|✧ᴋᴇʟʟʏ ᴄʏᴛᴏɴ✧|
KASALUKUYAN ako ngayong nagbabasa ng isang novela sa w*****d. Nakasandal ako sa upuan habang nagbabasa at hinihintay ang guro namin. Alas-otso ng umaga wala pa rin sila, hindi ko nga wasalam kung may magtuturo pa ba sa 'amin dito. Hindi ako pumasok sa paaralan na ito para lang sayangin ang oras ko, kapag talaga walang gurong magtuturo samin ngayong araw ay talagang mag rereklamo ako sa deped o hindi naman kaya sa gwapong dean na nakausap ko kanina.
" alam niyo ba guys may pinahiya na namang babae si jc sa hallway kanina-kanina lang"
Kumunot ang noo ko sa narinig, mariin pa akong napapikit dahil hindi ako masyadong makapagkonsentrate sa pagbabasa ko dahil sa mga chismosang nasa bandang unahan. " ayy! Oo napanood ko nga rin ang pangyayaring iyon. Grabe kawawa talaga 'yong girl" pagsang ayon noong isa.
Napakagat ako sa ibabang labi habang nakikinig sa kanila. Hindi ko batid na hanggang sa paaralang ito ay may mga chismosa pa rin akong makakasalamuha at sino ba iyong sinasabi nilang jc?. Napailing na lang ako at sinikap na huwag na lamang silang pansinin.
" tss, ang landi naman kasi noong babae, sabihin ba namang bigyan siya ng pagkakataong ligawan si jc. Gosh! Hindi na siya nahiya."
" tama! Nararapat lang talaga sa kaniya iyon. Sana madala na siya. Talagang si jc pa ang binangga niya. Tss, napahiya tuloy siya. paniguradong hinding- hindi na siya makakatapak pa sa paaralang ito dahil sa kahihiyang ginawa niya. mapapatulad lamang siya sa unang napahiya ni jc."
Malakas na nagsitawanan ang mga kababaihang iyon na halos ikatulig ng tenga ko. Inis kong ibinababa ang librong binabasa ko at matalim silang tiningnan. Para silang mga mangkukulam na tumatawa kasi meron na naman silang na biktima. Tatayo na sana ako at pagsasabihan sila ngunit na palingon ako sa direksyon ng pintuan ng makarinig ako ng mga tili at sigawan sa labas ng silid na para bang may kaguluhang nagaganap doon.
Tumaas ang kilay ko at halos magdugtong na ang mga ito sa pagtataka. halos lahat ng studiyante ay nasa labas ng kani-kanilang mga silid. Ang iba'y tumatakbo pa na para bang may nakita silang isang sikat na artista. " ayan na sila" rinig kong kinikilig na saad ng mga kababaihang mangkukulam na nasa pinakaunahang upuan na kanina ko pa kinaiinisan.
Dali-dali ang mga itong tumayo at lumabas din ng silid. Bakas sa kanilang mga mata ang pagningning nito. maslalo namang nagtaka ang mukha ko ng makitang nagtatalon na sa tuwa ang iba ko pang mga kaklase habang nagmamadali ang mga itong lumabas ng silid. Ang iba'y halos mahimatay na sa kilig at ang iba naman ay magnganga-dapa na sa kakamadaling lumabas.
May ilan ding nagtutulakan at ang iba ay nagsasabunutan pa mauna lamang makalabas. Ako lamang ang naiwan sa loob ng silid. Tanging isang papel na tinatangay na hangin lamang ang naiwan sa silid na ito kasama ako. Halos lahat sila ay lumabas. Mapababae man o lalaki ay lumabas din upang saksihan ang kung anomang meron sa labas. Inuusig man ako ng koryosidad ko. Nais ko ring lumabas at makiosyoso doon ngunit naalala kong may binabasa nga pala akong libro at wala rin akong pakealam sa pinagkakaguluhan nila doon.
Bukod doon, natutuwa ako at wala ng maingay sa loob ng silid pero hindi ko pa rin maiwasang mainis dahil rinig ko ang sigawan at tilian ng mga tao sa labas ng hallway. Kung ano-ano ang mga sinasabi nila na halos maghalo-halo na dahilan upang hindi ko ito maintindihan. Punong-puno ng mga studiyante ang hallway. Siksikan at nagtutulakan. Napahinga na lang ako ng malamin saka umiling ng ilang ulit.
