STELLA POV Ang hirap ng nasa ganitong sitwasyon. Masaya naman ako na lumayo siya sa mapanakit niyang asawa pero niloko niya pa rin ako at masakit ito para sa akin. Hinawakan ako sa balikat ni Mr. Simon. "So ano na? Wala dito ang tita mo. Malamang ay planado na niya ang lahat. Umalis na tayo sa lugar na ito. I don't want to waste my time here." Mabigat pa ang loob ko pero pinilit ko pa ring mag lakad. Pumasok na kami ni Mr. Simon sa loob ng taxi at napasandal ako sa kanya. Tulala pa rin ako sa mga nangyari. "Teka nga Stella! Come to think of it, parang napansin ko nga na may pasa sa mukha ang tita mo nitong nakaraang araw na hinatid ka niya sa akin. At sa hitsura ng lalaking yun kanina, parang siya yung tipo ng tao na hindi gagawa ng tama eh!" "Tama po kayo, madalas po siyang sinasa

