STELLA POV "Nanjan na pala si sir, mamaya na tayo mag usap." Pagkasabi niya nito ay lumingon ako sa pintuan ng sasakyan at nakita ko si Sir Simon na paparating. Mayroon siyang dalang bulaklak sa kanyang kanang kamay. Nginitian niya ako at napangiti ako sa matamis niyang smile. Ang hirap na hindi mahawa sa ngiti niya. Pumasok na siya sa loob at napatingin ako sa dala niyang bulaklak. Ang ganda nito at mayroon pang nakalagay na get well soon. Ang bango rin ng fresh na bulaklak pero hindi ko alam kung ano ang tawag dito. At nagulantang ako sa presyo, nasa isang libo na yung ganito kaliit na bulaklak. Nakakaloka, samantalang sa probinsya, susungkit lang kami ng bulaklak na dinadala namin sa hospital kapag bumibisita kami kay Joel. Sinampal na naman ako ng kahirapan. Yung isang libo na p

