“Shara, my love! Tara! Halika sa canteen! Mag-lunch na tayo! May bagong lutong putahe si Aling Ponsing, mukhang masarap. Halika na, libre ko!” Sigaw ni Rico nang makita si Shara na papalabas ng opisina. Ang boses nito’y malakas, may kasamang biro, ngunit halata ang pag-aangkin. Pasimple pa itong tumingin kay Jagie, wari’y nang-aasar. Agad nawala ang ngiti sa labi ni Jagie. Ang kanyang mga mata ay nanlabo, at ang mga kamay niya’y bahagyang nanginig. Hindi niya nagustuhan ang presensya ni Rico. “Naku, Rico! Tigilan mo nga ako at ‘wag mo nga akong matawag-tawag na ‘my loves,’ no! Saka hindi ako sasama sa’yo. Isa pa, naka-oo na ako kay Jagie na mag-lunch kami sa labas!” Mabilis na wika ni Shara, sinadya niyang iparinig kay Jagie, umaasang mapawi ang kanyang pag-aalinlangan. Alam niyang may t

