STELLA POV Parang gusto ko ngang sumang ayon sa sinasabi ni Joel eh. Madalas naman talagang nakikihalubilo si tita doon sa mga kapitbahay naming mga marites at malamang ay Isa ako sa mga naichismis na siya. "Hoy Joel oo sabihin na natin na noon ay nakikihalubilo ako sa kanila pero matagal na ito at masasabi kong nag bagong buhay na ako. Malayo na ang ugali ko sa dati. Marami akong mga napagtanto sa sarili ko noong ikaw nasa hospital. Maniwala ka sa akin, tinanggal ko na ang pagiging marites ko at Isa na akong napaka buting tao." Natawa pa rin si Joel sa sinabi ng mama niya pero ako, naniniwala naman ako na talagang nag bago na siya. Sumalo na rin sa amin si Tito Henry at nang kakain na kami ay biglang nag bukas ang pintuan. Lumingon kami at nakita namin si Jonas. Ewan ko ba kung baki

