Episode 1

2663 Words
Chapter 1 Hanna “Kumusta ka na, Han? Na miss na kita alam mo ba ‘yon? Ang tagal na hindi tayo nagkita.” Mahigpit akong niyakap ni Emerald. Sobrang ganda niya na at ang puti ng kaniyang balat saka lalo naging makinis. Anim na taon na ang lumipas bago kami magkita ulit. Sa Amerika na kasi siya naninirahan. “Mabuti naman naalala mo pa ako. Kumusta ka na? Lalo kang gumanda. Heyang ka yata sa America.’’ Malawak ang mga ngiti ko habang nakikipagkamustahan sa kaniya. “Tumakas lang ako. Umuwi kasi kami kahapon sa Holand. Naisipan ko na dalawin kita rito. Hali ka, ipapasyal kita sa Holand.” Hindi ako nagdalawang isip sa paanyayang iyon ni Emerald. Agad akong nagpaalam sa Tita ko at wala naman itong pakialam sa akin basta ang mahalaga sa kaniya may pera ako na binibigay sa kaniya tuwing kinsenas at katapusan. Tamang-tama dahil walang pasok dahil pansamantalang nagsara ang restaurant na pinagta-trabahuhan ko bilang isang dishwasher. Sumakay kami ni Emerald sa train patungo sa Holand. Mas Mabilis kasi ang byahe kapag sa train kami sumakay. “Sino ang kasama mo umuwi? Dito ka na ba manirahan sa Holand?’’ tanong ko kay Emerald habang nakatanaw siya sa mga lugar na dinadaanan namin. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng pilit. “Babalik din siguro ako sa America. Depende sa asawa ko,’’ malungkot niyang sagot sa akin. Napakunot ang noo ko sa sagot niyang iyon sa akin. “Nag-asawa ka na?’’ Malungkot ang kaniyang mga mata na tumango-tango sa akin. “Noong umalis kami ni Tita dito. Nagpunta ako sa America, sumunod ako sa stepson niya. Kaso pagdating ko naman doon after 3 years ikinasal na lang ako sa isang halimaw.” Nagtataka ako sa sinabi niyang iyon. Naawa ako sa kaniya subalit masuwerte pa rin siya kung pera ang pag-uusapan. Hindi katulad ko na kailangan kong kumayod para kumita ng pera. Ayaw ko naman kasi umasa lang kay Mama. “Huwag mo sabihin sadista ang asawa mo? Hindi mo ba mahal ang asawa mo? Ang suwerte mo nga dahil nabibili moa ng mga gusto mo.” Umiling-iling siya sa sinabi kong iyon sa kaniya. “Hindi ako masuwerte, Hanna. Malas nga ako sa lahat ng pinakamalas. Tumakas lang ako sa asawa ko dahil hindi ako makakaalis na walang kasamang body guard. Bawat kilos ko kailangan may nagbabantay. Gusto ko na nga magtago na hindi niya makita. Alam mob a ‘yong feeling na parang sakal na sakal ka na?’’ Niyakap ko na lang siya sa sinabi niyang iyon. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Aanhin mo nga ang maraming pera kung hindi ka naman malaya. “Bakit hindi ka na lang makipaghiwalay sa asawa mo?” tanong ko sa kaniya. “Kapag nakipaghiwalay ako saan naman ako pupunta? Mabuti pa huwag na natin pag-usapan ‘yan. Gusto ko mag-enjoy tayong dalawa. Ngayon lang ako makakabawi sa’yo, kaya ipapasyal kita sa Holand.’’ Ngumiti ako sa kaniya at muli kami nagyakapan. Napakabait ni Emerald na kaibigan. Sila ni Ruby Rose ang kaibigan na hindi ko kayang ipagalit sa iba. Sayang nga lang dahil hindi ko sila napakilala sa isa’t isa. Palagi rin kasi busy si Ruby Rose. Ilang oras din ang byahe namin bago kami nakaratin sa station ng train sa Holand. Bumaba kami ni Emerald at sumakay sa taxi. Nagtungo kami sa mansion na pinagta-trabahuhan ni Mama. Tamang-tama naman na wala ang amo ni Mama. “Mabuti nakapasyal ka, Anak. Kumusta na kayo ni Tita mo?’’ tanong ni Mama sa akin. “Hindi ako magtatagal, Ma. Niyaya lang ako ng kaibigan ko na mamasyal dito. Binisita lang kita dahil na miss na kita. Si Emerald nga pala kaibigan ko. Emerald, siya si Mama.” Pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. “Magandang hapon po,’’ nakangiting bati ni Emerald kay Mama at nagbiso-biso silang dalawa. “Magandang hapon din sa’yo, Iha. Ingat kayo sa pamamasyal ninyo, ha?’’ paalala ni Mama sa amin ni Emerald. Saglit lang kami