CHAPTER 06

4895 Words
◈KELLY◈ Matapos iyon ay akward ko siyang tiningnan na nakataas na ang kilay ngayon. Hindi ko talaga mawari kung ano bang iniisip niya at ganoon na lamang ang paraan ng pagtitit niya. Bukod doon, paiba-iba pa siya ng expresyon ng mukha. "ha-ha-ha....ano kasi.." napakamot ako sa ulo at muling napaiwas ng tingin. Nangangapa sa bawat sulok ng utak ko kung ano bang pwede kung sabihin sa kaniya "sino ka ba talaga?." natigilan ako sa naging tanong niyang iyon. Nang muli ko siyang tingnan ay iba na ulit ang expresyon ng mukha niya. seryoso na ito ngunit may panunuri pa rin sa mga mata niya. "h-huh?." muli na namang tumagilid ang ulo nito at tiningnan ako mula ulo hanggang pa. Kumunot ang noo ko. Nagtataka sa ginagawa niya. Pamilyar din kasi ang tanong niyang iyon sakin. Narinig ko na rin 'yan sa kung saan, hindi ko lang mawari kung sino ang nagsabi sakin noon. Tama, natatandaan ko na kung kanino ko iyan narinig. Doon sa lalaking nakita ko sa garden na kaibigan din ng lalaking ito. Tinanong niya rin 'yan sakin sa hindi ko malamang dahilan. Nawiwirdohan na talaga ako sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nila akong tanongin ng walang ka kwenta-kwentang tanong na 'yan. Napahakbang ako ng isa paatras ng makita kong humakbang ang paa nito papalapit sakin. "a-ahh..anong ginagawa mo?." kunot noong tanong ko. Hindi ko maiwasang kabahan, lalo na't kakaiba pa rin ang tingin niya sakin. Hindiman ito tulad ng isa niyang kaibigan na kung tumingin ay napakalalim at nakakatakot. Kinakabahan pa rin ako sa mga pwede niyang gawin sa oras na makalapit siya sakin. Nanatili itong tikom ang bibig habang busy sa panunuri sa rebulto ko. ilang beses ko na siyang binalaan na huwag lumapit sakin pero hindi pa rin ito nagpatinag. Patuloy pa rin ito sa paglapit sakin. Napakalikot ng mga mata niya. Hindi maperme' sa isang lugar. Kung saan-saan tumitingin. Hindi ko rin magawang huminto dahil patuloy pa rin ito sa paglapit sakin. Sa paraan ng mga tingin niya, tila sinasaulo nya ang bawat Hubog ng katawan at korte ng mukha ko. Hindi ko masabing minamaniyak niya ako dahil sa nakikita ko ay parang may hinahanap siyang kung ano sakin na batid kung hindi niya mahanap-hanap. Hindi ko tuloy maiwasang magtanong sa isip ko kung bakit ganito ang kinikilos nila. Pakiramdam ko ay may mali. Napahinto ako sa pagaatras ng mapasandal ako sa pader. Wala na akong takas. Wala na akong maatrasan. Huminto na rin siya sa kaniyang paglakad ng isang dipa na lamang ang layo niya sakin. Napatingala pa ako Dahil sa katangkaran niya. Mahigpit kong hinahawakan ang laylayan ng palda ko ng ituon niya ang isa niyang kamay sa pader kung saan ako nakasandal. Maslalo pa niyang inilapit ang mukha niya sakin dahilan ng maslalong pagpipigil ko ng paghinga. Halos kalahating dipa na lamang ang layo niya sa mukha ko. Ramdam na ramdam ko na ang mainit na hanging lumalabas sa bibig at ilong niya. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagbaybay ng panigin niya sa mukha ko. Hindi pa rin ito mapirme. Hindi naman naalis sa noo ko ang pagkunot nito, kahit na sa loob-loob ay kinakabahan na ako. Bukod doon kinakabahan ako na baka maabutan ako ng mga lalaking humahabol sakin. Magsasalita na sana ako para tanongin siya ng lumagpas ang paningin ko sa kaniya. Nahagip ng mata ko ang ilang kalalakihang humahabol sakin sa kabilang hallway. Bakas sa kanilang mga mukha na may hinahanap ang mga ito. Tinitingnan nila isa-isa ang bawat pintuan ng silid na kanilang nadadanan. Ang iba naman ay sinisilip na lamang nila sa may bintana dahil may ilan sa mga pintuan ay nakakandado. " Wala namang kakaiba sayo..." muling napukaw ang atensyon ng magsalita ang lalaking nasa harapan ko. Muli na namang kumunot ang noo ko. "h-huh?" nagugulumihanan na tanong ko. Ngumisi siya. " sa nakikita ko naman parehas ka lang din ng mga babaeng nakakasama ko...." napakalikot ng mga mata niya. palipat-lipat ito ng tingin sa mga mata at labi ko. Bahagya niyang binasa ang labi niya at huminto ang paningin sa mga mata ko. Diretso niya akong tiningnan sa mga mata. "tulad nila, kayang-kaya rin kitang kunin at gawing pagmamay-ari ko." may pagmamayang nawika nya na ikiinis ko. Ang kapal naman ng mukha niya. Talagang ikinumpara niya pa ako sa mga babaeng pinaglalaruan niya. Ngumisi ako. " talaga? Ganun ba talaga ang tingin mo sa mga babae? Madaling paglaruan?." May pagkasarkastik na tugon ko sa kaniya. Bahagya siyang natawa at napangiti sa sinabi ko. muli na naman siyang napasulyap sa labi ko bago ako muling tiningnan sa mga mata. " bakit? Totoo naman hindi ba? Pareparehas lang kayong mga babae. Madaling makuha sa isang salita lamang." may pagmamaliit na wika niya. " Huwag mo akong ikumpara sa ibang babaeng nakasaluha mo na.. Dahil baka pagsisihan mo na nakilala mo ako. You never now me, huwag mong husgahan ang taong ngayon mo pa lang naman nakilala" may pagbabantang wika ko. Maslalo pa akong nainis sa kaniya dahil sa halip na maalarma siya sa sinabi ko ay maslalo lang itong ngumiti. Umiling-iling pa siya sandali saka muli akong tiningnan. " kung iba ka nga sa kanila. Prove it. Sabihin mo sakin kung sino ka talaga." Kahit saan ko siya tingnan. Halatang seryoso ang sinasabi niya. Diretso ang mga mata nito habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Hindi naman ako nagpatinag. Sinalubong ko rin ng matalim na tingin ang mga matang iyon. Ibubuka ko pa sana ang bibig ko para paliwanag siya ng makita kong malapit na dito ang mga lalaking humahabol sakin. Muli ko siyang binalingan ng tingin at sa pagkakataon na ito ay seryoso na ang mukha ko. Kailangan ko na talagang makalayo dito. Hindi nila ako pwedeng maabutan. Paniguradong gaganti ang lalaking iyon sa oras na maabutan niya ako. Sigurado akong sa oras na makita nilang hawak ako ng lalaking ito ay madali na lang para sa kanila na kunin ako. Lalo na't wala namang kwenta para sa lalaking ito ang mga babaeng tulad ko. " sorry pero hindi ako nagpapakilala sa mga taong tulad mong walang kwenta at utak hipon " malamig na wika ko. Sinikap ko ng umalis sa harap niya. Sinubukan ko siyang itulak palayo pero laking gulat ko ng mas-idikit niya pa ako sa pader na pinagsasandalan ko. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ko. Inilapit niya ang kaniyang mukha sa bandang pisnge ko. Natigilan ako. Tila may malamig na yelong bumalot sa buo kung katawan ng maramdaman ko ang mainit na hanging lumalabas sa ilong at bibig niya. Tumatama ito sa may bandang tenga ko. Dapat makakaramdam na ako ng kiliti dahil sa parteng iyon ay may kiliti ako pero tila naging manhid ako at walang maramdaman na kahit na ano. Sa sitwasyon namin ngayon ay para kaming naghahalikan sa gilid ng hallway. Natatakpan niya kasi ang kalahati ng mukha ko. Napahawak ako ng mahigpit sa laylayan ng damit niya ng makita kong lagpasan kami ng mga lalaking humahabol samin. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa makalayo sila sa kinatatayuan namin. Kahit na kampante na ako na wala na sila ay hindi pa rin mapigilan ng puso kung kabahan dahil sa pusisyon naming dalawa ng lalaking ito. Dapat ay tinutulak ko na siya ngayon papalayo sakin at sampalin sa kapangahasang ginawa niyang Paghawak at paglapit ng mukha sakin, pero bakit ganun? Bakit wala akong lakas? Bakit parang naging bato ang buo kung katawan?. " Hinahabol ka nila tama ba?" Bahagya niyang inilayo ang mukha niya sakin at diretso niya akong tiningnan sa mga mata. Kalahating dipa pa rin ang layo ng mukha niya sakin at sa pagkakataong ito, kakaiba na ang paraan ng pagtitig niya sa mga mata ko. Napakalalim nito na parang may pinapahiwatig ang mga tingin niya. Maslalo pang lumawak ang pagngiti niya na kahit na sinong babaeng makakita ay maaari maakit, maliban na lamang sakin. Tss, i told you... I'm not like them. I'm different to the other girl he meet. Ako iyong tipo ng taong hindi madaling maatract sa mga ngiti at Mga tingin na ganiyan. Maslalo lang akong naiirita at nandidiri. Hindi ko naman inaasahan na malalaman niyang ako ang hinahanap ng mga lalaking iyon. bumakas sa 'aking mukha ang pagkabigla at Pagtataka. Pakiramdam ko ay kasing laki na ng holen ang mata ko dahil sa pamimilog nito. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko rin magawang iiwas ang paningin ko sa kaniya na siya namang masikinangisi niya. Halatang natutuwa siya sa nagiging reaksyon ko. Sigurado akong nagdidiwang na ang kalooban niya dahil nanalo siya sa pagkakataong ito. " Nagtataka ka kung papaano ko nalaman?" Abot langit ang pagngiti niya na para bang nagaasar ito na talaga namang nakakaasar. Sa mga oras ding iyon, gustong-gusto ko na siyang suntukin. Gusto kong ipatikim sa kaniya kung gaano kasarap ang kamao ng isang babae ng matauhan siya sa mga pinagsasabi niya at malinawan siya na mali ang paratang niya sa mga babae na hindi niya dapat minamaliit ang mga babaeng tulad ko, pero nanatili akong tahimik at pinaningkitan lamang ito ng tingin. " nakita kita kanina na nakikipag talo sa mga lalaking iyon. balak ko nga sanang makiosyoso kaso bigla ka na lang tumakbo at hinabol ng mga lalaking 'yon" mahina siyang natawa. Sandaling yumuko saka muli akong tiningnan. " alam mo bang ngayon lang ako nakakita ng babaeng nanipa ng ano ng lalaki.. Doon pa lang binigyan mo na ako ng dahilan para mapansin ka at dahil doon..." inilapit na naman niya ng husto ang mukha niya sakin na anomang oras ay maaari ng magdikit ang 'aming mga labi. Maslalo ko pang naramdaman ang mabigat at maiinit niyang pahinga na tumatama sa mukha ko. Hindi rin nito maiwasang mapasulyap sa labi ko na para bang nais niya itong angkinin. Ramdam ko rin ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya na sumasangayon naman sa dibdib ko. Muling nahinto ang paningin niya sa mga mata ko bago ito muling nagsalita. " Ihanda mo na ang sarili mo dahil ako na mismo ang gagawa ng paraan para malaman kung sino ka talaga at kapag nangyari iyon. Sisiguraduhin kong mapapasakin ka.. " Hindi ko makapa sa kaniyang mukha kung totoo ba ang sinasabi niya. Wala akong makitang kahit na ano mula sa mga mata niya. Tanging ngisi at malalim na tingin lamang ang ipinupukol niya sakin habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Bakas naman sa boses niya ang pagbabanta. Hindi ko alam, wala akong ibang maisip ngayon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kung isipin sa lalaking ito. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan at matakot sa mga pinagsasabi niya. Wala akong kasiguraduhan ngayon kung totoo ba ang sinasabi niya o tinatakot niya lang ako. Bukod doon, masyado niyang ginugulo ang isip ko. Sa sobrang daming nangyari sakin sa buong oras at minutong dumaan kanina ay dumagdag pa siya. Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Lumayo na siya sakin. Dumistansiya at tumindig ng ayos sa harap ko. Inilagay niya ang isa niyang kamay sa bulsa ng pantalon niya ng hindi inaalis ang paningin sakin. Nakasuot pa rin sa kaniyang labi ang ngising iyon na para bang hinahamon ako nito sa isang tunggalian. " For know, dalawa na ang utang mo sakin. " kumunot ang noo ko. Maslalo naman siyang natawa ng makita niya ang naging reaksyon ko. " Una, sa pagligtas ko sa iyo sa kahihiyan kanina sa paliguan ng mga lalaki at ang pangalawa ay ang pagtago ko sayo sa mga lalaking humahabol sayo. " wika niya at inisa-isa niya pa talaga sa daliri niya ang mga iyon. Gusto kung matawa. Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin sakin na may 'Utang ako sa kaniya. Gusto ko pa sana siyang patulan ngunit masminabuti ko na lamang na manahimik. Tanging nanlilisik na mga mata na lamang ang ipinukol sa kaniya. Muli na naman siyang natawa. Isang tawang Nakakairita sa pandinig ko. "but don't worry.... Hindi naman kita agad sisingilin. Hindi pa sa ngayon." Bakas sa mukha niya na may plinaplano ang mokong na ito. Matapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya sa harap ko at iniwan ako doon walang masabi na kahit na ano. Hindi agad ako nakakilos. Nanganga ang panga kong nakasunod ng tingin sa kaniya. Matagal bago nagprocess sa utak ko ang nangyari hanggang sa doon na ako nagwala at nagtatadiyak ng makarecover na ako at mapagtanto ko ang mga sinabi niya. Nang mawala na siya sa paningin ko. Doon na nagreact ang katawan ko at Emosyon na kanina ko pa pinipigilan. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya at ang mga kamao ko ay kanina pa namumula dahil sa pangangating suntukin ang lalaking iyon. Pasalamat na lamang siya at unang araw ko pa lamang sa paaralan na ito at pinanghahawakan ko ang unang araw na ito na huwag mapunta sa ditention room dahil ayokong masayang ang pagtulong sakin ng taong nagbigay sakin ng schollar para lang makapasok sa paaralan na ito. Bukod doon, Bago paman ako tumuntong dito ay pinangako ko na sa tita ko na pagbubutihan ko ang pagaaral at sisikapin kong huwag mapalapit sa gulo. Hindi tulad sa dati kung paaralan na pinapasukan na halos araw-araw akong nasa ditention room. Ako kasi iyong tipo ng babae na kahit lalaki e' pinapatulan ko. Ako 'yong tipo ng taong hindi mo mababakasan ng takot. Kahit na sino o ano ka pa, hinding-hindi kita uurungan kaya't amasona ang tawag sakin ng mga kaklase ko sa dati kung pinapasukan. Walang kahit na sinong kayang mangapi sa 'akin. Noon paman ay talagang palaban na akong tao, may makita man akong taong inaapi at pinagkakaisahan ay hindi ko maiwasang tumulong at makiusyoso kaya't kahit anong pilit kung pagiwas sa gulo ay ako mismo ang nilalapitan nito. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil unang araw ko pa lamang sa paaralan na ito ay punong-puno ng kamalasan ang nangyari sa 'kin. Ganoon pa man, sisikapin ko pa ring tuparin ang pangako ko kay tita. Ako si kelly cyton. Isang babaeng may isang salita. Marunong tumupad sa usapan at mga pangako. Ayoko kasi sa lahat ay iyong hindi marunong tumupad sa usapan at iyong walang isang salita, kaya't bakit ko gagawin sa iba iyong bagay na ayokong gawin s'kin. Mariin na lamang akong napapikit para pakalmahin ang nagaalburuto kung ulo. Malalim akong bumuntong hininga at isinantabi ang inis at pagkairita ko sa lalaking iyon. Hanggat maaari ay maspapahabain ko pa ang pasensiya ko. Kaya ko naman magtiis kahit alam kong ako ang magiging dehado basta para sa tita ko, gagawin ko ang lahat. Sisiguraduhin kong magkakaroon ng araw sakin ang lalaking iyon. Maghintay lang siya. Sa oras na magkaroon ako ng pagkakataon ay sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang minaliit niya ang tulad ko. Matapos kung libutin ang XU ay napagdisisyonan kong magtungo muna sa locker room. Balak ko munang ilagay iyong ilang librong ibinigay sa 'akin noong isang guro na wari ko'y namumuno sa faculty na pinuntahan ko kanina. Ang dami niya kasing binigay sakin na libro. Mukha ngang eleven ang lahat ng ito, tapos makapal pa. Maliit paman din ang dala kung backpack. Sakto lang sa mga notebook ko at sa mga stuff na lagi kong dala-dala saan man ako magpunta. Bukod doon, batid kung dalawa o tatlong libro lang ang kakasya dito. Napahinto ako sa paglalakad ng magring ang phone ko. Sandali akong nagpalinga-linga sa paligid. Inis akong nasinghal ng wala akong makitang mapapatungan ng dala ko. Nasa hallway kasi ako ngayon. Wala na masyadong studiyanteng dumadaan dito. Wala na akong choice kung hindi ilapag sa gilid ang mga dala ko. Sandali akong nagpakawala ng mabigat na paghinga bago ko kinuha sa bag ko ang phone na kanina pa ring ng ring. Kumunot ang noo ko ng makitang ang matalik kong kaibigan ang tumatawag. Hindi na ako nagdalawang isip na sagutin iyon. " hello.." walang ganang sagot ko. bahagya akong sumandal sa pader na katabi lamang noong mga librong inilapag ko sa gilid. " hi bheeeee! Musta?.." Nailayo ko ng wala sa oras ang celphone sa tenga ko ng marinig ko ang napakatalas na tinig ng kaibigan ko na animo'y nakalunok ng mega-phone. Napahawak pa ako sa tenga ko habang nakamaang ang labi dahil pakiramdam ko ay mababasag ang eardrums ko ng wala sa oras. " seryoso beh? Asa bundok ka ba? Sisirain mo ba pandinig ko?." iritang tanong ko ng muli kung ibalik sa tenga ang phone na hawak ko. " hehehe, sorry naman beh..naeexcite lang. So ano nga? Kamusta ang------" hindi paman niya tapos ang kaniyang pagsasalita ay pinutol ko na agad ito. " huwag mo ng tanongin... " walang kagana-ganang turan ko. Hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang mga sinabi sakin ng lalaking iyon kanina. Halos nanatili na sa isip ko kung papaano niya maliitin ang mga babae. Sa tuwing maaalala at maiisip ko iyon, lalo na ang lalaking nagsira ng libro ay parang gusto ko ng sumabog dahil sa inis. " ayy! Why naman? My worst ba na nangyari?." muling tanong niya. Naririnig ko sa kabilang linya ang ingay. naghahalo ang bawat boses ng mga tao doon. Mukhang wala silang guro ngayon sa klase nila. Malamang kelly, makakatawag ba ang kaibigan mo kung may guro sila?^,^. Hayssst! Pati sarili ko binabara ko na dahil sa inis ko sa mga lalaking nakasalamuha ko ngayon. " mahabang kwento beh. Baka maabutan ka diyan ng guro niyo kapag ikinukwento ko na sayo agad sa celphone ang nangyari sakin ngayon. Masmagandang sa personal ko na lang sabihin sayo ang lahat para masmalinawan ko." " haysst! Oky fine. can't wait. Anyway. Asan ka? ba't parang ang tahimik diyan." takang tanong niya. nalalim akong napabuntong hininga. " asa hallway papuntang rocker room. dadalhin ko iyong ilang mga makakapal na libro sa locker ko. Hindi kasi kasya 'yung iba sa bag ko. Masyadong maliit 'yong bag na nadala ko." paliwanag ko. " sabi ko naman kasi sayo. Malaki na ang dalhin mong bag dahil marami silang librong ibibigay sayo. " " aba! malay ko ba na totoo 'yang sinabi mo. saka hindi na kami elementary para bigyan pa ng ganito kakapal na libro noh." reklamo ko. " i told you. XU is a different school. Maninibago ka sa patakaran ng mga taong namamahala diyan. " kumunot ang noo ko. gusto ko pa sanang magtanong sa kaniya kaso muli siyang nagsalita. " ahh, sige na beh. Mamaya na ulit. Nandiyan na 'yong next prof. namin." hindi na ako nakaimik