"Ano ba, Andrew? Bitiwan mo ako," saway ni Amanda kay Andrew. "Ano bang masama? Asawa na kita ngayon 'diba? Hindi naman siguro masama kung katabi kong matulong ang Mrs. ko," sagot ni Andrew. "Andrew, wala sa usapan natin 'to, isa pa magdadalawang buwan palang mula nang manganak ako," saad ni Amanda. Pilit na niyakap ni Andrew si Amanda at pilit na inihiga sa kama. "Amanda, mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para maging akin ka, kayo ng anak ko," saad ni Andrew at pumatong ito sa ibabaw ng ni Amanda. "Andrew, please, alam ko na mabuti kang tao, alam ko na mahal mo ako, nadadala kalang sa ispirito ng alak. Parang awa mo na, huwag mong gawin 'to please," pagmamakaawa ni Amanda habang lumuluha. Napatingin si Andrew sa mukha ni Amanda na lumuluha, kung kaya umalis 'to agad sa

