Kasalukuyan pang nahihimbing pa sa pagtulog si Charmaine dahil matagal din siyang nakatulog kagabi dahil umuwi ang Uncle niya at napasarap ang kuwentuhan nila. Binisita naman sila ng kaibigan ng Auntie Elena niya na si Flor na kasama din ang anak na si Che Che.
Nakakausap na niya si Che Che kahit pa nuong nasa Pilipinas pa siya sa pamamagitan ng Skype. Magiging school mate niya din kasi ito sa Chiba University kung saan siya mag aaral. Mabuti nalang talaga ay may kahit isa siyang kilala na kapwa niya Pilipina. Atleast hindi siya mahihirapan at alam naman niyang magiging mabait at bibong kaibigan si Che Che.
Isa pa sa dahilan na medyo napuyat siya ay pinakiusapan siya ng Auntie Elena niya na mag bake ng "Mainebow Cake." Pangarap niya kasi na maging isang pastry chef balang araw pero mas pinili niya kumuha ng kursong Business Administration dahil alam niya na makakatulong din naman ito kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makapagtayo ng negosyo.
Ang cake na 'yun ay para daw pinsan ni Takeshi Onizuka: ang Soryo ng Onizuka Clan na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw na ito.
Minsan, gustuhin mang magtanong ni Charmaine sa Uncle at Auntie niya tungkol sa trabaho nito ay pinili niyang manahimik. Ayaw niya kasing mapahamak. Biglang nagising si Charmaine. Naalimpungatan niya. Ngayon pala ang araw ng orientation niya sa University.
"Hala, ngayon pala ang orientation ko sa university. Patay, mali- late na ako. Ayaw pa naman ng mga Hapon na nali-late.", napabalikwas siya ng bangon mula sa pagkakahiga.
Agad agad na siyang nagbihis at bumaba sa kusina. Nakita naman niya ang Auntie niya na naghahanda ng almusal. Hingal na hingal sa pagtakbo si Charmaine pababa ng hagdan.
"Oh, anong nangyari sa'yo Charmaine? Bakit ba tumatakbo ka? Para kang hinahabol ng pitong kabayo.", naitanong sa kanya ni Auntie Elena.
"Eh, Auntie mali-late na po ako. Nakalimutan ko po kagabi na ngayon pala ang orientation ko sa Chiba University. Kailangan daw kasi 'yun lalo na sa mga foreign students. Teka, si Uncle Koji po, nasaan?"
"Bumalik na sa trabaho ang Uncle mo. Hindi ka na niya ginising. Naku, ikaw talagang bata ka. Oh sige na, kumain ka muna bago ka umalis."
"Naku, Auntie. Wag na po. Inumin ko nalang po 'yung tea."
"Hindi ka ba kakain?"
"Hindi na po Auntie. Sige po, alis na po ako.", sabay halik sa Auntie niya.
"Uy, Charmaine. Wag mong kalimutan 'yung coat mo. Medyo lumalamig na ngayon. Gamitin mo yan at ingatan mo ha."
"Salamat po. Sige, alis na po ako.", sabay kuha ng coat at dali daling lumabas ng bahay.
Mabuti nalang at walking distance lang ang university mula sa bahay ng Auntie niya. Kasalukuyan na sana siyang tatawid sa kalsada pero naging abala siya sa pagbabasa ng street signs. Kung kelan nagmamadali siya ay saka pa niya nakalimutan ang daan papunta ng University.
Aakma na sana siya sa pagtawid nang hindi na niya napansin ang paparating na itim na kotse. Muntik na siya nitong masagasaan. Natumba si Charmaine sa kalsada. Hindi naman siya nasaktan. Kaya lang, napunit ang coat na binigay ng Auntie niya sa kanya. Huminto ang sasakyan ilang metro mula sa kanya. Bumaba ang driver at tila ba ito pa ang galit. Naglalakad ito papunta sa kanya.
"Anata wa hijō ni fuchūidesu!!! Anata wa shinitaidesu ka?!!! (You are very careless! Do you want to die?)", sigaw nito sa kanya habang naka upo pa siya sa kalsada.
Agad namang tumayo si Charmaine. Hindi niya palalampasin ang ginagawa ng lalaki. Siya na nga itong muntik na makasagasa sa kanya tapos ito pa ang galit.
"Hoy, ikaw! Ang kapal ng mukha mo. Ako na nga itong halos muntik nang mamatay tapos ikaw pa ang may ganang sigawan ako!", sabay turo niya dito.
"Nani tte itta no?! (What did you say?)"
