It was just an ordinary day at Chiba University for Charmaine and her friend, Che Che. They just already finished doing their research at the library. Naglalakad sila papunta sa cafeteria para kumain. It's been a few days that the classes started and Charmaine was only close to Che Che.
Hindi naman sa ayaw niyang makipag kaibigan sa ibang estudyante. Pero siguro dahil medyo takot siya makihalubilo lalo na sa mga mayayaman. Kasalukuyan nilang inaayos ang mga librong hiniram nila mula sa library.
"Yung totoo, Charmaine? May balak ka bang magtayo ng sarili mong library sa bahay niyo? Ang dami dami naman niyan."
"Kailangan eh. Para 'to sa ekonomiya. At saka dapat matutunan ko pa 'yung Japanese culture, 'di ba?"
"Lukaret! Para sa ekonomiya talaga? Sabagay, tama ka. Buti nalang ikaw ang close friend ko dito para mahawa naman ako sa kasipagan mo."
"Baliw! Nag aaral ka naman kaso tamad ka lang."
"Ay grabe siya o! Ang harsh mo teh. Ang sabihin mo, inspired ka mag aral kasi in love ka."
"Ha? In love? Hindi noh. At kanino naman ako in love, aber?"
"Kailangan ko pa bang itanong sa 'yo? Eh 'di kay Takeshi Onizuka Soryo. Uy, ano na? Saang level na ba kayo? Getting to know parin ba?"
"Alam mo, Che. Ang assuming mo. Magkaibigan lang kami ni Takeshi. Wag kang ano diyan. Bilisan na natin at nagugutom na 'ko."
"Okay, Madam. Taralets."
Nagtatawan pa silang magkaibigan kaya hindi nila napansin ang tatlong babae na makakasalubong nila. Nabangga ni Che Che ang isa sa kanila. Natapon sa damit ng babae ang canned drink na dala nito.
Medyo may katangkaran ang nasabing babae. Maputi din ito at makinis ang kutis. Halata sa hitsura na ito ay isang mayaman. Agad naman na humingi ng paumnahin si Che Che sa nasabing babae. Pero, tinarayan siya nito.
"Gomen' nasai. Watashi wa hontoni, hontoni gomen' nasai ( I'm sorry. I'm really really sorry)", sinabi ni Che Che dito na nakayuko ang ulo.
Pero imbes na tanggapin nito ang paumanhin niya, ay sinigawan siya nito. Pinagtitinginan tuloy sila ng ibang estudyante na nandun'.
"Hey, you! How dare you bump at me? What have you done?", the woman said furiously.
"I'm sorry. I didn't mean it.", Che Che answered her.
"Shut up, b***h! I don't need your explanation!"
"My friend already said sorry. Can you not just accept it?", nasabi nalang ni Charmaine.
"Hey, you! Who do you think you are? I'm not asking for your opinion!"
"What should i do for you to forgive me?"
"Nothing. But, this will do.", she said as she pours the remaining content of her canned drink to Che Che.
Nabigla si Che Che at si Charmaine. Walang pag aalinlangan kasi na binuhos ng babae ang natirang laman ng canned drink nito sa mukha ni Che Che. Gustuhin mang sabunutan ni Charmaine ang babae pero pinigilan siya ng kaibigan.
"Don't you ever show your face to me again, you careless b***h! You deserve it. Let's go, girls!", she said then walks away from them.
Naiwan silang magkaibigan na pinagtitinginan ng mga tao. Tumakbo si Che Che palabas ng building. Agad naman siyang hinabol ni Charmaine.
Naabutan niya ito sa isang sulok ng garden na katabi lang ng cafeteria nila. Pinupunasan nito ang sarili dahil sa softdrinks na binuhos sa kanya.
"Che, sandali nga lang. Ano 'yun? Sino ba 'yun? At saka bakit ba 'di mo man lang pinagtanggol ang sarili mo?"
"Hindi na kailangan, Charmaine? Siguro nga, tama siya. Deserve ko 'yung ginawa niya kanina sa 'kin. Hindi kasi ako nag ingat."
"Ano? Hindi mo sinadya 'yung nangyari, Che. Alam mo 'yan. Aksidente lang 'yun."
"Charmaine, ayokong mapahamak. Ayokong mamatay."
"Ano bang ibig mong sabihin?"
"Kung gusto mong manahimik ang buhay mo dito sa university at dito sa lugar natin...iiwasan mo siya."
"Ha? Sino ba kasi 'yun, Che? At bakit parang takot na takot ka sa kanya? Alam mo kanina, gusto ko na siyang sabunutan eh. Kung 'di mo lang ako pinigilan ay talagang ginawa ko. Aba, sobra siya ah. Gaga pala siya eh."
"Siya si Aiko Misawa. Anak siya ni Ichiro Misawa; isa sa mga mayayamang pamilya dito. Anak din siya ng isang gokodu leader."
"Oh, eh ano ngayon? Hindi ibig sabihin na mayaman siya ay may karapatan na siya na mang api ng kapwa. Aba, ang kapal ng mukha niya ha."
"Tama na yan, Charmaine. Sige, aalis na ako."
"Saan ka pupunta?"
"Uuwi na 'ko."
"Ano? May huling klase pa tayo, Che. Major subject 'yun."
"Wala na 'kong ganang pumasok, bestie. Tingnan mo nga ang damit ko oh. Ang dumi na at ang lagkit ng pakiramdam ko. Haaay, dahil siguro 'to 'dun sa softdrinks na binuhos ni Aiko sa 'kin kanina."
Aalis na sana si Che Che pero may sinabi pa ito sa kanya.
"Siyanga pala. May nakalimutan akong sabihin tungkol kay Aiko Misawa."
"Ano 'yun? Wala akong interes sa kanya."
"Si Aiko Misawa ang fiance'-to-be ni Takeshi Onizuka Soryo. Matagal na silang pinagkasundo ng mga magulang nila. Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila Takeshi at Aiko.
Sa pagkakaalam ko, simula 'nung mga bata pa lang sila, eh pinagkasundo na silang dalawa ang magkakatuluyan pagdating ng tamang panahon."
"Ganun ba? Siya ang fiance'-to-be ni Takeshi?", sabi ni Charmaine na pilit na tinatago ang lungkot.
"Sorry kung ngayon ko lang sinabi sa 'yo ha? Paano? Uuwi na 'ko. Bye. Kita nalang tayo bukas."
"Sige, Che. Ingat ka."
Hindi tuloy mapalagay si Charmaine dahil sa narinig niya. Hindi niya din alam kung naitindihan ba niya ang lecture ng professor niya sa huling klase niya ng araw na 'yun. Para siyang wala sa sarili habang naglalakad pauwi.
Pagdating niya sa bahay ay dumiretso na agad siya sa loob ng kuwarto niya. Napansin ng Auntie Elena niya ang kakaiba niyang kinikilos kanina habang kumakain kaya sinundan siya nito sa kuwarto.
"Baby girl, okay ka lang?"
"Po? Okay lang po ako Auntie."
"Eh kasi kanina pag uwi mo galing school...medyo matamlay ka. Masama ba ang pakiramdam mo? May problema ka ba, nak?"
"Wala po Auntie. Siguro, pagod lang po ako. Wag po kayong mag alala. Ayos lang po ako."
"Oh sige. Basta, magsabi ka lang kung may kailangan ka."
"Opo, Auntie. Salamat po."
"Oh siya, sige. Matulog ka na. Good night, baby girl.", sabi ng Auntie Elena niya sabay halik sa noo ni Charmaine.
"Good night po, Auntie."
Sa totoo lang ay medyo masakit ang ulo ni Charmaine. Hindi rin niya maintindihan kung bakit simula nang sinabi ni Che Che sa kanya kanina na fiancee'-to-be ni Takeshi si Aiko Misawa ay tila yata nag iba ang pakiramdam niya.
Alam niyang wala siyang karapatan na maramdaman 'yun. Pilit niyang ipinikit ang mga mata niya para matulog.
"Eh ano naman ngayon kung siya ang fiance'-to-be ni Takeshi? Ano naman ang pakialam ko 'dun?", she said to herself.
Pero...bakit may tila nararamdaman siyang kurot sa puso niya?
Bakit siya nasasaktan?