Hindi ko batid na ganito pala dito. Pinagkakaguluhan ang kung sino, wala man lang umaawat at pumipigil sa kanilang mga guro. Kung sa ibang paaralan paniguradong guidance na ang abot nilang lahat. Muli kong kinuha ang libro ko. Bago ko ito basahin ay kinuha ko muna ang celphone at headset ko sa bag. Naisipan kong makinig na lamang ng magandang musika habang nagbabasa.
Naghanap ako ng magandang pakinggan kanta. Natigil naman ang mata ko sa piano songs, napangiti ako at iyon ang napiling pakinggan. Tahimik kong ibinaba ang Celphone sa lamesa saka ako nagsimulang magbasa. Nasa kalagitnaan na ako ng magandang eksena sa kwento ni binibining mia ng may isang hangal na humablot sa libro ko. Napaangat ang labi ko sa inis at wala sa oras na inalis ang isang pares ng headset sa kaliwang tenga ko. Inis kong tiningnan ng hangal na iyon at balak sana itong murahin at bugbugin pero natigilan ako ng isang anghel ang bumungad sakin.
Isang makisig at matipunong lalaki ang bumungad sa harap ko. Nakaupo ito sa upuang katapat ko. Sa lamesang upuan ito nakaupo habang nakataas ang dalawa niyang paa at nakapatong sa upuan. nakatuon ang isang siko sa kaniyang binti habang hawak-hawak ang libro ko. Nakangiti ito sa 'akin na halos hindi ko na makita ang mata. Napansin kong nasa loob na ng silid ng ang mga kaklase kong kanina lamang ay nagmamadaling lumabas. Lahat sila ay nakaalipunpun at nakatingin sa 'akin o sa lalaking ito. Punong-puno rin ng mga studiyante ang labas ng silid. Lahat sila ay nagtataasan ang leeg upang makasilip o makadungaw lamang dito at makasagap ng pwedeng maichismis sa kanilang mga kaibigan.
Hindi ko rin maiwasang magtaka ng mapansin ko ang mga ilan sa kanila na napakasama ng tingin sa 'akin na para bang pinapatay na nila ako sa kanilang mga isipan. Tila nakapalaki ng kasalanang nagawa ko sa kanila. Muli kong tiningnan ang lalaking sumisira sa araw ko ngayon. Hawak niya pa rin ang libro ko at pangahas na niya ito ngayong binubuklat na halos magusot na ang libro ko dahil basta-basta lamang ang pagbubuklat niya.
Halos matawa ako sa inis at gusto ko ng sipain ang lalaking ito palabas. Gwapo po nga, b*b* naman. Hindi niya ba na pagaaralan kung papaano bumuklat ng libro?. Sinikap kung maging kalmado. Mahirap na, baka dumugin pa ako ng mga kaklase ko kapag pinapanget ko ang lalaking ito.
Nakakasiguro ako na isa siya sa pinagkakaguluhan kanina ng mga studiyante sa labas. Hindi ko naman ipagkakaila iyon dahil gwapo nga siya. Makisig ang pangangatawan. Maganda ang tindig, matangkad, malaki ang mga braso, mapalad ang dibdib at perpektong mukha ngunit walang silbe ang mga ingayan gayong wala naman siyang respeto at paggalang sa kapwa.
Hindi lang kasi panlabas na aniyo ang tinitingnan ko sa isang tao. Tumitingin din ako sa loob. Hindi ko gusto iyong tipo ng taong basta-basta na lang nangunguha ng libro ng hindi naman sa kaniya. Bukod doon, kaibigan ko lang ang nararapat na gumagawa noon sa 'akin at hindi ang isang tulad niyang ngayon ko pa lang naman nakita.
" lalaki." malamig na tawag ko sa kaniya na ikinatigil naman niya at lumingin ito sa akin. Hindi pa rin maalis-alis sa kaniyang labi ang ngiting iyon na talagang ikinaiinis at ikinakukulo ng dugo ko. " ang libro ko." mahinahon na wika ko at mismong mga mata ko ang nagturo sa librong hawak niya. Sandali niya muna itong tiningnan saka nakangiting tumingin s'kin. Nakahalukipkip ang dalawang braso ko habang nakasandal sa upuan at nakakross ang dalawang hita ko. Tumaas naman ang kilay ko ng ilapit niya ito sa harap ko matapos niyang isara ang libro. Sandali ko siyang pinagmasdan ng may pagdududa.