Sa inis ni Charmaine ay nakalimutan niya na nasa Japan na pala siya. Nakapagsalita siya ng Tagalog nang 'di oras. Maya maya ay may bumaba pang dalawang lalaki mula sa kotse. Napansin ni Charmaine na parang bodyguard ang isa pa, at 'yung dalawa ay tila mga boss nito. Lumapit ito sa kanila. Nakasuot ito ng itim na suit. Sa tantiya niya ay ka edad niya lang ang mga ito.
"Katsu, mondai wa nanidesu ka? (What's the matter, Katsu?)", nagsalita ang isa sa mga tingin niya ay boss ng mga ito.
"Hey, you! I don't know if you understand the words that I'm saying. But can you just tell your driver to say sorry because of what he has done to me awhile ago. I don't care who you are. You are all ill-mannered! Tell your driver to respect women the way it should be!", nasabi nalang ni Charmaine sa sobrang inis niya.
Ayaw na niya itong patulan. Dinampot ni Charmaine ang bag niya at umalis na siya dahil malapit na talaga siyang ma late. Kung hindi lang siya nagmamadali ay malamang tumawag na siya ng pulis.
"Buwisit na lalake 'yun. Napaka bastos! Walang modo! Ni hindi man lang sinabihan ang driver na mag sorry sa akin. Nakatunganga lang. Umph! Nakakainis! Ang sarap krompalin!", nasambit niya nalang habang mabilis na naglalakad.
Meanwhile, Takeshi couldn't believe what just happened. This is the very first time that a girl dared to humiliate and shouted at him in front of his underlings. But instead of getting angry, he finds himself being fascinated with that girl.
She has the most expressive eyes, a beautiful hair, rossy cheeks, and the most lovely lips. They are now inside the car going to his office at the port.
"Soryo, do you want to me find that girl and make her apologize to you?", his bodyguard Seki says.
"No, let her go."
"Let her go? Is that you, Takeshi? Can you give me a reason why?", his cousin Ryu asked him laughing.
"Maybe she didn't recognize me. Maybe she doesn't know who I am."
"Really? Or maybe you find her cute, huh? Hey, you just let her shout at you awhile ago. Onizuka Soryo became tight lipped because of a girl. You're crazy!", Ryu teases him.
"Ryu! It's not like that. Maybe she is a tourist here. She is not aware of the tradition."
"Okay, then. We'll see."
"I'm sure we will see each other again, soon.", Takeshi mumbles in secret.
Mabuti nalang at nakarating sa tamang oras para sa orientaton niya si Charmaine. Nagtagal ng ilang oras ang orientation nila. Medyo madami din ang mga foreign students na nakasabay niya; may mga Americano, Asian, at Italian. Pero sa batch niya ay siya lang mag isa na Pilipina.
Natapos na ang orientation nila at uuwi na sana siya. Nagkita naman sila ni Che Che.
"Uy, Charmaine. Kumusta ang orientation mo?"
"Okay naman. Madaming napag usapan. Medyo nakakalito pero okay lang kasi nakasulat naman lahat sa student's manual."
"Tara, upo muna tayo 'dun. May dala akong snacks."
Umupo muna sila sa isang bench sa ilalim ng sakura tree. Inaayos ni Charmaine ang mga gamit niya nang mapansin ni Che Che ang coat ni Charmaine na may punit.
"Oh, anong nangyari diyan sa coat mo? Bakit napunit?"
"Kasi kanina may bastos na lalake na muntik nang makasagasa sa 'kin.", naalala na naman niya ang nangyari kanina.
"Ano? Nasaktan ka ba?", nasabi nalang ni Che Che na nag aalala sa kanya.
"Wala naman. Ayun, natumba lang ako at saka napunit nga ang coat na binigay ni Auntie. Nakakainis nga eh, mukhang mayaman pa naman 'yung amo ng driver kaso parang walang modo. Hindi man lang nag sorry. Nakatulala lang na parang nakakita ng multo.
Naku, pag nagkita kami ulit 'nun for sure sasampalin ko 'yun. Nagmamadali lang talaga ako kanina kaya hindi ko nagawa."
"Nakilala mo ba kung sino 'yun?"
"Hindi eh. At wala akong pake kung sino ba siya. Sa inis ko kanina, talagang sinigawan ko. Nabigla yata kaya natulala at walang nasabi."
"Grabe naman 'yun. Pero sana hindi 'yun isa sa mga ma impluwensiyang pamilya dito sa lugar natin. kasi kapag ganun, naku lagot ka. Alam mo na kung sino ang tinutukoy ko."
"Teka lang, Che Che. Alam mo simula nang dumating ako dito, hindi man lang nagku kuwento si Auntie Elena sa akin tungkol sa boss ni Uncle Koji. Kagabi nga kapag nagtatanong ako tungkol sa kanila, iniiba ni Uncle ang usapan. Nakakatakot ba sila? Marami kasi akong nababasa sa internet tungkol sa uri nila....alam mo na, 'yung mga gokudō?"
Magku kwento na sana si Che Che pero biglang tumunog ang phone ni Charmaine. Tumatawag ang Auntie Elena niya.
"Hello Auntie, pauwi na po ako. Kumakain lang po kami ng meryenda ni Che Che."
"Baby girl, wag ka muna umalis diyan. Hintayin mo ako.
"Bakit po, Auntie?"
"May pupuntahan tayo. Naalala mo ba 'yung 'Mainebow' cake na ginawa mo kagabi? Dadalhin natin 'yun sa bahay ni Onizuka Soryo. May simpleng pagdiriwang sila ngayon sa bahay nila at imbitado tayo dahil birthday ni Ryu, 'yung pinsan niya."
"Eh Auntie. Kayo nalang po pumunta. Nahihiya po ako eh."
"Basta, hintayin mo 'ko diyan. Mamaya na tayo mag usap at nagda drive ako. Bye."
"Okay po, bye."
Dumating naman ang Japanese boyfriend ni Che Che. Agad nang nagpaalam ang mga ito sa kanya. Ewan ba niya pero nakaramdam siya ng takot na sumama sa Auntie niya. Bago pa lang siya makarating ng Japan ay nag research na siya tungkol sa mga "gokudō" (yakuza), at hindi niya nagustuhan ang mga nalaman niya.
Pero dahil alam niyang isa siya sa mga scholars nito ay kailangan niyang magpasalamat sa mga dito. Ilang saglit pa ay dumating na ang Auntie niya. Kasalukuyan na silang nakasakay sa kotse.
"Auntie, sorry po talaga."
"Oh, bakit ka nagso sorry?"
"Eh kasi po napunit 'yung coat na binigay niyo sa 'kin. Muntik na po kasi akong masagasaan kaninang umaga 'nung papunta pa lang ako sa university."
"Ano??? Okay ka lang? Nasaktan ka ba?", nag alalang tanong ng Auntie niya sa kanya.
"Hindi naman po. May kasalanan din naman ako kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Kaso, nakakainis lang 'yung lalaking 'yun. Hindi man lang po nag sorry sa 'kin. Mga bastos! Mga walang modo. Ayun, nasigawan ko nang 'di oras."
"Nakilala mo ba kung sino 'yun? Aba eh, bastos nga siya kung ganun."
"Hindi ko po nakilala eh. Pero, mukhang mayaman kasi may driver at saka bodyguard. Naku, Auntie pag nakita ko ulit 'yun naku masasampal ko na talaga siya. Nakakapanindig ng laman!"
"Sige, sabihan mo 'ko at nang mapagsabihan ko kung sino man 'yung bastos na 'yun."
Meanwhile, everybody is getting busy in the Onizuka's house. Some of the members of their family just arrived. During their special occasions, the clan usually organize simple dinners as their way of celebration. The assembly hall is beautifully decorated with flowers. Takeshi and Ryu is currently accepting guests in their doorstep.
"Uncle Koji, is Auntie Elena and your niece Charmaine coming over?"
"Yes, Soryo. They may arrive in awhile."
Dumating na nga si Charmaine kasama ang Auntie niya. Napakaganda pala ng bahay ng isang gokudō. Tama nga ang mga nakita niyang larawan sa internet. Siguro naman ay walang mangyayaring masama sa kanya dahil nandun naman ang Uncle Koji niya at kasama naman niya si Auntie Elena. Agad naman nilang nakita ang Uncle Koji niya. Magaling na ito magsalita ng Tagalog dahil matiyaga ang Auntie niya sa pagtuturo dito.
"Buti naman nandito na kayo. Onizuka Soryo is waiting for you inside."
Sinama sila ni Uncle Koji sa Assembly Hall para ipakilala si Charmaine sa leader ng Onizuka Clan. Isa siyang napili na scholar ng mga ito. Kahit pa may takot siya dahil dito ay kailangan niyang tapangan ang dibdib niya.
"Soryo, this my niece Charmaine Mendoza.", Uncle Koji bow down his head.
Charmaine and Auntie Elena also bow down their heads as a sign of respect. When Charmaine lifted her head, she was shocked knowing who is standing in front of her. The 2 guys are wearing a black kimono and standing next to them are another 2 guys in a black suit.
Paano nga ba niya makakalimutan ang napakapamilyar na mukhang 'yun? Dahil ito ang lalaking sinigawan niya kaninang umaga sa daan, ang lalaking tinawag niyang bastos at walang modo. Siya pala si Takeshi Onizuka; ang 19th Soryo (Oyabun) ng Onizuka Clan.
"Ikaw? You?", Charmaine and Takeshi said in unison.
"Soryo, she is the girl who shouted at you awhile ago at the road.", Katsu said.
"Do you know each other, Soryo?", Uncle Koji asked them.
"Naku, patay. Lagot na!", kinakabahang sabi ni Charmaine.
"Ano bang nangyayari Charmaine?", tanong sa kanya ng Auntie Elena niya.
"Auntie, siya po 'yung lalaking sinigawan ko kanina sa daan."
"Ano? Totoo ba 'yang sinasabi mo?"
"Opo! Siya po 'yun. "
Nagkatinginan sina Uncle Koji at Auntie Elena pati na din sina Takeshi at Ryu. Pakiramdam ni Charmaine ay parang mahihimatay na siya sa sobrang kaba. Nararamdaman ni Uncle Koji at namumuong tensiyon kaya nagsalita na siya.
"Soryo, can I talk to you in private?"
"Yes, Uncle."
Nasa garden ng Onizuka si Charmaine at sinusubukang pakalmahin ang sarili niya. Kung pwede nga lang na mauna na siyang umuwi ay gagawin niya. Kaso, magiging kahiya hiya naman 'yun sa kanila ng Auntie at Uncle niya. Isa pa naman siyang scholar ng Onizuka Clan. Tapos na bastos niya na pala ang leader nito.
"Jusko po, Charmaine. Ang tanga mo talaga! Sa lahat ba naman ng pwede mong sigawan, eh siya pa! Hay, naku naman! Paano ba 'to? Ayoko pang mamatay."
Dumating naman ang Auntie niya galing sa loob. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hindi naman kinakabahan at walang bahid ng anumang takot.
"Oh, andito ka lang pala sa garden. Kanina pa kita hinahanap eh. Pumasok na tayo sa loob at kakain na."
"Po? Eh Auntie, pwede po bang umuwi na ako?"
"Ha? Bakit naman?"
"Eh kasi po baka po parusahan nila ako. May nabasa po kasi ako sa internet na pinuputulan nila ng daliri ang mga taong nagkakasala sa kanila. Auntie, natatakot po ako. Uwi na po tayo."
"Ano ka ba, Charmaine. Hindi mangyayari 'yun. Kinausap na ng Uncle Koji mo si Takeshi Soryo. Ayos na. Mag sorry ka nalang mamaya sa kanila. Halika na."
"Eh, Auntie naman eh."
"Wag kang matakot. At isa pa, paano ka nila paparusahan eh scholar ka nila, 'di ba?"
Nakapasok na ulit sila sa Assembly Hall. Kasalukuyang may tumutugtog ng 'koto'; a traditional Japanese stringed musical instrument originated from the Chinese zheng. Agad naman siyang nag sorry kay Takeshi Soryo.
"I'm really sorry for what happened awhile ago. I didn't really mean it. Please forgive me. Please don't punish me.", nasabi ni Charmaine kay Takeshi while bowing her head.
"It's alright Charmaine. You still don't know who I was. I'm sorry that I didn't apologize to you.", Takeshi also bow down his head.
"I think it's really my fault because I was too careless. I'm really sorry."
"It's okay. We will not punish you. We, in the Onizuka family never bullies women in the society. So, let's just eat. The food is ready now."
Nakaupo na sila para kumain pero bakit nga ba talaga mapagbiro ang tadhana. Nagkatapat pa sila ng inuupuan ni Takeshi. Pakiramdam niya tuloy ay parang tinitingnan siya nito. Hindi siya makakain ng maayos. Hindi siya makangiti. At parang gusto na niyang tumakbo pero 'di niya magawa. Pasimple silang nagpapalitan ng tingin. Sa totoo lang, ay nako concious na talaga siya.
"Are you alright, Charmaine?", Ryu asked her.
"Yes, I am."
"So, how's your stay here in Japan?", Takeshi speaks.
"Ahm, it's wonderful. I'd like to thank you for the privilege of being one of your scholars."
"My niece Charmaine is a smart girl. You will never regret of choosing her, Soryo."
"This cake tastes really good. Did you bake it, Auntie Elena?", Ryu exclaims while eating.
"Actually, it is called a "Mainebow Cake". Charmaine baked it for you birthday, Ryu. I asked her last night to bake because I know you love cakes so much."
"Oh, really? Dōmo arigatōgozaimashita, Charmaine."
"Dōitashimashite, Ryu!"
Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na sila.
"Thank you for coming, Auntie Elena and Charmaine.", Takeshi and Ryu bow down their heads.
"Thank you also for inviting us, Soryo."
"Charmaine, it's nice to finally meet you.", Takeshi said to her.
"I'm glad to finally meet you too. And again, I'm sorry what happened awhile ago."
"It's alright. I know we'll see each other again."
Kasalukuyan nang nakauwi sa bahay sina Charmaine at Auntie Elena. Pero kahit nandun na siya, ay para bang hindi mawala wala ang kaba niya.
"Alam mo kanina Auntie feeling ko parang akong nasa death row. Grabe, akala ko mamamatay na ako kanina."
"Jusko namang bata ka. Bakit mo naman nasabi 'yun? Alam mo, 'yung sinasabi mong puputulan ng daliri ang mga taong nagkakasala sa kanila ay hindi pwedeng mangyari sa'yo. Minsan kasi, ginagawa nila 'yun sa mga ka uri nila kapag nagkakasala sa kanila. Hindi ka naman nila ka uri kaya alisin mo na 'yang takot mo."
"Eh kasi naman po, Auntie. Iba po kasi ang imagination ko sa kanya. Base kasi sa mga nababasa ko sa internet at sa mga nakikita kong pictures; na matanda na madalas 'yung mga lider ng gokudō, maraming tattoo sa katawan, tapos nakakatakot 'yung mukha na parang palaging galit. Pero iba pala si Takeshi Soryo. Magka edad lang pala kami. Mabait naman pala at saka pogi din. Pero, hindi ko siya crush Auntie ha."
"Oh, tinanong ba kita? Bakit defensive ka masyado? 'Yung totoo, crush mo siya noh?"
"Auntie, hindi po. Crush agad? 'Di ba pwedeng na- guwapohan lang? Grabe naman! At saka ayoko sa mga lalaking bayolente."
"Alam mo, hindi naman sila bayolente. Mabubuti silang mga tao. Nagmula ang angkan nila sa mga lahi ng samurai warriors ng emperor ng Japan. Sa bawat henerasyon ng pamilya ay may itinalagang maging lider nila, at 'yun ay tinatawag na Soryo. Sa kaso ni Takeshi, napilitan siyang tanggapin ang responsibilidad bilang lider ng pamilya. Namatay kasi ang mga magulang niya pati ang panganay niyang kapatid sa isang car bombing incident. Kaya siya ang na appoint na lider. At saka 'yung sinasabi mo sa akin na kung bakit wala silang tattoo...eh kasi sa makabagong henerasyon nila ngayon ay pinili nila na hindi magpalagay. Kasi ayaw nila na katakutan sila ng mga tao. Minsan, kasi 'yun ang isa sa mga pagkakakilanlan sa kanila. Siguro, 'yung mga dating naging leader nila may tattoo talaga. Pero sa bagong henerasyon nila Takeshi hindi na nila ginagawa 'yun. Wag kang basta bastang naniniwala sa mga nababasa mo sa internet. Sa amin ng Uncle Koji mo ikaw maniwala.", mahabang paliwanag ng Auntie niya sa kanya.
"Talaga po? Kawawa naman po pala siya Auntie. Pero, ewan ko ba Auntie hindi parin maalis sa 'kin ang takot eh."
"Hay naku, Charmaine. Ang mabuti pa matulog kana. Bukas maaga tayong pupunta sa flower shop at aayusin natin ang mga gamit mo para sa school. 'Di ba sa Lunes na ang simula ng pasok niyo?"
"Oo nga po pala. Sige po, akyat na po ako. Good night po."
"Good night, baby girl."
Nakahiga na si Charmaine pero nahihirapan siyang matulog. Isa lang ang gusto niyang mangyari. Hindi na siya babalik sa bahay na 'yun. Gagawin niya ang lahat para makaiwas kay Takeshi. Kung paano niya gagawin, 'yun ang hindi pa niya alam.
Takeshi's POV
Takeshi is now lying on his bed. Right after Auntie Elena and Charmaine left, his cousin Ryu keeps on teasing him about Charmaine. He was caught by Ryu smiling and also absent-minded while talking to him after dinner. Maybe Ryu is right. He never smiled since the day that his family died.
But today, he feels a little lighter upon meeting Charmaine. He remembers his first encounter with her on the road this morning and he smiles once again. For the very first time tonight, he can sleep with a smile on his heart. He feels as if better days are coming for him. There's one thing that he is sure of: HE IS HAPPY.