Wish come true

1480 Words
To Do List 1. Lagyan ng Robust ang isang gatorade drink tapos ilagay sa ilalim ng ikatlong bench malapit sa CR ng mga lalake. (12:30 pm) 2. Maglagay ng Condom sa taas ng locker 303 sa loob ng shower room. (10:30 am) 3. Mag-iwan ng balat ng saging sa Physics Hall malapit sa pinto ng room 202. (2:30 pm later) 4. Pulutin lahat ng baryang makikita sa sahig. (The day after tomorrow) 5. Pagpunta sa Biology class, huwag lilingon sa kaliwa. (The day after tomorrow) 6. Sirain ang lock sa storage room ng Gym. (11:00 am) Tawang-tawa si Faye at Joey matapos nilang basahin ang mga nakasulat sa papel na ibinigay ni Rem. “Shunga-shunga lang? Nagpauto ka naman doon?” pang-aasar pa ni Joey. “Gago, wala pa naman akong ginagawa sa mga ‘yan, e!” nagmamaktol na sagot niya. “Ang lakas din ng tama ng nagbigay sa iyo niyan, ‘no,” sabi ni Faye na medyo umaayos na. “Pero, I mean, para siyang prank thing. So, kailangan lang ba natin gumawa ng prank para matupad ang wish mo?” pahabol ni Joey na medyo pigil na ang tawa. “Tsk! Baliw! Bakit ko naman gagawin ‘yan? Ano ako, tanga?” inis niyang sagot dito. “Oh my god, friend! Ngayon mo lang ba na-realize? I’m so happy for you!” muling pang-aasar ni Joey. “Why not do it?” biglang dare ni Faye. “I mean, it’s not that hard to do those things and wala naman mawawala kung gagawin natin, malay mo!” pahabol pa nito sa kanya. “Ay! So trulalu! Sorry na friend, and to show my sincere apology, ako na ang gagawa noong una sa list mo. Ay!” sigaw ni Joey. “Gaga! Ten twenty-five na! Aabutin ng ten minutes papuntang botika. Saan ka kukuha ng Condom dito, Aber?” banat ni Faye. “Ay! Sorry ka, sister, unlike you ay isa akong butihing Girl Scout, laging handa!” sabi nito sabay bunot ng condom sa wallet. “Ay!” tili nilang sabay ni Faye. Napa-facepalm na lang si James sa pag-uugali ng mga kaibigan. “Anak ng...” nasabi na lang niya nang biglang hatakin siya ng dalawa Si Faye na lang ang naging look out nila sa labas dahil naiilang ito pumasok sa shower room ng lalake at mas gulo pa kung mayroong makakahuli sa kanila roon kung kasama ito, kaya silang dalawa na lang ni Joey ang pumasok sa loob. “Bilisan na nga natin at baka may makakita pa sa atin dito,” kinakabahang saad niya sa kaibigan. “Oo na, huwag atat!” sabi ni Joey habang hinahanap ang locker 303. “Hola! Huli ka!” sabay turo nito sa locker. “O! Dali na, ilagay mo na!” pagmamadali niya sa kaibigan. “Eto na!” sabay tapon ni Joey dito na kala mo nag-three points ng bola sa ring. “Ay! Kinulang ang powers ni itech!” sabi na lang nito. Napatong lang kasi sa gilid iyong condom na tipong malalaglag din kaagad. “Tang-ina naman! Ang landi pa kasi!” padabog na padyak niya ng paa habang papunta sa locker para ayusin ang condom subalit bigla nilang narinig ang boses ni Faye. “s**t, may mga tao!” senyas kaagad nito mula sa labas! Inunahan na si James ng takot kaya tumakbo na lang sila kaagad. “Ay, enjoy ko ‘yon so much! Exciting!” sabi ni Joey “Oh, ano na ‘yong susunod?” tanong ni Faye. “Ayoko na, tang-inang trip ‘yan!” pagmamaktol niya. “Nyeta naman, James, nasimulan na natin! Ngayon pa ba tayo titigil? Too late, nag-effort na tayo kaya huwag kang K.J. diyan!” sita ni Faye sa kanya. Wala na nga siyang nagawa kundi pagbigyan ang mga ito. Pagkatapos sirain ang lock ng storage room ay naging madali na ang mga sumunod sa kanyang listahan. ************ “Tang-ina naman talaga, o! Bakit ang dami yatang barya sa dinadaanan ko?” pikon na maktol ni James. Hindi niya kasama ang dalawa ngayon dahil may nakalimutan na namang assignment ang mga ito kaya nauna na siya papuntang classroom. Ang problema, kada yata madaanan niya ay may diyes sentimos siyang nakikita at nasasaad sa ‘to do’ list niya for this day, kailangang pulutin niya lahat ng barya na makita sa daan, kasabay ng hindi paglingon sa kaliwa. Kaya naman kanina pa siya naka-side view para sa kanan lang siya nakatingin. Kapag may nakikita siyang barya ay pinupulot niya kaagad at sa sobrang dami ng nadampot niyang