Chapter 73 Hanna Kumakain kami kanina subalit hindi ko iniimik si Dexter. Napansin siguro iyon ni Tita, kaya pagkatapos namin kumain kinausap niya kaming dalawa ni Dexter. "Nag-aaway ba kayong dalawa? Kanina ko pa napapansin na hindi mo pinapansin ang Tatay ng anak mo, Hanna?" pangungusisa ni Tita saan akin. "Hiwalay na po kami, Tita!" daritsahan kong sagot sa tiyahin ko. Agad naman nag-react si Dexter sasagot kong iyon kay Tita. "Anong hiwalay ang pinagsasabi mo? Ikaw lang nakikipaghiwalay sa akin, hindi ko nga alam na hiwalay na pala tayo," salubong ang mga kilay nito. Tumaas din ang kilay ni Tita ng marinig ang sagutan namin ni Dexter. "Oh, eh 'di, ngayon alam mo na nahiwalay na tayo. Kaya, pwede ka ng umuwi sa pinanggalingan mo," nagtataray ko kay Dexter. "Teka, nga muna. Tu

