Chapter 6

2162 Words
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang napapahilamos sa kanyang mukha ang aking ama na talaga namang na disappoint sa naging resulta ng pagsugod namin sa hideout ng mga nasabing assassin. Sa ilang taon ko sa aking trabaho nangayo ko palang na disappoint ang ama ko. Parang ang sikip ng dibdib ko habang iniisip na nabigo ko ang ama ko sa unang pagkakataon. All my life naging mabuti akung anak at hindi ko siya binigyan ng sakit ng ulo pero mukhang ngayon sasakit na ang ulo nito sa unang pagkakamali ko. "Bakit ka naging tanga sa ganitong sitwasyon pa Celine! Malaki ang binigay na tiwala sayo ng buong military pero nabigo ka! Ano ang ihaharap ko sa mga kaibigan ko ngayon na ang pinagmamalaki kung anak ay nabigo sa kanyang misyon sa unang pagkakataon!" mariin akung napapikit ng marinig ang malakas na sigaw ng ama ko. Wala ng sasakit pa sa sigaw ng ama ko na kahit bala ng baril na tatama sa katawan ko ay hindi ko mararamdaman dahil mas lalong nananaig ang sakit ng bawat salita ng ama ko. "I will do my best next time Dad," tanging sagot ko sa kanya habang napapakuyom ng kamao. Wala na akung ibang masabi kundi ang gawin ang makakaya ko sa susunod. Tao lang ako at nagkakamali din ako sa buhay pero para sa ama ko hindi dapat ako magkamali dahil mapapahiya siya. Alam ko naman iyon pero hindi mawala sa puso ko ang inggit sa ibang anak na magagawa nila ang kanilang gusto. "You should be Celine! Malaki ang tiwala ng military kaya gawin mo ng maayos ang trabaho mo!" sunod-sunod na tumulo ang luha ko ng lumabas na ang ama ko sa aking silid ng matapos niya akung sigawan. Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang iniisip ang lahat ng sinabi sa akin ng ama ko. Dahan-dahan akung napaupo sa kama ko habang hindi mapigilang humagulgol ng iyak. Pakiramdam ko tinalikuran ko ang bansa ko dahil sa isang mali lamang at ang lahat ng sala ay sa akin na napunta lahat. Isang pagkakamali na magpapaiyak sa akin ng husto. Sa isang pagkakamali natawag ako ng ama ko na tanga kahit pa na marami na akung ginawa para sa kanya pero sa isang mali nagawa niya akung sigawan at pagsabihan na tanga. Maingat akung tumayo at tinungo ang kama ko upang mahiga sana ng bigla akung napatigil at napatingin sa labas ng bintana. Sobrang ganda ng papalubog na araw at talagang ma-aakit ka dahil sa kulay nito. Pinahid ko ang luha ko at kumuha ng hoodie ko sabay labas ng aking kwarto. Wala naman akung duty sa campo kaya aalis nalang ako kaysa sa manatili dito sa bahay na sermon lang ng ama ko ang maririnig ko. Mahal ko si Daddy pero kung minsan sumusobra na naman ito tapos si Mommy naman kampi din ito kay Daddy. Kapag silang dalawa na ang magsasalita matatahimik ka talaga ng ilang araw. Mabilis akung bumaba sa bahay sabay kuha ng susi ng kotse ko upang umalis. Siguro uuwi ako mamaya kapag hating gabi na para tulog na silang lahat. Tinungo ko ang parking lot at kaagad sumakay sa kotse ko ng makaalis na ako. Kapag nanatili ako dito sasakit lang ang loob ko sa pamilya ko. Kung nandito lang sana ang Kuya ko malamang magkasangga kaming dalawa. Namatay kasi ang Kuya ko dahil sa mga assassin din na ito kaya kahit paano naiintindihan ko si Daddy. Kung hustisya ang ang hanap niya sa kamatayan ni Kuya ganon din ang hanap ko. Don't worry Kuya gagawa ako ng paraan upang pagbayarin sila sa mga kasalanan nila. Mabilis kung pinatakbo ang kotse ko patungo sa pinakamalapit na dalampasigan upang masaksihan ko ang paglubog ng araw. Dahil sa bilis ng pagpapatakbo ko ng kotse nakarating ako kaagad sa dalampasigan sa gitna ng kalsada kaya kaagad kung pinarada ang kotse ko at bumaba. Dahan-dahan akung umapak sa buhangin ng dagat habang hindi mawala ang paningin ko sa dalampasigan na talaga namang nagbibigay sa akin ng ligaya ngayon. Pakiramdam ko kasi wala akung kwentang tao ng nabigo ako sa mission kahit isang beses palang ito. Hinubad ko ang tsinelas ko at lumusong sa tubig hanggang sa tuhod ko. Kung minsan iniisip ko kung magkakaroon paba ako ng sarili kung pamilya ngayon na hindi magtatagal lagpas na ako sa kalendaryo. Ang mga pinsan ko may anak na at may mga babae ng gustong pakasalan habang ako kahit nagustuhan manlang ay wala. Ganon naba kasaklap ang buhay na meron ako. Nabuhay ako sa tanging goal na mapasaya ang ama ko at maging mabuting anak sa kanya. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ako magiging ganito? "Ikaw na naman Miss Beautiful?" mabilis akung napabalikwas ng may narinig akung boses at ang bumungad sa akin ay ang mukha ng mga lalaki na humingi ng pambayad sa ice cream. Wala na nasira na ng buong-buo ang araw ko dahil sa hinayupak nato! Kaagad na tinignan ko sila ng masama ng kaagad silang ngumiti sa akin at kinindatan ako. Mga gago talaga! "Your so beautiful talaga," saad ng lalaking singkit ang mata at ngumiti sa akin ng matamis sabay akbay sa katabi nitong matangos ang ilos, lahat naman sila matangos ang ilong. "Ligawan ko kay Tet," kaagad na tinaasan ito ng kilay ng tinawag niya na Tet. "Ligawan mo kung gusto mo," kinuha nito ang kamay na naka-akbay sa kanya at siya naman ang ngumiti sa akin. Tangina! "Ako nalang manligaw sayo," isang malakas na sapok ang natanggap nito sa kanyang kasama. "Mga gago! Bayaran niyo na siya ng binayad niya sa ice cream," Nameywang ako at isa-isa silang tinignan. "Feeling close kayo?" kaagad silang napatingin sa akin at natahimik. "Sinusundan niyo ako?" doon sila napatawa at kaagad na lumapit sa akin isa at akmang aakbayan ako ng mabilis kung sinalo ang kamay niya at binalibag kaya kaagad na humagalpak ito sa tubig na ikinalaki ng mata ng mga kasamahan niya. "Woahhh!" hiyaw nila ng makita nila ang kasama nila na basang-basa ng tubig. "Mali kayo ng babaeng pinagtripan," malamig kung saad at inirapan sila sabay lakad paalis sa tubig. "Panira kayo ng araw," ramdam ko ang pagtayo ng kasamahan nila na binalibag ko sa tubig habang sunod-sunod ang kanyang mura. "Putangina!" malutong na mura ng kasamahan nila at tinignan ako masama pero kaagad itong namangha na talaga namang nagpamura sa akin. "Your interesting," kaagad na napatawa ang mga kasamahan nito at itinuro ako. "Kung nandito lang si Kill malamang pinagtawanan ka!" mga hinayupak talaga! Mukha naman silang maayos na tao pero kung magsalita at gumalaw na mukha ng hayop. "Pathetic," malamig kung saad at kaagad silang tinalikuran. Narinig ko pa ang tawag nila dahil babayaran saw nila ako. Bahala sila sa buhay nila! Mas mabuti pa palang nanatili ako sa bahay kung ganito naman ang bubungad sa akin dito sa dalampasigan. Tuloy-tuloy ako sa aking kotse upang umalis na. Mabuti pa sigurong sa campo nalang muna ako pansamantala. Lumipas ang mga oras at nakarating na nga ako sa campo. Pagbaba ko palang sa kotse napapatingin na sila sa akin sumaludo. Ganito nalang ba ang buhay ko? Hindi naman pwedeng habang buhay nalang akung ganito. I also want to have a complete family. Deritso ako sa opisina ko upang hanapin na lamang ang mga nakatakas na mga assassin na dapat nahuli ko na. Kailangan ko lang siguro maging alisto sa kanila dahil hindi pangkaraniwang tao ang boss nila. Makailang beses akung naghanap ng information sa laptop ko hanggang sa may nakita ako magandang dalampasigan na maraming bato sa paligid at napapalibutan ng matatayog na puno at may malaking rest house sa dulo. Pinagmasdan ko ng maigi ang picture at kaagad na nakuha nito ang atensiyon ko. Ngunit ang sabi dito abandoned na ang beach na ito at wala ng pumupunta dito pero mukhang maayos naman ang bawat paligid nito maganda panga. Dahan-dahan akung sumandal sa upuan at pinagmasdan ang abandonadong resort. Sa hindi malamang dahilan naalala ko bigla ang lalaking nakaharap ko dati sa labas ng cafe na kulay grey ang mata. Sobrang nagustuhan ko ang kanyang mata ng time na iyon na hanggang ngayon hindi mawala sa utak ko ang mukha niya. I admit it na gwapo ito at talagang may ibubuga. Pero mukha palang hindi na mapagkakatiwalaan. Damn! Bakit hindi ba mawala sa utak ko ang mukha ng lalaking iyon! Kahit saan banda kasi naaalala ko ang mukha niya. Mukhang player kamo. Malalim akung napabuntong hininga at tumayo sa upuan ko upang lumabas muna. Wala parin akung nakitang clue tungkol sa mga lintik na assassin na iyon kahit pa na ginamit ko na lahat ng connection ko ay wala parin. Pumunta ako sa likod ng campo kung saan may ilog doon. Alam kung madilim na medyo gabi narin pero hindi parin ako nagugutom. Dahan-dahan akung umupo sa malaking ugat at sumandal sa puno nito habang iniisip naman ang sinabi ng ama ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa sinabi ng ama ko. "Pinagalitan kaba ni Tito?" marahan kung nilingon kung sino man ang nasa likuran ko at si Van pala ito. Binalik ko ang atensiyon ko sa ilog at malalim na napabuntong hininga. Ramdam ko ang pag-upo ng pinsan ko sa aking tabi. "Napahiya ko si Daddy," pagsimula ko ng salita dahilan para akbayan ako ni Van at hinimas ang likod ko. "Sa isang pagkakamali na nagawa ko nagalit siya sa akin at tinawag akung tanga," gusto kung maiyak na naman habang inaalala lahat ng sinabi ng ama ko. "Nasanay lang si Tito na palaging success ang mission mo kaya niya nasabi iyon," Pinahid ko ang luhang tumulo mula sa mga mata ko at pagak na napatawa. "Isang beses lang ako nagkamali Van pero nagawa niya akung pagsabihan na tanga, all my life wala akung ginawa kundi ang maging mabuting anak at sinunod ko ang lahat ng gusto niya pero sa isang pagkakamali naging ganito na siya. Para akung puppet na sunod ng sunod sa kanya kahit na nasasaktan na ako para mapasaya siya at hindi mapahiya sa mga kilala nito. Parang sobrang laki na ng pagkakamali na nagawa ko," hindi ko na napigilan ang sarili ko at humagulgol na ako ng iyak sa balikat ng pinsan ko. Mabuti pa sila kahit na may mga mali sila proud parin sa kanila si Tito habang ako ito parin. Heneral nga ang ama ko pero hindi ko naman magawa ang lahat ng gusto ko. Mabuti pa ang namayapa kung kapatid halos araw-araw iniiyakan ni Mommy halos araw-araw nitong binibisita ang puntod ng kapatid ko. Minsan nagseselos na ako kay Kuya na kahit patay na ito nasa kanya parin ang buong atensiyon nina Mommy at Daddy. "I'm still proud of you babe, kahit ano pa ang sabihin ni Tito sayo hinding-hindi magbabago na proud kami sayo. Hayaan mo tutulong kami sa paghahanap sa kanila kaya tumahan kana ha," sinandal ako ni Van sa kanyang balikat habang inaalo ako. Silang mga pinsan ko nalang ang kasangga ko sa mga ganitong bagay dahil sa walang pakialam sa akin ang magulang ko. Masakit man sabihin pero iyon ang nararamdaman ko. "Kung pwede lang na ipalit ko ang buhay ko sa buhay ni Kuya gagawin ko mapasaya lang sila lalong-lalo na si Mommy na halos araw-araw ang pag-iyak dahil kay Kuya na ilang taon ng namayapa. Parang hindi nila ako anak kapag iniisip nila si Kuya," napahigpit ang hawak ko kay Van na ngayon ay nakayakap na sa akin. Humagulgol ako ng iyak habang yakap-yakap ako ng pinsan ko. Hinayaan lang ako nito na umiyak habang hinihimas ang aking likod. Selos na selos ako sa mga pinsan ko na nagagawa nila ang kanilang gusto kahit pana pumalya ang mission nila proud parin sa kanila sina Tito at imbis na magtanong tungkol sa mission inuuna nila ang kalagayan ng mga pinsan ko kung maayos ba ang kagaya nila o may sugat. Habang ako kahit na may tama na ng bala ang sabi lang sa akin ni Daddy mababaw lang daw ito at kaya ko na itong asikasuhin kahit na kung minsan nasasaktan na ako ng sobra. "Sa oras na mahanap ko ang grupong iyon sisiguraduhin ko na wala akung ititirang buhay at ipapatakim ko sa kanila ang imperno!" wala na akung pakialam kung ano ang kahihinatnan ko sa paghahanap sa kanila pero sisiguraduhin kung buburahin ko sa mundong ito ang buhay nila. "Buhay ko man ang maging kapalit para mahuli sila gagawin ko!" ramdam ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni Van pero hindi ko ito pinansin. Walang makakapigil sa akin sa kahit anong gawin ko kaya humanda sila dahil hinding-hindi ko tatantanan ang buhay nila! Hindi ako magiging Captain kung magiging palpak lang ako at hinding-hindi ako nagbibiro sa sinabi ko na kahit buhay ko pa ang maging kapalit ng pagkawasak nila. I'm willing to kill my own life just to kill them!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD