STELLA POV Nang marinig ko naman na nag bukas ang pintuan kaya sa taranta ko na rin ay nilagay ko kaagad ang lahat ng mga pera ko sa bag at ipinatong ito sa upuan ulit. Binuksan ko ng mabilis yung lock ng pintuan at mabilis din akong humiga at tumagilid. Ilang sandali pa ang nakalipas ay narinig ko nang nag bukas ang pintuan. Alam kong si Joel ito at wala nang iba pa. Nalungkot ako dahil naalala kong hindi na nga pala ako virgin. Isa pa itong napaka laking dagok ngayon sa buhay ko. Ngayon lang sumasagi ang ganito ulit sa utak ko. Narinig kong nag sarado ang pintuan at naramdaman kong may yumakap sa likod ko. "Wag mo akong hihilikan ng malakas Stella ha? Alam mo namang hindi ako makakatulog kapag malakas ang hilik mo. Ang lakas mo pa namang humilik, sila mama nga ay nagrereklamo din

