STELLA POV Pinipilit ko na lang siyang pakisamahan sa mga sandaling ito pero wala talaga akong ganang sakyan ang lahat ng trip niya. Ang tanging gusto ko ay ang ipahinga ang aking katawan sapagkat napahiya pa ako sa harapan niya. Gusto kong umalis at magpaka pokpok, pumunta doon sa sinasabing lugar ni Mylene dahil ano pa ang ikinakahiya ko? Wala na akong iniingatan at wala na akong pag kakaiba sa ibang mga bayarang mga babae. Marahil nga ay mas masahol pa ako sa kanila dahil pumatol pa ako sa isang lalaki na mayroon nang asawa. Pumasok na kami sa loob at kumain sa sala, nagpunas lang kami ng towel pero basa parin ang parehas naming katawan. Walang mga kasambahay sa paligid, lahat sila ay nasa ibang lugar ng pamamahay na ito. Dahan dahan kong nginunguya ang mga pagkain sa bibig ko, masas