Wala akong tiwala sa ulupong na 'to. Hindi kapani-paniwala ang mga mata niya at mukha niyang manloloko. Itinuro ng mga mata niya ang libro na para bang sinasabi nito na kunin ko na ang librong iyon. panandalian ko siyang pinaningkitan ng mata saka sinubukang abutin ang libro sa kamay niya. Nangingitngit ang panga kong inikom ang kamao ko ng bawiin muli ng lalaking ito ang libro.
Malapit ko na sanang hawakan iyon ng iiwas niya ito sakin. Ramdam ko ang paggalaw ng panga ko dahil sa sobrang inis ko sa kaniya at halos umusok na ng ilong ko at mamula na ang mukha ko. Panandalian akong napatulala sa kawalan habang paulit-ulit na pumapasok sa tenga ko ang nakakairita niyang pagtawa. Tila pinapahiwatig noon na nauto niya ako.
" haha. Ano bang meron sa librong ito at busying busy ka sa pagbabasa. Hindi mo man lang napansin ang pagpasok namin dito" rinig kong wika niya. Nakita ko itong muling nakabaling sa libro. Sa cover na ngayon ng libro nakatuon ang pansin niya. Tila binabasa niya ito ng hindi man lamang inaalis ang ngiti niyang mapangasar. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaniya o maiinis.
" i love you since 1982?." basa niya sa pamagat ng libro at napakagat pa ito sa ibabang labi niya saka tumingin sakin. " hindi ko alam na mahilig ka sa mga tragic story. " nakangising saad niya at tumingin ito sa likoran ko " hindi ba't ganito rin ang mga binabasa mo jarred?" natatawang wika niya. kumunot ang noo ko at tiningnan ang direksyon kung saan siya nakatingin.
Hindi ko naman inaasahan ang pagbungad sakin ng tatlo pang nilalang sa likoran ko. Masyado nga akong abala sa pagbabasa, hindi ko namalayan na may naupo na pala sa mga bakanteng upuan dito sa likoran ko. Tumaas ang isang kilay ko ng bumungad sakin ang lalaking nakaupo sa likod ng upuan ko. Prente itong nakasandal sa kinauupuan niya habang nakaunan ang dalawa niyang braso at mataimtim na nakapikit. Nakapatong ang dalawang paa sa sandalan ng upuan ko na para bang nasa kanila itong bahay.
Isa pa ang lalaking ito, dagdag sa pagsira ng araw ko. " daniel, masyado mo namang pinipikon ang bago nating kaklase. " Nagulat naman ako ng tumayo ang isa sa kanila sa mismong tapat ko. Binalingan niya ako ng tingin at nginitian na ikinakunot naman ng noo ko.
" iyan ba ang paraan ng pageentertain sa mga baguhan. " Dugtong pa niya ng hindi inaalis ang malagkit niyang tingin sa 'akin. Medyo pangahin ang mukha nito at singkit din tulad ng lalaking nangagaw sa libro ko. inilahad niya ang kaniyang kamay sa tapat ko. " Magandang umaga binibini. Ako nga pala si reiko..... Reiko kyve wheeler. " pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. Tulad ng lalaking mang aagaw ng libro ay nakangiti rin ito sa 'akin. Wala rin akong makitang kahit na anong problema o kalungkotan sa kaniyang mga mata.
Napakapayapa lamang ng mga mata niya at napakaaliwalas ng mukha nito. Kumpara sa lalaking mang aagaw ng libro, Wala naman akong nararamdaman na inis sa mga ngiti niya. Sa totoo nga niya'y napakapormal lamang ng ngiti niya na para bang pakikipag kaibigan lamang ang intensiyon nito. Subalit, hindi ako iyong tipo ng tao na madaling magtiwala sa pakitang tao. bukod doon, hindi ko pa siya kilala.
Hindi rin ako iyong matatawag na freindly dahil bago ko maging kaibigan ang isang tao. Kinikilala ko muna ito. Tiningnan ko lang ang kamay nya at muli siyang tiningnan ng nakataas ang kilay. Natutop niya naman ang kaniyang labi at napahiyang binawi ang kamay niya dahil sa hindi ko pagtanggap dito.
tumawa siya. Isang tawang pilit. " your such a good newbie." wika niya. Mapang asar ko naman siyang nginitian pero agad ko rin iyong binawi at napunta ang paningin ko sa isa pang lalaki na nakaupo sa pang limang upuan dito sa likoran. Isang lalaking pamilyar sa 'akin. Tulad ko ay nagbabasa rin ito ng libro. Samantala, bumalik ng muli sa upuan iyong lalaking nagpakilala sa 'akin. Nanlaki naman ang mga mata ko at hindi mapaniwalang tiningnan ang librong binabasa ng lalaking iyon ng mabasa ko ang pamagat ng kwento ng libro. Hindi rin ako makapaniwala na ang librong binabasa niya ay isa sa mga akda ni binibining mia na natapos ko na ring basahin.
"Bride of alfonso" basa ko sa aking isipan habang hindi maalis-alis sa 'aking labi ang ngiti. Hindi ko alam na magkakaroon ako ng kaklase ngayong taon na mahilig sa makalumang kwento at masalimuot na wakas. Hindi ko alam pero bigla na lang akong napatitig sa kaniya. Nakaeye-glasses ito, ngunit hindi iyon nakabawas sa kaniyang kagwapuhan at kakisigan.
Maslalo lamang siyang gumwapo sa kaniyang suot na salamin. Sandali akong natigilan at panandaliang napaisip. Bigla na lamang nagsink sa utak ko ang lalaking tumulong sa 'akin kanina upang hanapin ang dean's office. Muli kong tiningnan ang lalaking nagbabasa ng libro at maige kong tinitigan ang mga mata niya. Doon ko lamang na pagtanto na siya nga iyon. Siya ang lalaking tumatakbo kasama ko upang makatakas sa mga fans niya. Siya rin ang lalaking nakamask na akala mo may pinagtataguan.
Napalingon ito sa 'akin at sandali akong tinitigan. Nginitian ko naman siya at umaasang ngingitian niya rin ako pabalik ngunit napasimangot ako ng muli siyang bumalik sa pagbabasa ng hindi man lamang tumugon sa maganda kong pagngiti. Tila hindi niya ako nakilala o talagang hindi lang niya ako pinansin. Panigurado akong kilala niya ako. Hindi naman ako nakamask sa tagpong iyon, bukod doon, matagal din ang nilagi ng paningin niya sa 'akin.
Wala na lamang akong nagawa kung hindi ibaling ang paningin ko sa lalaking nasa harapan ko na hanggang ngayon ay pinaglalaroon pa rin ang libro ko. Hindi talaga uso sa kaniya ang nakasimangot-,- sabagay pumapangit ka naman ang tao kapag lagi itong nakasimangot. Buti na lamang ako lalong gumaganda kahit na nakasimangot.
Tila gumuho ang mundo ko at nanliit siya paningin ko ng mapilas niya ang bahaging dulo ng isang pahina. Sandaling tumigil ang pagtakbo ng oras. Natigilan din siya at nabigla. Takot na takot itong tumingin s'kin habang hawak pa rin ang kapirasong papel na napilas niya sa pahina ng libro ko. Halos matulala ako sa hawak niyang kapireso ng papel habang naglalakbay pa sa utak ko ang pangyayaring ginawa niya. Isang buwan kong pinagipunan ang pinambili ko sa librong iyan.
Dugo at pawis ang inilaan ko para lang mabilis ang librong iyon. Tapos..... Tapos mapupunit lang ng hinay*pak na ito?.
Ngumiti ito sa 'akin ng pilit ng mapunta ang paningin ko sa kaniya na halos manlisik na. Panigurado akong patay na ito kanina pa kung nakakamatay lang ang pagtingin sa isang tao. " anong ginawa mo?" malamig na tanong ko sa kaniya habang nanlalaki ang mga mata ko.
Napakamot naman siya sa kaniyang ulo habang nakangiti. " sorry. Masyado kasing manipis yong-----" malakas na umalingaw-ngaw sa loob ng silid na ito ang paghampas ko ng malakas sa lamesa kasabay ng pagtayo ko sa upuan. Nagulat siya at hindi niya inaasahan ang pagasta ko ng ganoon. Mariin akong pumikit habang nakaikom ang kamao ko at pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na huwag patulan ang ugok na ito.
Ayokong biguin si tita. Ayokong unang araw ko pa lamang dito ay mapagiudance na agad ako at mapatalsik pa ako ng wala sa oras. " Hindi mo ba alam kung ano 'yang ginawa mo?" bakas sa boses ko ang pagkairita at pagpipigil ng muli ko siyang tingnan. Maslalo lang ako naiinis dahil sa ngiting ipinapakita niya sa 'akin ngayon. Parang maslalo lang niyang pinapainit ang ulo ko. " huh!!!?" hindi ko na napigilan mapasigaw dahilan ng maslalong pagkuha ko ng atensyon ng lahat.
" haha. Ang OA mo naman. Libro-----" inis akong natawa at hindi siya hinayaang ituloy ang kaniyang sasabihin." sayo libro lang yan pero para sakin masmahalaga pa yan kesa sa buhay mo!" iritang sambit ko at inis kong inagaw sa kaniya ang libro ko. Maslalo naman akong nainis ng itaas niya ang kaniyang bisig upang hindi ko makuha mula sa kaniya ng libro kong iyon.
" ano ba! Akin na yan!" nakakainis! Masyadong mahaba ang bisig niya. Kahit tumingkayad pa ako, hindi ko pa rin maabot ang libro ko na hawak niya. " ano ba 'yan. Ang pandak mo naman." pang aasar niya pa habang tumatawa at pinapalipat-lipat niya ang libro ko sa dalawa niyang kamay. Ako naman itong si t*nga pilit na sinusundan ang libro ko at sinisikap itong kunin mula sa kaniya. Kahit na alam kung mukha na akong t*nga sa ginagawa niya sakin.
Sa pagod ay tumigil na rin ako at panandaliang lumayo sa kaniya. Tiningnan ko siya ng masama. Hindi nagpatinag ang loko at nginisian lang ako. Iwinagayway pa nito ang librong hawak niya sa harap ko na para bang sinasabi niyang hindi ko makukuha ang librong iyon kung masyado akong pandak.
" ano ba kasing kailangan mo at ako ang pinagtritripan mo?" iritang bulyaw ko sa kaniya. Muli na naman siyang natawa. Bumuntong hininga pa ito bago nagsalita. " hindi kita pinagtritripan. May nais lang ako malaman at kumpirmahin. Makukuha mo lang ang librong ito." wika niya at sinubukan niya uling ibot sakin ang libro at nang tangkang kukunin ko ito ay muli niya itong inilayo sa akin na maslalong nagpagalaw sa panga ko dahil sa inis. " mukukuha mo lang ito kung sasabihin mo sakin na ikaw si kelly cyton" wika nito na ikinatigil ko naman.
sandali akong natulala sa kaniya at kumunot ang noo." paano mo..." tumawa lamang ito at umalis sa kinatatayuan niya. Nakapamulsa ang isang kamay nitong naglakad patungo s'kin. Nakasunod lamang ang pangin ko sa kaniya habang pilit ko pa ring hinahanap ang sagot kung papaano niya nalaman ang pangalan ko.
Hindi ko naman siya nakikilala at nakita before. Hindi rin ako iyong tipo ng taong mabilis magbigay ng pangalan kung kani-kanino. Tumayo ito sa tapat ko at diretso akong tiningnan sa mga mata habang ito ay nakangisi. Napatingala ako ng bahagya dahil sa katangkaran nito. " i'm daniel vandelson. " pagpapakilala niya ng ilahad nito ang kamay niya sa harap ko. Tulad ng ginawa ko sa kamay ng kaibigan niya ay tiningnan ko lang din ito Saka siya muling tiningnan ng nakakunot ang noo.
" ang libro ang kailangan ko at hindi pangalan mo" malamig na wika ko at susubukan ko na namang agawin ang libro ko mula sa kamay niya ngunit bigla akong nawalan ng balanse. Hindi ko sinasadiyang mahawakan ang necktai dahilan ng paghila ko dito paupo sa upuan ko. Tila Nag slowmotion ang pangyayaring iyon.
