Habang nakayakap sa akin ang kapatid ko hindi ko mapigilan ang mapa-iyak ng tuluyan dahil sa emosyon na nasa puso ko, pinangarap ko noon na magkaroon ng kapatid na mahal na mahal ang kanyang kapatid at ito na iyon siguro. Nagsimula man kaming dalawa sa pagiging magka-away pero solid naman siya magmahal. “Patawarin mo ako sa mga nagawa ko sayo noon Kuya,” naluluha kung saad sa kanya habang mahigpit ako nitong niyayakap at punong-puno ng pagmamahal. “Nagsimula man tayong dalawa sa pagiging magka-away handa akung kalimutan iyon at ituring kang kapatid ko hanggang sa mawala ako sa mundong ito, kahit saan kapa ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin bilang kapatid mo. Alam kung handa kang magbago para mapatunayan sa akin na mahal na mahal mo ako at magbabago kana bilang kapatid ko,” mas

