STELLA POV Ngumiti ang boyfriend ko. "Pangako ko sayo, mag papahinga lang ako ng saglit at magiging maayos din ang pakiramdam ko. Basta wag kang aalis dito sa bahay ha? Ang daming mga chismosang nagkalat sa labas. Ang sarap nga nilang patulan ngunit mas maganda parin kung mananahimik tayo." Pumasok na sa loob ng kwarto si Joel at natulala ako ng ilang mga sandali. Nag aalala ako, ang lumanay ng pag sasalita ni Joel at maputla ang kanyang mukha. Matamlay ang kanyang mga mata na para ba siyang magkakasakit. Hindi na ako mapakali pa. Papasok sana ako sa pintuan ngunit pag hawak ko sa door knob ay naka lock ito. Kumatok ako upang pag buksan ako ng pintuan ni Joel pero tumayo si tita Maicy at pinigilan ang kamay ko. "Hayaan mo na si Joel. Madalas siyang nagiging ganito kapag may narinig