pa dahil matapos niyang sabihin iyon ay agad na niya itong pinatay. Napabuga na lang ako ng hangin. Napairap sa hangin saka inilagay sa bag ko ang phone na hawak ko. Muling kinuha at binuhat ang mga librong inilapag ko lang sa may gilid. Napailing na lang ako habang nakangiti at nagsimula na akong maglakad. Isang katahimikan ang bumungad sakin pagkarating ko sa Locker room. Napakatahimik, walang katao-tao. Tanging pagandar lamang ng aircon ang maririnig sa paligid. Sandali naman akong natigilan dahil hindi ko inaasahan na kahit ang locker room nila dito ay kasing lawak din ng gymnasuim. Pakiramdam ko ay malalaglag na ang panga ko dahil sa pagkamangha. Sa dami ng paaralang pinasukan ko. Ngayon lang ako nakakakita ng ganito kaganda at kalawak na locker room. Kung tatansiyahin ko ang lawak niya ay panigurado akong masmalaki pa ito sa bahay namin na tagpi-tagpi lang. Maihahalintulad din siya sa library na nakahelera ang bawat isa. Kaniya-kaniya rin ang puwesto nito na para bang sa bawat kulay ng locker ay may kaniya-kaniyang ranko. Makikita rin dito ang magkakasunod na numiro. Mukhang iyon ang code ng bawat Locker para hindi malito ang bawat studiyante kung alin ang locker nila. Pakiramdam ko tuloy, ano mang oras ay maaari akong maligaw sa silid na ito dahil sa sobrang lawak at marami pang pasikot-sikot. Napabuntong hininga ako at napanguso ng mapagtantong mukha nga talagang mahihirapan ako sa paghahanap ng locker ko. Napangiti naman ako ng maaalalang may ibinigay nga pa lang folder si Sir jack. Nasabi niya sa 'aking naandoon na ang mga kailangan ko kaya't nakakasiguro akong naandoon din ang number ng locker ko. Sandali ko munang inilapag ang hawak kong mga libro sa ibaba ng paa ko at kinuha ang bag ko sa likoran. Pagkakuha ko doon ng folder ay agad kong hinagilap sa bawat pahina nito ang numiro ng locker ko. Napangiti naman ako ng malawak ng matagpuan ko iyon. Nakasulat din sa tabi ng numiro ko ang kulay ng locker ko. Kulay itim iyon. Hindiman iyon ang paburito kung kulay ay ayos lang atleast mararanasan ko ng gumamit ng locker. Sa paaralan kasing pinasukan ko. Bukod sa panget na ang mga locker namin doon ay minsan lang kung gamitin. Halos mga guro nga lang ata ang gumagamit noon e'. Ginagawa lang nilang tambakan ng mga test papers at mga kung ano-anong libro na doon na inanay. Nang matagpuan ko na ang locker ko ay agad ko na itong binuksan. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ito dahil ngalay na ang kamay ko kakabuhat ng mga librong ito na halos mayaman sa papel. Masyado kasing makapal na para bang dalawang taon namin itong pagaaralan. Pagkalagay ko ng mga ito sa loob ng locker. Isasara ko na sana ito ng may malalag na sobre mula sa loob ng locker ko. Kulay itim ito. Kunot noo ko iyong kinuha. Sandali ko itong pinagmasdan ng maige. Hindi ko maiwasang magtanong sa 'aking isipan kung Bakit magkakaroon ako ng itim na sobre sa locker ko? Ano ito pawelcome letter? Pero bakit itim? Dahil ba itim din ang locker ko?. Pero imposible. Bakit kailangan pa nilang magbigay nito? Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng kung ano. Hindi maganda ang kutob ko. Sinisikap kung kumbinsihin ang sarili ko na pawelcome letter lang ito at hindi kung ano. Sandali akong napalinga-linga sa paligid, nagbabaka sa kaling may tao akong masumpungan pero wala akong nasumpungan. Batid kung kanina pa ito inilagay dito. Mukhang pawelcome letter lang ito ng XU dahil bago lamang ako sa paaralan ito. Masyado lang akong nagiisip ng kung ano kaya't mabilis akong kinakabahan. Bukod doon, kailangan ko ng bawasan ang paginom ng kape. Masyado na kasi akong nagiging paranoid. Binuksan ko na lang ang sobre upang masagot na ang mga katanongan na kanina pa bumabagabag sakin. Halos manlambot ang tuhod ko ng makita ko ang nilalaman nito. Mabilis kong na itapon ang kulay dugong card dahil sa takot at kabang labis kong nararamdaman. Napawak pa ako sa bibig ko dahil sa hindi inaasahang mabasa sa card na iyon. Ramdam ko ang pagtipon ng luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko rin maiwasang magtanong sa sarili kung sino ang taong nagbigay sakin ng ganitong mensahe. " I will kill you." Iyan ang nakatala sa card na iyon. Pulang dugo pa ng hayop ang ginamit dito na pansulat. Sandali pa akong natulala sa card na iyon na kasalukuyan nang nasa saheg. Hindi agad ako nakagalaw sa mga oras na iyon. Pakiramdam ko kasi ay mawawalan ako ng balanse sa oras na ihakbang ko ang mga paa ko. Halos maghalo na ang mga katanungan sa isip ko. Punong-puno ito ng katanungan. Unang araw ko pa lamang sa paaralan na ito may nagbabanta na agad sakin. Hindi ko alam pero unang tapak ko pa lamang sa paaralan na ito. May kakaiba na talaga akong nararamdaman. Pakiramdam ko ay hindi magiging maganda ang takbo ng buhay ko sa paaralan na ito. Nang matauhan ako ay agad ko ng isinara ang locker ko. Nagmamadali na akong lumabas ng silid na iyon. Napakunot naman ang noo ko nang may iilang studiyante akong nakakasalubong sa hallway. Napakatalim ng tingin nila sakin na para bang may nagawa akong malaking kasalanan. Hindi ko na lamang iyon pinansin. Nakayuko na lamang akong nagpatuloy sa paglalakad upang hindi ko makita ang mga mata nilang mapanghusga. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. Inaasahan ko na ang ganito. Alam kong masmarami akong makakasalamuhang mga taong sarado ang utak sa lugar na ito. Kahit na gustong-gusto ko na silang patulan ay sinikap ko na lang pahabain ang pasensiya ko. Kung wala lang akong pinanghahawakan na pangako ay panigurado akong hindi nila magagawa ang mga bagay na ito s'kin. Napahinto ako sa paglalakad ng may tumilapid sakin. Halos mapasubsub ako sa semento. Napamaang ang labi ko ng maramdaman ko ang paghapdi ng pisnge at braso ko. Rinig na rinig ko ang tawanan nila. Hindi ko alam pero bigla na lamang bumagal sa pandinig ko ang mga tawanan nila. Unti-unti itong lumalagong sa pandinig ko. Halos lahat ng mga studiyanteng mapapadaan dito ay napapahinto at tinatawanan ako habang ang iba namang mga studiyanteng nasa bawat silid ay nagsilabas at nakitawa rin sa nangyari sakin. Sa pagkakataong iyon, mariin na lang akong napapikit at pilit na pinakalma ang sarili. Itinuon ko ang dalawa kung kamay sa saheg at sandali ko silang tiningnan. Habang pinagmamasdan ko sila isa- isa. Napagtanto kung hindi galit ang nararamdaman ko sa mga oras na ito, kung hindi awa. Naaawa ako sa kanila dahil naturingan silang mayayaman at nakakapag aral sa magarang paaralan na ito, pero ganito ang ugaling ipinapakita nila. Siguro kung ibang tao ako. Iba na ang tingin ko sa kanila. Mapapatanong ako sa sarili ko kung ganito ba ang itinuturo ng mga guro nila sa kanila. Ang apakan at maliitin ang mga tulad naming mahihirap. Kung naaawa ako sa kanila. Masdoble ang awa ko sa mga gurong nagtuturo sa kanila dahil sila ang pinakaapektuhan dahil sila ang nagtuturo sa mga ito. Sinubukan ko ng tumayo. Bahagya pang napamaang labi ko dahil sa pagkirot ng braso ko. Napagakat naman ako sa ibabang labi ko ng makitang may gasgas ito. Panigurado rin akong namumula na ang pisnge ko dahil sa lakas ng pagkakasulunsud dito sa saheg. Pagtayo ko, agad ko ng pinagpagan ang uniform na suot ko na talagang maingat pang plinansiya ni tita kagabi. Hindi ko hahayaan na masayang ang pagpupuyat ng tita ko maplansiya at mapabango lang niya ang damit na ito. Gusto ko ngang matawa noong ibalita niya sakin na ipapasok niya ako sa paaralan na ito. Mas-excited pa siya sakin na para bang siya ang studiyante na tuwang-tuwang makakapasok na pinapangarap niyang paaralan habang ako naman ay ang ina niyang walang pakealam. Kitang-kita ko kung gaano kasaya noon ang tita ko, bakas sa mukha niya na proud na proud siyang maipapasok niya ang kaniyang pamangkin sa isang mamahalin at magandang paaralan. Iyon din ang isa sa dahilan kung bakit maspinili ko na lang na pumayag sa gusto niya dahil doon ko lang nakita kung gaano kasaya ang tita ko. Sa tagal naming nagsama. Ang ngiti niya lamang na iyon ang nakita kong walang bahed ng lungkot at pagaalinlangan, kaya't sisiguraduhin kong sa paaralan ako na ito magtatapos. Titiisin ko ang lahat para lang matupad ko ang pangako ko kay tita. Kahit gaano pa kahirap ang magiging buhay ko sa paaralan na ito. Wala na akong pakealam doon, ang mahalaga sa 'akin ay ang muli kung makita ang ngiting iyon mula sa kaniya sa oras na umakyat na ako ng stage na kasama siya. Nang mapagpagan ko na ng ayos ang uniform ko ay nagsimula na ulit akong maglakad na para bang walang nangyari. Natahimik naman ang lahat. Napaltan ng bulungan ang kaninang mapanghusga nilang pagtawa. Nasa magkabilang gilid lamang sila ng hallway habang ang kanilang mga mata ay nakasunod sakin. Sa bawat makakasulubong kung mga studiyante sa hallway na ito ay kusang gumigilid na para bang ayaw nilang madaitan lamang ng balat ko. Tama nga ang kasabihan ng ilan, hindi mo makikita sa panlabas lamang kung ano talaga ugali meron ang isang tao. Sa nakikita ko kasi ngayon, Ano mang perpekto ng kaaniyoan nila ay iyon naman ang kakulangan meron sila sa kanilang paguugali. Ang pagiwas pa lamang nila sakin parang pinapahiwatig na ng mga ito na hindi nararapat madaitan o malapatan man lang nang kanilang kayamanan ng mga mahihirap. Ano bang problema ng mga tulad naming mahihirap? Ano bang kasalanang nagawa namin sa mga tulad nila na kung umasta ay parang sila lamang ang may karapatang mamuhay sa mundong ito. Iyan ang isa sa dahilan kung bakit husto ang pagkamuhi ko sa mga mayayaman. Hindi sila marunong tumingin sa kanilang pinanggalingan. Masyado silang mapagmataas. Patuloy lang ako sa paglalakad. Nanatili ang paningin ko sa daan upang hindi ko mapansin ang mapanghusga nilang mga tingin. Nang makarating na ako sa hagdanan ay doon ako na pahinto. Napaangat ang itaas kung labi ng may magbuhos sakin ng malamig na tubig mula sa pangalawang palapag. Halos dumaloy sa buo kung katawan ang lamig dahil may iilan itong maliit na bloke ng yelo. Ramdam ko ang pagbagsak ng maliit na bloke na iyon sa ulo ko kaya't medyo nakaramdam ako ng sakit. Mariin akong napapikit kasabay ng pagikom ng kamao ko. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Tumingala sa itaas at naabutan ko doon ang iilang lalaking kasalukuyan na ngayong nagpipigil ng tawa dahil sa ginawa nila sakin, nakadungaw ang mga ito sa may hagdanang patungong second floor. Doon ko lang din napagtanto na ang mga lalaking iyon ang kaninang humahabol sakin. Mukhang bumabawi na sila ngayon. Umiiwas nga ako sa gulo nilalapitan naman ako ng kamalasan at hindi lamang iyon. Sunod-sunod pa. Napatingin ako sa sarili ko. Basang basa na ang buhok ko. Ganoon din ang damit ko, Bumabakat na ito sa katawan ko. Buti na lamang at may checurd ang uniform ko kaya't hindi halata ang panloob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD