag nakita mo nanaman yon pag aawayan nanamn natin and I don't want you to get mad at me babe" pagpapaliwanag nito sakin hindi parin yon valid kaya nagsalita ako
"Eh bakit don niyo pa naisipan na mag usap sa stock room?" balik na tanong ko rito
"Babe, because she go there. Kami lang sana nina Drake and Kyle ang naroon may hinahanap kami don na papers andon sina Kyle at Drake kanina pa Umalis lang sila saglit para mag Cr and then bumalik din agad tapos nung pabalik na sila nakita ka raw nila na mabilis bumaba then they taught that you saw us and sinabi nila sakin na baka mamisenterpret mo nanaman ang lahat so they told me na habulin ka babe i swear to god i didn't do anything wrong. My intentions for you is pure so just trust me huh" mahabang sabi niyo saakin hindi parin ako nagsalita hanggang sa magsalita ito muli
"Until when i find you near at mango tree with that bast*rd Suho. I got mad when i saw him like he wants to kiss you--" pinutol ko agad siya sa maling akala niya
"Hindi ako nito binalak halikan Therdie, his just teasing me for being sad, actually ginambala ko pa siya roon dahil pumunta ako roon para lang mag emote sana kasi akala ko walang tao pero nasa taas pala ito at nagbabasa ng libro yon lang saka bumaba siya at dinaluhan ako walang iba Therdie. So why did you punch him, i want you to say sorry to him" mahaba ding sabi ko sakanya at matigas naman itong nagsalita ulit
"Hell, no babe"
"So, bakit ka niyakap nung Genisis nayon? ano nakikipagbalikan ba siya sayo?" tanong ko naman dito.
"No babe, Genesis and I were done already simula pa nung dumating ka sa buhay ko" seryosong sabi nito at hinawakan pa ang pisnge ko upang iparamdamn seryoso ito sa sinasabi nito