Episode 3

2256 Words
Chapter 3 Hannah “Pagkatapos mong kumain mag-igib ka ng tubig, baka mamaya maghilata ka na naman! Ano wala kang balak mag-apply ng trabaho?” Umagang-umaga pa ay naninermon na naman Tita sa akin. Kasalukuyan na nasa harap kami ng hapagkainan routine na talaga niya na talakan ako sa umaga. “Tita, babalik naman ako sa trabaho ko. Kaso nga lang inaayos pa ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko,” sabi ko sa kaniya. Sumubo ako ng kanin na ang ulam namin ay tiyo. “Nako, puro ka dahilan! Ilang araw ka ng nakatambay rito sa bahay! Maglabandera ka roon. Nahahanap ng labandera si Misis Harrison. Puntahan mo roon at ikaw ang maglabandera. Hindi ‘yong maghapon nandito ka sa bahay!” paninermon pa sa akin ni Tita, habang kumakain kami. “Ano po ba talaga ang uunahin ko, Tita? Mag-iigib ako ng tubig o maglalabada ako kina Misis Harrison?” Nakakunot noo kung tanong sa kanya. “Gaga! Kahit kailan hindi mo pinapagana ‘yang utak mo! Magtatanong ka pa, syempre kailangan mo munang umigib ng tubig dahil wala ng tubig ang drum at pagkatapos pumunta ka na roon sa bayan,” pagtatalak pa nito sa akin. Sa halip na ganado pa ako sa pagkain nawawalan na lang ako ng gana dahil sa pagtatalak ni Tita. Si Misis Harrison, customer ni Tita sa manicure at pedicure. Linggo-linggo ito nagpapalinis kay Tita ng kuko. Kung minsan napunta ako roon para maglabada o hindi kaya maglinis ng bahay nila. “Sige, po. Mag-iigib na po muna ako,” tugon ko na lamang sa kanya, para wala ng maraming satsat. Minsan nakakapagod din ang bunganga ni Tira. At nakakapagod siyang unawain. “Siya, huwag kang bubulong-bulong diyan at baka mapiktusan ko ‘yang bunganga mo!” banta pa nito sa akin ng makita niya na nagsasalita ako ng patago. Humaba na lang ang nguso ko at tinapos ko na lang ang pagkain ko. Gusto ko pa sana dumagdag ng kanin sa plato ko pero nakakawalan na ng gana. Mahirap pala talaga pakisamahan ang matandang dalaga. Laging mainit ang ulo. Pagkatapos kong kumain nagpahinga muna ako ng ilang minuto pagkatapos umigib na ako ng tubig para may magamit si Tita mamaya. “Hoy, bilisan mo na riyan, Hanna. Ang bagal bagal mo pakilusin! Anong oras na, bilisan mo!” pagmamadali sa akin ni Tita. Hindi ko siya pinansin at hinayaan ko na lang siya na magtatalak na magtatalak sa akin. Bunganga niya rin naman ang mapapagod. Ilang minuto ang lumipas napuno ko rin ang maliit na drum. pagkatapos kong punuin iyon naligo na ako at nagbihis upang magtungo sa bayan. Nagpaalam na ako kay Tita. “Alis na po ako.” “Sige, mag-ingat ka. ‘Yang pekpek mo baka sumabit kung saan,” pahabol pa nitong sabi sa akin. Iyon palagi ang sinasabi niya sa tuwing aalis ako. Hindi niya alam nasabik na nga ang hiyas ko. Pagdating ko sa bahay ni Mrs. Harrison, ang anak niya na si Xian ang bumukas sa akin ng gate. “Hanna, ikaw pala,” nakangiti nitong sabi sa akin nang mabungaran niya ako. “Sabi ni Tita, maagpapalabada raw ang Mommy mo?” tanong ko sa kaniya. Gwapo ang anak ni Mrs Harrison na si Xian, subalit ubod ito ng pagka-playboy. “Oo, kanina ka pa nga hinigintay ni Mommy. Hali ka pumasok ka rito. Naroon si Mommy sa sala.” Pumasok na ako sa gate. Nakasunod naman Xian sa likuran ko. “Hanna, may boyfriend ka na ba?” tanong sa akin ni Xian. “Marami Xian,” nakairap kong sabi sa kaniya. Tumawa lang ito sa sinabi ko. Makulit talaga ang anak na ito ni Misis Harrison. Sa tuwing pumupunta ako rito palagi niya akong tinutukso. Minsan sinusungitan ko lang. Nang nasa sala na ako malawak naman ang ngiti ni Mrs. Harrison sa akin. “Hanna, mabuti nandito ka na. Nag-almusal ka na ba?” Tumango-tango naman ako sa tanong na iyon ni Mrs. Harrison. “Opo, Ma'am. Kumain na ako bago pumunta rito. Sinabi sa akin ni Tita na kailangan niyo raw po ng labandera, kaya ako po ang pinadala niya rito,” wika ko sa kanya. Ilang beses na rin kasi ako naglabada rito kapag wala akong pasok sa restaurant sayang din naman kasi ang pera na kikitain ko. “Sige, naroon sa laundry area ang mga maruruming damit. Ikaw na ang bahala roon, ha? Ingatan mo ang mga maseselang damit, lalo na ang damit ni Xian.” Tumumango-tango na lamang ako sa bilin ni Misis Harrison. Nagtungo na ako sa laundry area. Sinimulan ko ng pagbukod-bukurin ang mga puting damit at ang mga masisilang damit ni Xian. May automatic washing machine naman, kaya ang ibangbdamit isinalang ko na roon, subalit ang mga katulad ng damit ni Xian, kailangang ingatan kaya kinusutan ko na lang iyon. Pati ang mga damit ni Mrs. Harrison, maninipis kasi ang mga ito. Habang nagsasabon ako ng mga damit na kinukusutan ko pinuntahan na naman ako ni Xian. “You need my help, Hanna?” nakangisi nitong tanong sa akin. “Bakit marunong ka ba maglaba?” taas kilay ko naman na tanong sa kanya. “Of course! Ano ang akala mo sa akin walang alam sa paglalaba?” sagot niya sa akin. “Marunong ka rin naman pala, bakit kumuha pa ng labandera ang mommy mo? Eh ‘di, sana ikaw na lang ang naglaba,” mapanuya kong sabi sa kanya. “Bakit ba parang ang init ng ulo mo sa akin?” tanong nito sa akin habang salubong ang kaniyang kilay. “Paano mo naman nasabi na mainit ang ulo ko sa’yo? Huwag mo nga ako ritong istorbuhin. Magbilang ka na lang diyan ng mga negosyo mo, baka mamaya malugi pa ang business mo,” pang-uuyam kong sabi sa kanya. Business minded kasi si Xian. Lahat ng pwede niyang pagkakitaan ay ginagawa niya. Marahil namana niya ito sa kanyang ama na isang business tycoon din, kaya hindi makaila na ganito sila kayaman. “Minsan, iniisip ko kung paano ba maging mayaman? Bakit ang iba ipinanganak na mayaman subalit ako naghihikahos sa buhay. Hindi naman sa nagrereklamo ako subalit sakto lang talaga ang sahod ko sa pang araw-araw namin ni Tita. Minsan kinukulang pa lalo na at may maintenance pa si Tita na iniinom. Kung mayaman lang ako sana nagpakabit na kami ng tubig, para hindi na ako iigib sa poso “Liligawan kaya kita, Hanna. Sasagutin mo ba ako?” hindi matinong tanong ni Xia sa akin. Tiningnan ko siya at tinaasan ko siya ng aking kilay. “Para ano? Para mapabilang sa mga naging girlfriend mo? No way, kung ikaw man lang ang maging boyfriend ko huwag na lang,” wika ko sa kanya at inirapan siya. “Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo, Hannah. Gusto talaga kita noong pa lang kitang nakita.” Seryoso ang mukha niya habang sinasabi niya iyon sa akin. Maloloko na yata ang lalaking ito. Kung malaman niya siguro ang nangyari sa akin noong nakaraan, baka pagtawan niya pa ako dahil nawala ang pagkab@bae ko “Gusto mo lang akong asarin, Xxian. Akala mo naman sa akin mauuto mo. Hindi ako katulad ng mga babae mo, noh! Umalis ka nga rito,” pagtataboy ko sa kanya. “Bakit hindi ba ako pwedeng magbago? Sagutin mo lang ako promise papakasalan agad kita.” Gusto ko na lang matawa sa mga sinasabing iyon ni Xian. Walang bakas sa kanyang mukha ang pagbibiro. “Hindi ako kagandahan at hindi ako kasing sexy ng mga naging girlfriend mo, kaya tigilan mo ako Xian,” sabi ko sa kanya. Ganito lagi siya sa tuwing pumupunta ako rito sa kanila upang maglaba o hindi kaya maglinis ng bahay nila. Hindi kasi sa kanila uso ang maghanap ng katulong na stay in, Minsan isang linggo, isang beses linisan ang bahay nila o hindi kaya dalawang linggo pa bago magpatawag si Mrs. Harrison, ng tagalinis ng bahay nila. Ang Daddy ni Xian, nasa ibang bansa ngayon subalit umuuwi-uwi rin ito. Sa edad ni Xian na 28 may slaughterhouse na siya. May mga tauhan pa siya sa palengke na nagbebenta ng mga karneng baboy at baka. “Bakit ba lahat na lang ng sinasabi ko sa’yo tingin mo isang biro? Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo Hanna. Gusto kita,” napakaseryoso niyang sabi sa akin. Kung pairalin ko lang ang katangahan ko marahil maniniwala ako sa kanya. A”no ba ang ayaw mo sa akin? Gwapo naman ako, mabait, mayaman, at mapagmahal?” dugtong niyang tanong sa akin. Tumaas ang isa kong kilay sa pagpupuri niyang iyon sa kanyang sarili. “‘Yong ayaw ko sa’yo, iyong nagbubuhat ka ng sarili mong upuan. Saka ano naman ang magugustuhan mo sa akin hindi ako kagandahan, kaya tigilan mo na ako? pwede? mataray kong sabi sa kanya habang kinukusot ko ang kanyang mga damit. “Sinong nagsabi na hindi ka kagandahan? Dahil para sa akin ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko.” Umismid lang ako sa sinabi niyang iyon. “Lokohin mo ang ninang mong panot!” sabi ko habang tumaas pa ang gilid ng aking labi. Hindi na nakapagsalita si Xian ng tawagin siya ng kanyang ina. “Xian, bumalik na pala ang pinsan mo galing sa ibang bansa?” narinig kong tanong ni Mrs. Harrison kay Xian. Tumalikod na ito sa akin at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang ina. Nagpatuloy na lamang ako sa aking paglalaba. Ilang oras din bago natapos ang aking labahan. Isinampay ko na ang iba ang mga kinusot ko. Ang nanggaling naman sa automatic washing machine tinupi ko na. Hapon na nga ako makatapos ng trabaho ko Mrs Harrison. Uuwi na po ako, paalam ko kay Mrs Harrison. Hindi ko na nakita si Xian sa loob ng kanilang bahay. Nariinig ko kanina na pupunta raw ito sa Holand. “Salamat, Iha. Ito ang bayad ko sa pagalalabada mo,” sabay abot niya ng pera sa akin. Nanlaki pa ang mga mata ko sa pera na ibinigay niya. “Ang laki naman po nito Mrs. Harrison. Sobra po yata ang binigay niyong pera sa akin,” sabi ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “Sa’yo, na ‘yan. Salamat, ha? Sa uulitin ikaw pa rin ang ipapatawag ko kapag wala kang ginagawa.” Tumango-tango na lang ako kay Mrs. Harrison. “Salamat po, Mrs. Harrison. Tutuloy na po ako,” paalam ko na at lumabas na ako ng bahay nila. Bago ako umuwi sa bahay dumaan muna ako sa palengke para may hapunan kami ni Tita. Bumili lang ako ng isda tsaka bigas, kaunti na lang kasi ang bigas na natira kanina sa lalagyanan. Pagdating ko naman sa bahay naroon si Tita, naglilinis ng kanyang kuko. “Ano ‘yang mga dala mo?” tanong niya sa akin. “Ulam po at bigas. Namalingki po ako, Tita. Wala na po kasi tayong bigas,” sabi ko sa kaniya. “Mabuti naman kung gano’n. Kumusta ang paglalaba mo? Nilabhan mo ba ng maayos ang mga damit nila?” usisa pa ni Tita sa akin. Tumango-tango na lang ako at kumuha ng $20 sa aking bulsa. “Ibili niyo po ng gamot ninyo, Tita,” sabay abot ko sa kanya ng pera. Tumaas pa ang isa niyang kilay. Ito lang ang sahod mo?” tanong niya sa akin na parang nagdududa pa. “Pinamili ko po ng bigas at ulam natin. Iyang binigay ko po para sa maintenance ninyo,” sagot ko sa tanong niya. “Sige, salamat. Magsaing ka na at lutuin mo na ang pinamalingke mo dahil kalalagay ko lang ng cutics sa kuk ko. Baka mamaya masira.” Tumango-tango ako sa kaniya. Wala namang pinagbago dahil kapag may cutic ang koko niya hindi na siya hahawak ng tubig. Pinipilit ko na lang intindihin si Tita dahil sa sakit niya. Palaging mainit ang ulo niya at paiba-iba rin ang kanyang mood. Minsan okay naman siya, pero minsan umaatake talaga ang pagkamaldita niya. Nagsaing na lamang ako at sinabawan ko na ang isda na binili ko. Lumipas pa ang dalawang buwan, palagi na lang sumasama ang aking pakiramdam. Pakiwari ko palagi akong nahihilo at nasusuka. Nawawalan ako ng gana kumain. Minsan nasusuka ako na wala naman lumalabas sa aking bunganga. Katulad ngayon na umagang-umaga na amoy ko lang ang usok sa dapugan nasusuka na ako. “Ano ba iyan, Hanna? Parang palagi ka na lang nagsusuka. Ano ba ang kinakain mo araw-araw? Baka mamaya uminom ka na naman ng malamig na tubig, kaya sumasakit ang sikmura mo!” sermon na naman sa akin ni Tita. Nagmamadali na kasi ako na maligo dahil may pasok na ako ngayon sa isang restaurant na pinagtatrabahuhan ko. “Hindi naman po ako umiinom ng malamig na tubig, Tita,” sabi ko sa kanya. “Eh, bakit ganyan ka ilang araw na kitang napapansin na sa tuwing umaga nagsusuka ka. Baka naman mamaya na aswang ka na,” sabi pa nito sa akin. Naniniwala kasi si Tita sa mga ganoon. Pati na rin sa mga kasabihan. “Baka mamaya may nasipa ka riyan sa paligid na mga nilalang na hindi natin nakikita. Magpatawas ka nga!” utos pa nito sa akin. Napapakamot na lamang ako ng aking ulo sa utos na iyon ni Tita sa akin. “Papasok pa po ako ngayon sa trabaho ko, Tita. Saka okay naman ang pakiramdam ko mammaya.” Pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata. “Huwag na kasing matigas ang ulo mo, Hanna. Mamaya pagdating mo magpatawas ka kay Manong Doming. Sasamahan kita,” sabi nito at tinalikuran niya na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD