Hindi ko alam ang gagawin ko habang hawak-hawak ako ni Nathaniel at pinipigilan na huwag makalapit sa ama kuna ngayon ay nakahandusay sa sahig at hawak-hawak ang kanyang panga na tumutulo ang dugo. Hindi kuna napigilan ang sarili ko at nasuntok kuna talaga siya dahil sa labis nitong kagaguhan at kahayupan. “Kailangan pa natin ang ama mo Kill kaya magpigil ka naman, isipin mo hindi pa nagiging si Celine kung hindi kita sinundan dito baka ano na naman ang nagawa mo,” hinila ko ang kamay kuna hawak ni Nathaniel at kaagad na nilapitan ang ina kuna hanggang ngayon hindi mawala ang gulat sa kanyang mga mata. Kaagad ko siyang hinawakan sa kamay at tinignan sa mga mata habang iniisip na kahit sa huling pagkakataon maging ina naman siya. “Nasaan si Gwyn?” tanong ko sa kanya na naging dahilan para

