STELLA POV "Kaya nga babe. Kahit ako, suportang suportado kita sa lahat ng mga gusto mo. Patunayan mo rin ang sarili mo sa kanila at natitiyak ko na tatanggapin din nila ang desisyon mo kapag nakita nilang napabuti ka sa Manila. Baka kasi kaya ayaw ka rin nilang umalis ay dahil baka nabibigla sila sa desisyon mo at nag aalala sila sayo. Alam naman natin ang mga magulang mo, maalalahanin sila sa sitwasyon mo. Noong naaksidente ka nga, halos magunaw ang mundo nila eh." "Sabagay, tama ka rin sa sinasabi mo. Baka kaya ito ginagawa ng pamilya ko ay dahil sa nabibigla sila sa mga pangyayari. Baka ito ang dahilan kung bakit sila nag tatampo." Ngumiti siya at halata ko sa kanya na nawala ang lungkot niya. "Kita mo na? Smile ka lang, siguro i try natin na baliktarin ang sitwasyon. Ikaw ang m