diyes at tigpi-pisong barya ay naka-singkwenta pesos na yata siya. Punong-puno na kasi ang dalawang kamay niya ng mga ito. “Tang-inang trip ‘yan!” sabi ni James na halatang badtrip na badtrip na sa ginagawa. “Di bale, pagdating ko ng Biology room ay tapos na ‘to,” pilit niyang pagpapakalma sa sarili. Laking gulat niya nang makarating sa harap ng gusali kung nasaan ang Biology room ay may napansin siyang isang singsing na mukhang mamahalin. “Wow! Mukhang tunay ‘to, ah?” Dali-dali niyang pinulot iyon habang nakatingin sa kanan. Pagtayo niya ay nakahinga na siya nang malalim dahil nakarating na siya sa kanyang destinasyon. Sa wakas, tapos na ang parang truth or dare na laro nila. Sa sobrang dami ng napulot ni James ay punong-puno ang bulsa’t kamay niya at nang maglalakad na siya patungong classroom ay bigla naman siyang may nakabangga. Kumalat agad ang mga hawak-hawak niya dahil doon. “f**k,” bulong niya na lang na halos parang gusto niyang magwala sabay tingin sa nabangga niya. Si Trish pala iyon. Mabuti na lang at hindi napalakas ang mura niya kanina. Dali-dali na niyang pinulot ang mga baryang nalaglag. “Ay, sorry, hindi ko sadya! Hindi kasi kita nakita, so, sorry talaga!” Nakaluhod na ito at tinutulungan siyang pumulot sa mga nahulog. “O-Okay lang,” nauutal niyang sagot. “Sorry talaga,” nasisinghot na saad nito. Napansin ni James ang mahinang paghikbi ng dalaga. Napatitig na lang siya rito dahil hindi niya alam ang gagawin. Ni hindi niya alam kung bakit naiiyak ito ngayon. Napaisip na lang siya tuloy kung gano’n ba kalakas ang pakabangga niya rito? “Are you okay?” tanong niya sa dalaga. “Yeah, I’m fine,” sagot nito na mas lumalakas na ngayon ang paghikbi at kapansin-pansin na ang mamasa-masang mga mata. “Sabihin mo kung ano ang problema at baka makatulong ako.” saad niya na pilit ngumingiti ng matamis sa dilag. “Iyong sing-sing ko kasi, nalaglag yata sa bag ko. Hindi ko na-notice, e. Kanina ko pa hinahanap,” sabi nito habang pinupunasan ang luha. Biglang naalala ni James ang napulot niya. “Eto ba ‘yon?” aniya sabay taas ng singsing sa harap nito. “Oh my god! You found it! Thank you! Thank you! Thank you!” nagsisigaw na sabi ni Trish sabay yakap kay James. “You have no idea how important this is to me. Thank you!” tuwang-tuwa nitong saad sabay bigay ng halik sa pisngi ni James. Natulala na lang si James sa kinatatayuan niya. It was as if bigla siyang napunta sa isang mundo ng panaginip. Parang nais ng lumukso ng kanyang puso sa kanyang dibdib sa sobrang galak na nararamdama niya sa mga oras na iyon. “Hey, do I know you? Parang familiar ka?” biglang tanong ni Trish. “It’s me, James. Classmates tayo noong high school. Section 2, remember?” ngiwing sagot niya sabay napakamot na lang sa ulo. “Oh, yes! Now, I remember! Kaya pala you look so familiar every time I see you. I just couldn’t remember!” tuwang-tuwang saad ni Trish. “Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi niya ako masyado pinapansin. Hindi niya ako maalala.” malungkot na saad niya sa isip. “I really wanna make it up to you. Maybe we could grab lunch? Treat ko,” biglang aya ni Trish. “Hindi na, ayos lang,” tanggi naman niya rito. “No, seriously. Tomorrow I’ll see you at the cafeteria, ha?” pagpipilit na lang ni Trish. Wala nang nagawa si James kundi tumango na lang para sumang-ayon. Naisip niyang hindi maganda at nakakahiya naman kung tatanggihan niya ito. “Sige, una na ako, ha? Baka ma-late pa ako sa class. Thanks again! I’ll see you tomorrow!” pahabol na lang ni Trish na naglalakad na palayo,matamis ang ngiti na kumakaway-kaway pa sa kanya. Naiwan si James na tameme, tulala sa babae at tila tangang kumakaway na lang dito, halatang nananaginip nanaman ng gising. “Natutupad na ba yung wish ko?” muli niyang naisip. Ganoon na lamang ang pagtataasan ng kanyang mga balahibo dahil sa kinilabutan siya sa naisip, pero mabilis niya na lang iyon naisawalang bahala dahil mas naiisip niya ang lunch nila ni Trish.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD