CHAPTER 2

1013 Words
STELLA POV "Hello po tita Belen?" Excited na sambit ko sa kanya, napangiti pa nga ako. Medyo lumaki ang katawan ni tita. Tila ay masasarap ang mga pagkain nila dito sa Manila. Lumapit siya sa akin. "Stella! Ang laki laki mo na talaga! Lalo ka pang sumexy!" Maligalig niyang sagot habang papalapit sa akin. Nagyakapan kaming dalawa rito kasi mahigpit sampong taon din kaming hindi nagkita. Maliit pa ako noong iniwan niya ako sa pamilya ng boyfriend ko na itinuring akong parang pamilya. Mabait din naman itong si tita Belen na pinsan ng mama ko. "Masaya ako na nakarating ka ng Manila. Alam ko na pangarap mo ito eh!" Kumalas ako sa yakapan namin at napatingin ako sa kanya ng nakangit. "Tita, sobrang pangarap ko po ito at labis akong nagpapasalamat na ipinasok niyo ako kaagad sa trabaho. Baon na kasi kami sa utang sa probinsya dahil sa biglaang pagkaka comatose ni Joel. Nag aalala na ako, kasi usap usapan sa bahay na ibebenta nila yung farm nila para lang makapag bayad po kami ng utang." Hinawakan niya ang palad ko at nilagyan ng ngiti ang kanyang labi. "Magtiwala ka, hindi kita bibiguin Stella, kausap ko ang magiging amo mo at bukas din ay dadalo tayo sa birthday party niya na gaganapin mismo sa mansyo niya." Nag alangan ako sapagkat tinablan ako ng hiya bigla. Mas pinangarap ko pa na mag suot ng pang yaya na damit kaysa sa gown. Malamang magarbo ang magiging birthday ng amo ko at marami siyang mayayaman na mga bisita. "Oh? Bakit parang hindi maipinta ang mukha mo ha? Ayaw mo ba nun? Magsusuot ka ng dress at magme make up ka. Ni isang beses nga ay hindi mo yan nagawa sa probinsya. Kaya bakit ka nakasimangot?" "Tita, kasi po nahihiya ako sa amo ko. Mas gugustuhin ko pa po na mag suot ng apron kaysa sa dress. Pakiramdam ko ay hindi po ako bagay sa ganoong klase ng okasyon," nahihiyang sabi ko pa sa kanya. Kumunot ang noo ni tita Belen. "Ano ka ba Stella? Ano ang dapat mong ikahiya? Pare parehas lang naman tayong tao. Kung ano ang kinakain natin ay siya ring kinakain ng boss natin. Parehas tayong tumataeng lahat. Mabait ang boss nating si Mr. Simon na nag iisang tagapag mana ng kompanya nila. Hindi ko pa siya nakikita ng personal pero maayos ang pag uusap namin. Halikan sa loob, ipapakilala kita sa asawa ko at mga anak niya." Pumasok kami sa loob at nakita ko kung gaano kagulo rito lalo na sa lamesa. Puro kalat ng mga bote ng alak, mga balat ng chichirya at basyo ng sigarilyo. Hindi ganitong babae si tita Belen, malinis siya sa bahay niya at galit siya sa mga tao g madudumi. Kaya nakakapagtaka na ganito karumi ang bahay niya. Pinaupo niya ako sa sofa at naupo siya sa tabi ko. "Pag pasensyahan mo na ha? Nagka inuman kasi ang asawa ko at ang mga kaibigan niya dito. Lasing ang asawa ko at natutulog na sa taas. Bibili sana ako ng sabon para makapag hugas ako ng mga pinggan pero dumating kang bigla. Akala ko kasi ay gagabihin ka ng punta mo dito eh," pag papaumanhin pa ni tita. "Tita, akala ko po ay away niyo nang mag asawa pa?" "Ano ka ba Stella? Ayaw ko naman na tumanda akong dala. Si Berto ang tumulong sa akin upang makaluwas ako ng Manila. Mahal ko siya at ang mga anak niyang dalawa. Wala pa kaming sariling anak pero ang mahalaga rito ay mahal namin ang isa't Isa. Sorry nga pala sa nabalitaan ko tungkol kay Joel. Ano ba kasi ang dahilan ng pagkaka comatose niya?" "Tita, dalawang buwan na po ang nakakaraan nang maaksidente siya sa motor. Pinahilot lang po namin siya kasi kapos talaga. Ang buong pag aakala namin ay simpleng halos ang natamo niya pero lumabas na matindi pala ang pinsala sa kanya noong gawan siya ng ecg ng doctor." "Ang hirap pala ng dinanas niya," muli siyang ngumiti, "Subalit wag kang mag alala sapagkat mabait ang magiging amo mo at tutulungan ka niya sa problema mo." "Eh kaylan po ba ako mag sisimulang mag trabaho sa mansyon ng amo ko? Gusto ko nga sana, kung pwede ay sa lalong madaling panahon na po upang makapag padala ako kaagad ng pera sa mama ni Joel." "Bukas kapag natapos ang party, natitiyak ko sayo na magsisimula ka nang magtrabaho. Siya nga pala, kumain ka muna at mag pahinga ka. Alam ko na pagod ka sa biyahe mo." "Tita, wala pong problema. Nakaupo lang naman ako sa airplane kanina at naka idlip ng kaunti. Tulungan ko na po kayo sa pagliligpit ng kalat." Nag ngitian pa kaming dalawa. Nag ligpit kami ng kalat sa lamesa at bigla kaming nakarinig ng pag bukas ng pintuan sa tapat na kwarto namin. Lumabas Ang isang matandang lalaki na malaki ang tiyan at walang saplot sa itaas na bahagi ng kanyang katawan. Marami siyang tattoo sa dibdib at magkabilang mga braso niya at namumula sa kalasingan. Natatakot ako sa ganitong lalaki, sa laki ng mga kamao niya, baka isang suntok lang ay ma comatose na din ako. "Oh sino yan?" Tanong niya kay tita Belen. "Berto, pamangkin ko nga pala, si Stella, dito muna siya matutulog ngayon. Galing siya ng Tacloban at mamamasukan nilang kasambahay sa mayamang negosyanteng nakilala ko sa peysbuk." Tiningnan ako ng lalaking ito mula ulo hanggang paa. Tumindig ang balahibo ko sa kaba, tila ay mukhang manyakis ang lalaking ito at napakagat pa talaga siya sa labi niya. Bakit ganito ang napili ni tita para sa sarili niya? Wala akong tiwala sa unang tingin ko pa lang. Napalingon pa ako kay tita Belen at nakita ko ang nagkukubling takot sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko ay marami nang pinagdadaanan si tita sa bahay ng kinakasama niya. "Berto, magpahinga ka muna sa kwarto, dadalhan na lang kita ng alak kung gusto mo." Nanginginig pa ang boses ni tita. Alipin din siya ng asawa niya. "Ipagluto mo ako ng makakain!" Pag uutos ng asawa niya na pumunta sa sala at naupo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD