Nilapatan agad ng pa unang lunas nang babae si Andrew. Pagkaraan ng ilang sigundo ay dumating na nga ang tinawagan nitong rescue team at ambulance, dahan-dahan na binuhat ang katawan ng biktima at ipinasok sa loob ng sasakyan. Hanggang sa napansin ng isang nurse ang mukha pasyente. "Si Doc Andrew Castillo 'to ah? Alam na kaya ng asawa nito na disgrasya siya?" tanong agad ng nurse na nakakilala sa pasyente. Napatingin ang babae at napalingon sa isang nurse na nagsalita. "Ibig mong sabihin may asawa na siya?" tanong agad ng nurse na unang umagapay kay Andrew. "Oo, si Ma'am Amanda Lopez at kapapanganak lang," sagot naman agad nito. "Ah, may asawa na pala siya at kapapanganak lang, mabuti pa tawagan mo na agad ang asawa ni Doc. Para malaman nila agad ang nangyari, I'm sure nag-aalala na

