Kinaumagahan ay sinimulan na namin ni Takeshi na basahin ang sangkaterbang paper works na nakatambak sa kanyang opisina. Alas otso na ng umaga pagkatapos naming kumain ng breakfast nang magsimula kami at wala pang kalahating oras ay unti-unti ko nang nararamdaman ang pananakit ng ulo dahil sa stress. Nakakaduling naman kasi 'yong ibang papel na nakasulat sa salitang Hapon. Kaya sa mga dokumentong nakasulat sa salitang ingles nalang ako nag focus. Para kahit papano makatulong naman ako. Kasama namin sina Ryu at Uncle Masato pero umalis din sila kaagad upang kausapin ang isang ma-impluwensiyang investor na maaaring makatulong sa amin na maisalba ang mga negosyo ng Onizuka. Sa mahigit dalawang linggo ay malaki ang naging epekto ng isyung ipinakalat ng Misawa at Sato laban sa Onizuka. Ak

