STELLA POV Ang saya saya ko. Grabe, halos maiyak nga ako sa muli niyang pagkagising. Sobrang tagal na panahon ko itong hinintay. "Sige na Stella, iiwan ko muna kayo dito ni Joel upang makapag usap kayong dalawa. Bibili muna ako ng pagkain natin dahil alam kong nagugutom na kayong dalawa." Buti naman at iniwan na kami ni tita dito. Nginitian ko lang siya at pag alis niya at sinarado ko ang pintuan. Ito na ang tamang panahon upang makapag usap kami ng masinsinan ni Joel na hindi ko nakausap ng mahabang panahon. Nag tinginan kami. Hindi ko alam kung sino ba ang unang magsasalita sa amin. Marami akong mga gustong sabihin sa kanya at alam kong marami rin siyang mga gustong sabihin sa akin. "Stella, napansin ko na medyo tumaba ka ha? Ang dami mo na sigurong nakaing mga masasarap na pagkai

