Kinakabahan na hindi alam ni Amanda ang gagawin habang kumakatok si Richard sa pintuan ng banyo.
"Amanda, I said open the door? Naririnig mo ba ako?" tanong ni Richard mula sa pintuan.
"Kanina pa ako dito ah? Baka naman gusto mo talagang kainin ko 'yang kimchi mo? Papasukin na kita. Isa, dalawa--"
Bago matapos ang bilang ni Richard na tatlo ay binuksa naman ni Amanda ang pintuan.
"Bubuksan mo rin pala, pinaghintay mo pa ako. Oh, ayan. Tuwalya, maliligo ka wala kang dalang tuwalya," saad ni Richard na nakatingin sa mukha ng dalaga.
"Tuwalya lang pala, akala ko kung ano na, hmmp!" saad ng dalaga na nakahinga ng maluwag at kinuha nito ang tuwalya na nasa kamay ng binata.
"Bakit? Ano bang iniisp mo?" makahulugang tanong ni Richard habang tinititigan ng kakaiba si Amanda.
"Wa-Wala," saad naman agad ni Amanda at isinarado agad ang pintuan ng banyo.
Pagkatapos maligo ni Amanda at nakabihis na 'to ay nilapitan siya agad ni Richard. Dumukot muli ito sa kanyang bulsa. At kinuha muli nito ang posas. Isinuot sa kanilang magkabilang kamay ni Amanda.
"Ano'ng ibig sabihin nito?" tanong ni Amanda ng may pagtataka sa mukha.
"Im sorry, but I need to do this. Tatlong araw lang Amanda, I just wanna make sure na hind mo ako tatakasan. Pagbigyan mo na ako, sa labas lang naman," saad ni Richard.
Hindi nagsalita si Amanda tiningnan lamang niya ito ng masama.
'Ano pa nga bang magagawa ko? Go ahead Richard. Sulitin mo ang tatlong araw dahil pagkatapos ng tatlong araw hinding-hindi mo na ako makakasama pa," wika ni Amanda sa kanyang isipan.
Naglakad na sila palabas ng bahay.
Napatingin si Amanda nang may pagtataka sa mukha ni Richard at nagtanong.
"Paano ka makakapag-drive kung nakaposas ang isang kamay mo sa aking kamay ko?" tanong ni Amanda.
"Huwag kang mag-alala kumuha ako ng driver," sagot agad ni Richard ng may ngiti sa labi.
Mayamaya pa ay nang nasa gate na sila ay may nagbusinang sasakyan. Lumabas na silang dalawa at pinagbuksan ni Richard ng pinto ng sasakyan ang dalaga.
Nakaupo na si Amanda sa loob ng sasakyan at tumabi naman si Richard sa kanya. Pasimpleng umusod ng pakaliwa si Amanda upang magkaroon ng kaunting distansya mula sa binata.
"Napakalikot mo naman," pagrereklamong wika ni Richard habang umaandar ang sasakyan.
"Paano ako hindi maglilikot? Kung makadikit ka parang tuko. Tingnan mo nakasisik na ako rito sa sulok. Samantalang ikaw ang laki pa ng space mo diyan. Tapos usod ako ng usod! Samantalang ikaw, dikit ng dikit din sa akin." Reklamo ng dalaga.
"Hindi ka pa ba sanay? Masanay ka na dahil may ilang araw pa tayong magkasama," wika ng binata na may ngiti sa labi.
"Ano'ng pinagsasabi mo diyan? Paano ako masasanay?" tanong ni Amanda.
"Dahil bukas aalis na naman tayo. Ganito ulit, nakaposas tayong dalawa. At kahit saan ka pupunta kasama mo ako," wika ni Richard ng may nakakalokong ngiti.
"Pati sa banyo?" kunot-noong tanong ni Amanda.
"Depende siguro, pero pwede rin. pag-iisipan ko," wika pa ng binata.
"Richard, ano ba kasing gusto mo? Wala kang mapapala sa akin. Ako na ang nagsasabi sa 'yo. Kung iniisip mo pa rin 'yung nanyari sa atin, ako na ang nagsasabi sa iyo, kinalimutan ko na at wala iyon sa akin." Madamdaming wika ni Amanda.
"Wala lang ba talaga sa iyo 'yun, Amanda?" seryosong tanong ng binata.
"Richard, ano ba sa tingin mo?" balik na tanong ng dalaga.
"Bukas na natin pag-usapan 'yan," wika ni Richard na nakaramdam ng kirot sa puso.
Biglang huminto ang sasakyan at nagsalita ang driver.
"Nandito na po tayo, Sir," wika ng driver.
Binuksan ni Richard ang pinto ng sasakyan at sinabing, "Mag-enjoy nalang tayo."
Inalalayan ng binata si Amanda pagbaba ng sasakyan.
Pagbaba ni Amanda ay na bungaran n'ya na maraming tao.
"Ang dami namang tao dito," saad nito.
"Bakit takot ka ba sa tao? Dapat ini-expose mo 'yang beauty mo. Sayang naman kung nakatago lang," saa ng binata at bigla na lamang nitong iniipit ang buhok ni Amanda sa tainga nito dahil nililipad ng hangin.
Nakaramadam ng kakaiba at bahagyang nailang si Amanda sa ginagawa ng binata.
"Hindi kasi tayo magkatulad Richard. Magkaiba tayo ng katayuan sa buhay. Huwag mong hawakan ang buhok ko," sawat pa nito at tinabig nito ang kamay ni Richard.
"I think dapat pumasok na tayo sa loob para makita mo ang view at makabili tayo ng pasalubong," pag-iiba na lamang ng usapan ng binata.
Pagkapasok nila ay kinuhanan sila agad ng litrato ng isang lalaki at sinabing, "Sir, ang ganda po ng jowa nyo. Tingnan mo, oh. Bagay po kayo, maganda at gwapo," wika nito habang pinapakita ang litrato sa binata.
"Thank you. I take this," wika ni Richard ng may ngiti sa labi at iniabot ang bayad sa lalaki."
" keep the change," wika pa nito.
Napatingin si Amanda ng may ngiti sa labi dahil sa sinabi ng ginoo at nakaramadam ng tuwa sa dibdib. Gano'n din si Richard nang magtama ang kanilang mga mata. Nailang si Amanda kaya inilipat agad nito ang tingin sa iba.
Lumapit ang binata sa dalaga ay sinabi nito na, "Tingnan mo ito nakakatuwa," wika ni Richard at ipinapakita nito ang litrato kay Amanda.
"Ah, huwag na sa 'yo na lang," wika nito sa binata.
"Bakit, ayaw mo ba?" tanong ni Richard.
"Hindi naman, kaso lang---" hindi pa tapos ang sasabihin ni Amanda nang nagsalita si Richard.
"Kaso ano? ayaw mo talaga sa akin?" diretsahang wika ni Richard ng may kirot sa puso.
Napalingon si Amanda dahil sa sinabi ni Richard at sinabing, "Akin na nga iyang isang picture para wala kang masabi at hinablot nito ang picture sa kamay ni Richard.
Dahil sa ginawa ni Amanda ay nagkaroon ng lakas ng loob si Richard, hinawakan nito ang kamay ni Amanda. Nanlaki naman ang mata ni Amanda dahil sa pagkakahawak nito ng kanyang kamay.
"Bitiwan mo nga ang kamay ko," saway muli ng dalaga.
Ngiti lang ang sagot ni Richard sa sinabi ni Amanda at mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga.
May lumapit namang babae sa kanila ang hinuha ni Amanda ay nasa kuwarienta pataas ang edad nito at sinabing.
"Sir, Ma'am, baka po gusto nyo ng short time? Bagong kasal po ba kayo? Abay napaka sweet nyo naman po with posas pa po kayo parang walang kawala po talaga. Maniwala po kayo sa akin. Ibibigay ko po ang kuwarto na napaka swerte para po makabuo po kayo agad," pag-aalok ng babae.
Nagkatinginan si Richard at Amanda sa isa't isa habang hindi mapigilan ni ang Richard tumawa, si Amanda ay namumula ang mukha.
"Manang, pasinsya na po kayo, ngunit tapos na po kaming maghoneymoon at doon po sa sinabi nyo na makakabuo po kami ang tototo po dinadala na po ng Misis ko ngayon ang panganay namin 'di ba, Honey?" tanong pa nito kay Amansa sabay ngiti ng nakakaloko.
Habang sinasabi ni Richard iyon ay bigla itong napaisip, 'What if mabuntis ko nga s'ya? para wala na siyang kawala sa akin," wika ni Richard sa kanyang isipan.
Hindi makatingin at hindi makasagot si Amanda sa sinabi ng babae. Dahil nahihiya ito sa mga pinagsasabi nila, pinamulahan din ito ng pisngi kinabahan siya. Hanggang sa maalala nya ang nangyari sa kanila nila ni Richard sa hotel. 'What if mabuntis nga ako?" tanong nito sa kanyang isipan.
"Mauna na po kami manang salamat po sa pang aalok. Ito po manang pang meryenda nyo po," wika ni Richard at binigyan nito ng pera ang babae.
"Tayo na, saad na lamang ng binata sa dalaga.
"Kapag makita mo ang view sa taas maganda roon," wika ni Richard at hinawakan muli ang palad ni Amanda.