Napaupo ako sa upuang inupuan ko lamang kanina at napansandal dito habang siya naman ay kusang napalapit sa 'akin at bahagya niyang naitukod sa may bandang gilid ko, sa sandalan ng upuan ang isa niyang kamay. Tila parang isang malaking jollen ang mata ko dahil sa pagkabigla. Napakalapit ng mukha niya sa 'akin habang hawak ko pa rin ang necktai niya. Sandali kaming nagkatitigan sa isa't- isa habang nakangisi siyang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Bigla naman akong kinabahan ng bumaba sa labi ko ang paningin niya. "Hindi ko alam na nais mo pala akong titigan sa malapitan. " mayabang na saad niya at muli itong tumitig sa mga mata ko. Tila nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya at napaangat ang sulok ng labi ko sa inis. Hindi ako mapaniwala sa kapal ng mukha niya. " ginawa mo pang daan ang pagkunwaring nawalan ng balanse para lamang mapalapit s'kin. Huwag kang magaalala, hindi mo na kailangang gawin iyon dahil unang kita ko pa lamang sayo agad ng napalapit ang puso ko sayo" banat niya na ikinabuga ko ng hangin. Gusto kung masuka sa kakornihan niya.
Magsasalita na sana ako para buweltahan siya ngunit may nakaunan na sa 'akin. "d*mn! Pwede ba daniel itigil mo na yang kabaliwan mo????! How It is hard to give that f*cking book in that stupid girl?" napunta ang paningin niya sa likoran ko. Gusto ko mang tumingin din sa likoran ko at tapunan ng masamang tingin ang lalaking iyon ngunit masyadong malapit ang nilalang na nasa harapan ko.
TINATAHAK ko ngayon ang daan patungong gymnasuim. Matapos ang kalbaryo ko sa silid na iyon. Hindi pa man oras ng paglabas ng silid ay agad na akong umalis doon. Hindi rin naman kasi dadating ang guro namin sa unang klase kaya't umalis na lamang ako upang hindi ko na makasalamuha pa ang pangahas na lalaking pumunit sa libro ko.
Napagpasyahan kong libutin muna ang Xen University at alamin ang pasikot-sikot dito. Kakaiba rin ang schedule nila dito. Sa bawat building na naandito sa XU ay may mga nakapaskil na seksyon sa itaas. Tulad na lamang ng building na pinanggalingan ko kanina. 'Brixerdon section'. Sa bawat silid na naadoon ay my nakalagay sa pintuan na isang subject. Naandoon ang sceince,math,pilipino,mapeh at iba pang subject na pagaaralan namin sa buong taong ito.
Kumbaga matapos ang unang subject ay papasok kami sa susunod na klase. Palipat-lipat din ng silid ang bawat guro. Wala silang permanenteng silid kung hindi ang kanilang faculty room. Nalaman ko rin na araw-araw pala ang PE dito. Hindi na ako nagtaka kung bakit napakadaming building sa paaralang ito. Hindi ko nga alam kung paaralan pa ito o city.
Medyo mahirap ang patakaran nila dito dahil hahanapin pa namin ang susunod na subject na nakaschedule samin. sa isang building kasi ay apat na palapag kaya't sa bawat palapag ay doon mo hahanapin ang susunod mong silid na papasukan. Natigil ako sa tapat ng isang malaki at medyo may kaparan na gusali, napangiti ako ng mabasa ko ang nakasulat sa taas ng building na ito.
" bexton gymnasuim" natagpuan ko rin ang unang distinasyon ko. Nagtungo na ako sa loob, ngunit na pahinto ako sa isang medyo may kalakihan na makina sa gilid ng pintuan ng gym. Nakasulat sa taas noon na hindi maaaring makapasok ang walang ID. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil wala pa naman akong ID. Kailangan kong itapat sa maliit na scanner ang ID upang makapasok ako.
Nagtungo na lang ako sa farewell garden. sikat iyon dito, nakita ko ang lugar na iyon sa internet ng magsearch ako tungkol sa paaralang ito. Sa bawat
Kanto ng XU ay may nakikita akong nakapaskil sa pader na mapa kaya't hindi ako nahirapan hanapin ang lugar na iyon. Bukod doon, ang bawat building na nadadaanan ko ay may mga nakapaskil na pangalan sa itaas.
Sandali muna akong napahinto sa paglalakad ng mapadaan ako sa film studio. Isa itong maliit lamang na gusali kung saan ginaganap ang lahat ng even. Hindi ko alam pero may isang dahilan kung bakit napahinto ako sa tapat nito. Bigla na lang kasi akong nakarinig ng isang magandang tunog. Tila may nagpipiano mula sa loob ng gusaling ito.
