TANGHALI na nang magising si Amanda. Pakiramdam nito ay parang nilalagnat na nahihilo. "Diyos ko! Hindi yata ako makakapasok ngayon," wika nito sa kanyang isipan. Lumapit ang kanyang kaibigan at tinanong ito, "Amanda, are you okay?" Hinipo nito ang kanyang noo, ngunit hindi naman ito maiinit. "Ano bang masakit sa 'yo?" tanong ulit ng kaibigan nito. "Wala naman maliban lang sa nakakaramdam ako ng hilo at tinatamad bumangon na masakit ang ulo," wika ng dalaga at halata sa mukha ang pagkamatamlay. "Magpahinga ka na muna at ako ng bahalang magsabi kay Ma'am Letty," wika ng kanyang kaibigan. Habang halata sa mukha nito ang pag-aalala. "Salamat, Jessica," pasasalamat ni Amanda sa kaibigan. "Siya nga pala nakaluto na ako ng almusal, kumain ka mamaya. Tapos may gamot do'n sa aparador huwa

