Makalipas ang ilang sandali, naramdaman niya ang muling pagsara at pag-andar ng kotse. Hindi niya narinig ang usapan ng dalawang babae na kanina’y puro kalaswaan—ang tanging gumising sa kanyang pandinig ay ang malakas na tugtog mula sa radyo ng sasakyan at ang matinis na tinig ng babae habang masiglang sinasabayan ang kanta. Bahagya pa nitong iginigiling ang kanyang katawan habang kumakanta—masaya, malaya, at tila walang pakialam sa kanyang paligid. Wala rin siyang kamalay-malay sa panganib na nakaabang sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas nang muling tumigil ang sasakyan. Naramdaman niyang bumukas ang pinto, at napangiti siya nang maramdaman niyang bumaba ang babae. Pakanta-kanta pa ito habang kumikendeng papasok ng kanyang bahay. “Like a virgin! Touch me for the very first time!” k

