Hindi ko alam ang gagawin ko habang nakatingin ako sa walang malay na si Celine habang nakahiga sa hospital bed at walang malay habang may naka-kabit na mga tubo sa katawan nito. Labis akung nasasaktan habang nakikita ang mahal ko na nakaratay at walang malay. Sa balikat lang ang tama nito pero natamaan ang ibang organ nito kaya nauwi sa pagka-comatose ang kalagayan niya. Wala akung maisip o magawa dahil halos occupied ang buong utak ko dahil sa nangyari kay Celine. Hindi ko alam ang magagawa ko kay Gwyn sa oras na hindi gumising si Celine mamaya, tumakas na si Gwyn at hindi ko alam kung saan ito nagtungo. Nagagalit ako kasi bakit pumunta doon si Celine na walang kasama? Bakit siya pumunta doon na alam naman niyang sagaran ang galit ng dating buong pamilya niya. Kahit pamilya ko sila hin

