Hindi ako maka-alis sa kinauupuan ko habang pinagmamasdan ang dugo ng kapatid kuna nasa kamay ko, pakiramdam ko nawalan ako ng ilaw sa buhay ng tuluyan ng pumikit ang mga mata ng kapatid ko. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil sobrang sakit at ang hirap tanggapin na ang bagong kilala kung kapatid ay wala nasa piling ko. Ngayon ko palang siya natutunan na mahalin at tanggapin bilang kapatid ko tapos sa isang iglap lang nawala na siya sa akin. Sobrang sakit! Putangina naman! Nandito kami ngayon sa kabilang hospital kung saan hinahanda nila ang katawan ng kapatid kuna dadalhin sa morgue habang ako hindi parin makagalaw at makapaniwala sa nangyari. Kanina yakap-yakap ko pa ang kapatid ko pero ngayon isa na siyang malalmig at walang buhay na tao. Iniwan na niya ako ng tuluyan, akala ko makakasa

