STELLA POV "Kuya Jobert, nagpapasalamat po ako sa laki ng itinulong niyo para maka alis ako doon kaya tanggapin niyo sana itong perang ibibigay ko." Napalingon siya sa likod at kinuha niya yung tatlong libo kaagad sa kamay ko ng walang pag aalinlangan. "Sige Stella, mag ingat ka at sana ay ilabas mo ako dito kapag nagkaroon ng gulo sa pagitan niyong dalawa ng boss ko. Mahal ko ang trabaho ko at ginawa ko ito sayo dahil nag mamalasakit ako." "Sana po ay dumami pa ang taong kagaya niyo, ingat po sa pagmamaneho pabalik." Bumaba na ako at umalis na ang sasakyan niya. Kumaway pa nga ako para mag alam pero hindi ko alam kung napansin niya ito. Tumuloy na ako sa loob ng airport at nag book na ako ng flight patungo sa tacloban. "Ma'am, pwede po ba akong mag book ng flight ngayong araw din