Nagtakang napatingin si Richard sa mukha ni Amanda.
"Okay kalang ba?" pag-aalalang tanong nito.
"Oo, may bigla lang akong na isip?" sagot ni Amanda.
"Napa isip ng alin?" Kunot-noong tanong muli ni Richard.
"Ah, wala. Kalimutan mo na lang," wika na lamang ng dalaga.
Inalalayan ni Richard si Amanda habang paakyat ng bahagyan sa isang upuan na may lamesa at ang bubong nito ay nipa upang makita ang view ng bulkang Taal.
Napaawang ang labi ni Amanda nang makita ang tanawin.
"Wow! Ang ganda nakakawala ng pagod nakaka-relax," manghang wika nito na mangha sa tanawin habang nakakaramdam ng lamig dahil mag hahapon na iyon at mahamog na.
Sinusian ni Richard ang posas at tinanggal iyon sinulyapan lang siya ni Amanda habang nakatanaw sa bulkang Taal.
"Inhale- exhale," wika ni Amanda habang nilalanghap ang simoy ng hangin, nagulat ang dalaga nang inilagay ni Richard ang coat nito sa kanyag likod at hinawakan ang makabilang balikat nya.
"Mabuti pa umuwi na tayo mukhang uulan na, " wika ni Richard.
"Gustong kong maligo ng ulan," wika ni Amanda.
"Baka magkasakit ka halikana babalik na lamang tayo sa susunod." Pagpupumilit ni Richard.
Biglang bumuhos ang ulan, tumakbo si Amanda at sinalubong ang ulan. Nagtampisaw ito sa ulan, walang nagawa si Richard kung hindi hayaan ito at pati siya ay nabasa na rin ng ulan.
Makalipas ang halos tatlumpung minuto ay nagpasya na itong pumunta ng banyo at kaagad na tinawagan ni Richard ang driver upang bumili ng damit nila at kaagad namang nakabili ang driver iniabot sa kanila ang pinamiling damit. Pagkatapos nilang magbihis ay nagpasya na silang kumain sa labas pagkatapos kumain sa labas ay sumakay na ito sa sasakyan at nagbyahe pauwi.
Napansin ni Richard na nakapikit ang mata ni Amanda at nakadikit ang ulo nito sa bintana, kung kaya inalalayan nito ang ulo ng dalaga ng dahan-dahan at isinandal sa kanyang balikat.
Pagkaraan ng ilang oras ay nakarating na sila kanilang bahay tulog na tulog pa rin si Amand. Kaya binuhat na lamang ito ni Richard ng pa bridal style hanggang sa makarating sa kama at dahan-dahang niya itong inilapag, kinumutan at tinitigan ang mukha ng dalaga habang hinahaplos ang pisngi nito. Dinampian din nya ito ng halik sa noo.
"Good night, Mahal ko. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya na makasma ka," wika nito bago lumabas sa kwarto.
Alas dose na ng hating gabi ngunit hindi makatulog si Richard hindi nya alam kung bakit? Sinilip nito si Amanda at nilapitan lalabas na sana ito ng silid nang biglang maring nito na inuubo ang dalaga ng sunod-sunod. Nagmadali naglakad patungo sa dalaga at hinawakan ang noo ng mahimbing na natutulog.
Hindi nga siya nagkamali napakainit nito at nilalamig. Nakaramdam siya agad ng pag-aalala na hindi alam ang gagawin kumuha siya ng maligamgam na tubig at inilagay sa noo.
"Are Okay, Amanda?" tanong nito sa dalaga.
"Nilalamig ako, mahinang," wika ni Amanda habang nakapikit ang mga mata nito.
"Sh*t, ano'ng gagawi ko?" tanong ni Richard sa kanyang sarili.
"Kailangan nya ng init," wika pa ni Richard sa kanyang sarili.
Hinubad nito ang kanyang damit pang itaas at ang damit pang-ibaba naiwan lang ang kanyang suot na boxer short kumuha siya ng makapal na kumot tinanggal din nito ang damit ng dalaga na pang itaas ng dahan-dahan pati rin ang kasuotan nitong damit pang-ibaba hanggang sa bra at panty nalang ang naiwang kasuotan nito.
Sunod-sunod na lunok ang ginagawa ni Richard habang nakatanaw sa malaperpektong katawan ni amanda.
"Im sorry, Amanda. Ngunit ito lang ang magagawa ko," saad pa nito at tinabihan nya si Amanda sa pagtulog kinumutan nya ito ng napakakapal na kumot inilagay nito ang ulo ng dalaga sa nya sa kanyang braso at niyakap nya ito ng napakahigpit gumalaw ang ulo ni Amanda at napa-awang labi nito habang nakapikit, pinagpapawisan si Richard na hindi maintindihan.