STELLA POV Natapos na kami sa bukid at naka punta na kami sa aming munisipyo. At ang masasabi ko na isang napaka good news ay matutuloy na sa wakas ang kasal namin ni Joel. Gaganapin na ito sa darating na Wednesday at may dalawang araw pa kami upang makapag handa sa napipintong kasal namin. Sana sa pag kakataon na ito ay wala nang maging aberya pa sa kasal namin. Wala nang humadlang pa dahil gusto ko nang mag isang dibdib kami ng lalaking pinaka mamahal ko. Ang saya saya ko sa mga sandaling ito. Para akong nasa alapaap nang matapos ang lakad namin sa munisipyo kanina. Iba ang saya, basta, ang hirap nitong ipaliwanag. Mas lalo pa akong na in love sa boyfriend ko. Mag kaholding hands kami ngayon habang nag lalakad kami papunta sa palengke. Plano namin na bumili ng mga handa para sa am