Nakita ko na lang ang sarili ko na dahan-dahan ng naglalakad papalapit sa malaking pintuan na nababalutan ng silber. Napaganda, gumagagaan ang pakiramdam ko sa musikang nililikha ng painong iyon. Tila hinehele ako nito sa himpapawid. Kasabay ng pagtunog noon ang pagtugon ng puso ko. Nakita kong nakaawang ang pintuan kaya't rinig mula dito ang nangyayari sa loob. Sumilip muna ako sandali, napakadilim ng loob.Tanging isang liwanag lamang na nagmumula sa unahan ng stage ang makikita.
nanlaki naman ang mga mata ko at napahawak sa bibig ng masumpungan ko kung sino ang nagpapaino sa stage na iyon. Ang lalaking nakamask at tumulong sakin kanina. Hindi ko na naman mawari ang sarili, tila may sariling buhay ang katawan ko dahil nakita ko na naman ang sarili ko na pangahas na pumasok. Tulala lamang akong nakatingin sa kaniya habang patuloy na pinapakinggan ang pagpiano niya.
Nakapikit ito habang mataimtim niyang ginagalaw ang kaniyang mga kamay. Tila damang-dama nito ang pagpipiano. Napahawak ako sa bandang dibdib ko sa kadahilanang wala na naman itong humpay sa pagtibok. Hindi ko rin alam kung bakit bumibigat ang pakiramdam ko habang pinapakinggan ang magandang tugtuging iyon. Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siya sa malayo at dinadama ang pinapahiwatig ng musika.
hindi ko maipagkakailang maslalong lumabas ang kagwapuhan niya habang nakaupo sa malaking pianong iyon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang pinapanood ko siya, kitang-kita ang napakatangos niyang ilong habang nakaside-view ito. Hindi ko na namalayan kung gaano na ako katagal nakatitig sa kaniya. Natauhan na lang ako ng matapos na ang pagtutug niya.
Balak ko sanang maupo sa kinatatayuan ko at magtago sa likod ng mga upuan na kaharap ko upang hindi niya ako makita kaso, tila napako ako sa kinatatayuan ko ng mapatingin siya sa direksyon ko. Hindi ko alam kung ano bang dapat na gawin ko. Nagtatalo ang isip at puso ko. Balak ko na lamang sanang tumalikod at lumabas ng lang ulit kahit na alam kung nakita na niya ako kaso maslalo lang akong nataranta at natigilan ng tumayo siya at maglakad pababa ng stage.
Mariin akong napakapit sa bulsa ng unform ko. Hindi ko na rin magawa pang makahinga ng ayos dahil sa kaba at idagdag pa ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Habang papalapit siya ng papalapit sa 'akin, palakas naman ng palakas ang kabog ng dibdib ko.
Napatingala ako sa kaniya ng makalapit na ito sa 'akin. Gusto ng umatras ng paa ko ngunit parang may pumipigil lamang dito. Panandaliang bumagal ang pagkabog ng puso ko ng masilayan ko ang pagngiti niya. Isang ngiting nagpatunaw sa puso ko. " your are miss kelly cyton rigth?" panimula niya na dahan-dahan ko namang iginawad ng tango.
" i'm jarred" inilahad niya sa harap ko ang kamay niya. " jarred van delson" pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. Nakatingin lang ako sa kamay niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong tanggapin o hindi. Nagdadalawang isip ako. Hindi ko na maintindahan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nanlalabot ako at kinakabahan.
" hindi mo rin ba tatanggapin ang kamay ko tulad ng ginawa mo sa dalawa kong kaibigan?" natauhan ako at napatingin sa kaniya. Nakalahad pa rin ang kamay niya at naghihintay sa pagtanggap ko sa kaniya. Sa huli ay nginitian ko siya ng pilit at tinanggap din iyon.
" hindi na ako magpapakilala mukhang alam mo na naman ang pangalan ko." wika ko at muli na namang nagtama ang mga mata namin. Hindi ko alam pero kahit na panadalian lamang ang pagtitig na iyon ay pakiramdam ko ay napakatagal ng pagtitigan namin.
Siya ang unang umiwas ng tingin at bumitaw sa paghawak sa kamay ko. Parehas kaming tumawa ng may pagkailang habang ako ay nakayuko at Pinaglalaruan ang kamay ko. Napakagat pa ako sa ibabang labi ko upang pigilan ang ngiti ko. Isang ngiting hindi ko maipaliwanag.