kina Mama at umalis din kami ni Emerald. Ipinasyal niya ako sa mall at binilhan niya pa ako ng mga damit. Ayaw ko ng asana tanggapin subalit mapilit siya, kaya hinayaan ko na lang siya. Pagkatapos namin mag-shopping nagtungo kami sa isang mamahaling restaurant. Sa buong buhay ko ngayon lang ako makakain sa ganitong klase ng restaurant. Restaurant pangmayaman ang tawag ko rito dahil mayayaman lang ang puwede makabili ng mga pagkain dito. Isang buwang ko ng sahod ang in-order ni Emerald na pagkain para sa aming dalawa. “Huwag ka mahiya, ha? Minsan lang naman kita ilibre dahil kapag nakabalik ako sa Amerika hindi ko na alam kung kailan ulit tayo magkikita. Baka sa pagbalik ko may asawa ka na at anak.” Sabay kaming tumawa sa sinabi niyang iyon habang kumakain kami. Napakasarap ng pagkain. Walang binatbat ang karenderya na pinagta-trabahuhan ko. “Wala pa sa isip ko ang mag-asawa. Pero kung hanapan mo ako ng Amerikano, baka sakali na mag-asawa na ako.” Lalo siyang tumawa sa sinabi kong iyon. “Huwag ka mag-alala dahil hanapan kita ng Amerikano. Basta siguraduhin mo lang kaya mo e-expand ‘yang tahong mo kapag nasa bakbakan na kayo.” Sira ulo talaga itong kaibigan ko. Sabagay may asawa na siya, kaya balewala na iyon sa kaniya. “Masakit ba ang matuhog?’’ wala sa sarili kong tanong. Syempre curious lang naman ako sa bagay na iyon. Wala naman talaga akong alam tungkol sa bagay na ‘yan dahil since birth hindi pa ako nahawakan o nahalikan ng isang lalake. “Gaga! Pero sa una lang masakit. Sa huli masarap naman,’’ nakangiti niyang tugon sa akin. “Eh ‘di, palagi kang tinutuhog ng asawa mo?’’ tanong ko. Hinampas niya ako ng kaniyang kamay. “Depende, kung gusto ko magpatuhog. Nainis kasi ako minsan sa kaniya. Lalo na kapag pinapalabas niya ang halimaw niyang ugali. Ah, basta! Naghahanap lang talaga ako ng pagkakataon na iwanan siya.” Kibit balikat na lang ako sa kaniya saka ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain. Pagkatapos namin kumain nagtungo kami sa plaza. Medyo madilim na naupo kami sa isang bench habang kumakain ng chocolate na dala-dala niya sa kaniyang bag. Sa hindi kalayuan natanaw ko ang mag-couple. Nakaluhod ang lalake sa babae at parang inaalok nito ang babae ng kasal. Ang cute nila tingnan. “Hali ka samahan mo ako. Pupunta tayo sa orphanage. Ibibigay ko lang itong sobre para sa mga bata.” Tumayo na kami ni Emerald nang yayain niya ako. Nagtungo kami sa isang orphanage na malapit lang dito. Dito dinadala ang mga bata na wala ng mga magulang. “Ang bait mo talaga. Nagbibigay ka sa mga bata,’’ natutuwa kong sabi sa kaniya matapos niyang ibigay sa head superior ang sobre. Naglalakad na kami palabas ng orphanage. “Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanila. Kung wala si Tita Margaret, marahil baka katulad nila dito rin ako lumaki sa orphanage.” Muli sumilay na naman ang lungkot sa kaniyang mga mata. “Masuwerte ka dahil mabait ang Tita mo. Hindi katulad sa Tita ko, kulang na lang palayasin ako sa bahay.” “Bakit hindi ka na lang lumipat sa Mama mo dito sa Holand? ‘Di ba, sabi mo narito sa Holand ang Mama mo?’’ tanong niya sa akin. “Ayaw ko naman na maging pabigat sa Mama ko. Saka okay na ako sa trabaho ko ngayon. Wala nga lang akong pasok isang linggo na dahil nere-renovate ang puwesto ng karenderya na pinagta-trabahuhan ko,’’ sagot ko sa tanong ni Emerald. Ilang saglit pa nakarating kami sa labas. Naglakad naman kami patungo sa highway at nagpara ng kotse. “Pumunta tayo sa disco. Tiyak na mag-e-enjoy ka roon, iinom tayo,” wika nito sa akin. “Gagi, hindi ako marunong uminom.” Reklamo ko kay Emerald. “Ano ka ba? Madali lang naman ang uminom. Para ka lang uminom ng tubig.” Kibit-balikat na lang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi nagtalagal nakarating kami sa isang Disco