STELLA POV "Ate Stella, wag kang mag alala kasi mas lalo pa akong gaganahan sa trabaho kong ito kasi mayroon na akong bagong bisikleta kaya taos puso akong nagpapasalamat sayo na binilhan mo ako. Akala ko noong una ay kuripot kang babae pero nag bago kaagad ang isip ko nang bilhan mo ako nito. Pramis ko, mag sisipag talaga ako at iingatan ko ito. Yung bisikleta kong maraming kalawang ay ibebenta ko na kaagad!" "Oo na, ang dami mo pang sinasabi Jonas. Pero mas bibilib ako sayo kung gagawin mo ang sinasabi mo. Alam mo naman siguro na ayaw ko ng puro salita, dapat ay may gawa. Sige na bago natin bilhin yan ay i check mo muna kung yan ba ay gumagana. Baka mamaya ay mayroong diperensya ang bisikletang yan eh." "Sige ate!" Habang tinitingnan niya ang bisikleta, ako naman ay kumukuha na ng pe