Bar. Ngayon lang talaga ako nakapunta sa ganitong lugar. Agad nag-order ng inumin si Emerald at naupo kami sa bakanting upuan. Maingay ang paligid subalit hindi ganoon karami ang tao. Tinagisan ako ni Emerald sa kopeta. Inamoy-amoy ko ang alak at mukhang hindi siguro ito makapasok sa lalamunan ko. “Huwag mo ng amuyin ‘yan, Hanna. Inumin mo na,’’ utos ni Emerald sa akin, Nag-toss kami saka sabay namin ininom ang alak sa mga kopeta namin. Gumuhit ang pait ng alak sa aking lalamunan, kaya naubo ako. Parang tubig lang iyon kay Emerald. Marahil sanay na siyang uminom. Hindi ko na namalayan ang oras. Naparami na kami ng inom ni Hanna. Nahihilo na rin ang paningin ko. Sasayaw pa sana kami saubalit parang mabubuwal na ako kapag tumayo ako. “s**t! Teka, Hanna. Nariyan ang mga tauhan ng asawa ko,’’ saad ni Hanan at tumayo ito. Nakita ko na nagtungo siya sa banyo. Hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi niya. Matagal ako naghintay kay Emerald sa puwesto namin. Pupuntahan ko sana siya sa banyo subali may bigla na lang bumuhat sa akin. Nagpo-protesta ang isip ko subalit naghihina ang katawan ko. Lalo akong nahilo nang isampay niya ako sa kaniyang balikat. Sobrang nahihilo na talaga ako, kaya pinipikit ko na lang ang aking mga mata. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng lalaking nagbuhat sa akin. Basta ang nararamdaman ko na lang ay nakahiga ako sa isang malambot na kama habang may nakadagan sa akin at hinahalikan ang aking labi. Kung nalalasing ako sa alak mas nalalasing ako sa halin ng estrangherong ito sa aking labi. Tila ba parang nanaginip ako ng isang magandang panaginip. Ilang saglit pa naramdaman ko na lang ang lamig ng aircon sa akin katawan. Palagay ko wala na akong saplot. Nagpapatianod ako sa mga halik ng estrangherong ito sa aking katawan. Kahit malamig ang aircon sa silid na ito subalit para akong nag-aapoy sa init na nararamdaman ko sa buo kong pagkatao. Napaungol ako ng maramdaman kong sinisipsip na nito ang aking korona sa dibdib. Parang hinahabol ang hininga ko at kakaibigang kiliti ang nararamdaman ko sa bahaging iyon ng aking katawan. Sinubukan kong dumilat subalit ang dilim ng paligid. Ipinikit ko muli ang aking mga mata at baka biglang maudlot ang maganda kong panaginip na ito. Napaliyad ako ng maramdaman ko ang labi niya sa aking puson. Kakaibang kiliti ang idinulot na iyon sa akin. Parang mas nais akong marating. Halos wala na ako sa aking huwesyo at hinihintay ang susunod niyang gagawin. Muli niya akong hinalikan sa aking labi. Hanggang naramdamdaman ko sa aking ibaba ang matigas na bagay na kaniyang pagmamay-ari. Sumentro iyon sa aking butas. Napigik ako sa sakit nang maramdaman kong pumasok ang bagay na iyon sa akin. Hindi ko na alam kung anon a ang sumunod na nangyari. Basta para sa akin isa iyong magandang panaginip. Napapangiti pa ako ng maalala ko ang usapan namain ni Emerald. Subalit unti-unting namutawi ang ngiti sa aking labi nang idilat ko ang aking mga mata. Nasa hindi ako pamilyar na lugar. Nakadapa ako sa malambot na kama. Bumalikwas ako ng bangon subalit napangiwi ako ng maramdaman ang sakit sa aking pagitan. Dahan-dahan kong tiningnan ang ibaba ko. Sobrang gulat ko nang makita ang patak ng dugo sa tapat ng inuupuan ko. “My God! Hindi panaginip ang lahat? Sino ang kumuha ng virginity ko?’’ Napahilamos na lang ako sa aking mukha na hindi makapaniwala sa nangyari. Buong buhay ko hindi ko naisip na mangyari sa akin ang ganito. Nagpalinga-linga ako at baka narito pa sa silid na ito ang lalake na nagdala rito sa akin kagabi. Subalit sa isang side table na katabi ng kama may nakita akong pera. “What the Fvck!” Napapamura na lang talaga ako nang makita iyon. Ano ang akala niya sa akin, pukpok? Tinakpan ko ng comporter ang aking katawan. Napapangiwi ako habang lumalapit sa side table. Kinuha ko ang pera. Mapa-pranoid ka na lang talaga dahil 25 dollors lang pala iyon. Iyon na baa ng kabarayan sa pagkuha ng gagong iyon sa p********e ko?’’ Kuripot ang p*tah! Subalit nakit ko ang isang box kinuha ko iyon. May papel na nakadikit sa box. Kaso punit naman. May nakasulat na ‘Dr V’. Hindi na mabasa ang karugtong dahil punit iyon. Napanguso na lang ako sa naisip. Isang doctor ba ang nakakuha sa iniingat-ingtan ko? Hayzz… Gusto ko sabunutan ang sarili ko sa katangahan ko. Bakit kasi iniwan ako ni Emerald? Ito tuloy hindi na ako virgin. Binuksan ko ang box. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang diamond ring. Napatawa na naman ako dahil ang laki naman ng kapalit ng hinayupak na doktor na iyon sa pagkuha niya ng virginity ko. Napapakamot na naman ako sa aking ulo nang maisip nab aka matanda na ang nakasiping ko kagabi. Lumipas ang ilang oras bumalik ako sa San Agustin. Para akong luting at hindi alam kung ano ang gagawin. Habang nasa train ako nakatanggap ako ng tawag mula kay Emerlad. “Hanna, saan ka? Alam mob a nag-alala ako sa’yo kagabi? Pasensya na kasi nahuli ako ng asawa ko. Binalikan pa kita sa table, pero wala ka na roon.” Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Emerald. Gusto ko siyang sisihin kung bakit niya ako iniwan, kaya ito tuloy hindi na ako virgin na uuwi sa San Agustin. “Okay, lang ako. Narito ako sa train pauwi na sa San Agustin. Sinaktan k aba ng asawa mo?’’ nag-alala kong tanog sa kaniya. “Hindi naman! Nagalit lang dahil hindi ako nagpaalam na umalis. Pasensya ka na, ha? Ayos ka lang ba?’’ Nakahinga ako ng maluwag sa sagot niya sa akin. “Okay, lang ako, Friend. Basta ingat ka palagi. Kapag may problema ka huwag kang mahiya na tawagan ako,’’ sabi ko kay Emerald. “Ikaw din, ingat ka palagi,’’ aniya. Pagkatapos namin mag-usap ni Emerald, para na naman akong luting. Hindi ko lubos maisip ang kagagahan na ginawa ko kagabi. Tanghali na ako nang makarating sa bahay. Maaga pa kasi ako umalis sa Holand. Sakto pagpasok ko kumaikain si Tita. Masakit na tingin ang iginawad nito sa akin. “Oh, ano ang nangyari riyan sa mukha mo? Para kang tinakluban ng impyerno. Akala ko ba magtatagal ka sa Holand?’’ Parang nawalan ng gana kumain si Tita nang makita ako. “Marami pa kasi akong labahan, kaya umuwi na lang din agad ako. Ano po ang ulam, Tita?’’ tanong ko sa kaniya. “Bumili ako ng baboy, inadobo ko. Kaunti lang ang kainin mo, ha? Ulam pa natin ‘yan mamayang gabi. Kung nag-apply ka sa iba ng trabaho, eh ‘di sana hindi ka tumamabay ng ilang araw dito sa bahay. Bakit hindi ka na lang kasi mag-asawa ng mayaman. Gayahin moa ng kaibigan mon a pamangkin ni Margaret. Ginagamit nila ang katawan nila para lang makaakit ng mayaman. Kung hindi ako magkamali siguro nangabit ‘yan si Emerald.” Naiinis talaga ako kay Tita sa tuwing nililibak niya si Emerald. Wala naman ginawa sa kaniya sina Tita Margaret at Emerald. “Ito po pala ang bag na pinabibigay ni Emerald sa’yo, Tita. May pabango rin po diyan.” Kinuha ko ang dala na pasalubong ni Emerald kanina sa likod ng tv. Ibinigay koi yon kay Tita. Tuwang-tuwa naman siya ng inabot ko iyon sa kaniya. “Aba, ang ganda naman nito. Kung ako sa’yo. Total wala ka naman pakinabang dito mag-asawa ka na lang ng mayaman, Hanna. Kaysa naman asawahin ka lang ng isang tambay at anakan nang anakan. Gamitin moa ng isip mo kung minsan. Kumusta pala ang Mama mo?” Napabuntong-hininga na lang ako ng malalim sa sinabi ni Tita. Subalit sanay na ako sa bunganga niya. Hindi ko na lang pinansin ang iba niyang sinasabi para hindi na humaba ang usapan. “Ayos naman po si Mama, Tita,’’ sabi ko at kumuha na ako ng plato at ulam sa kaldero. May kanin naman natira sa lamesa, kay iyon na lang ang kinain ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD