Chapter 20 - Engagement Party

961 Words
Third Person's POV Magsisimula na ang Party kaya naman halatang ninenerbyos na si Trisha. Kung kanina excited siya, ngayon kinakabahan na siya. Sinabi kasi ni KC na nandun pala halos lahat ng schoolmates nila. Siguradong gulo na naman ang dala nun sa school. "Couz.. Baka awayin nila akong lahat. Anong gagawin ko. Hindi nila ako papatahimikin." Trisha. "Wag mo nga sila alalahanin. Nandyan naman si Yuan para protektahan ka." Namimilipit sa kilig na sabi ni KC. "Kung ako lang yung ganyan naku. Baka hindi pa man nagaganap ang party pinangalandakan ko na." Dugtong pa nito. "Ikaw na lang kaya." Trisha. "Sa akin na lang si Yuan?" Pang-asar na sabi nito. "Oo nga 'no? Ayoko pala. Sa akin lang si Yuan, at ayokong maging kaagaw ang closest cousin ko." Bawi agad ni Trisha. "Tara na. Naghihintay na sila sa labas." Yaya na nito sa pinsan. Lawrence's POV "Bro. Makukuha mo na ang pangarap mo. May tambayan na tayo." Excited na kami or should I say kami lang ni Yuan dahil itong si Terrence kanina pa pinagsasabihan si Yuan na itigil na nito ang plano niya. Nababakla na naman ito. "Yuan isipin mo na lang mukhang in love na sayo yung tao. Masasaktan mo siya ng sobra." Terrence. "Umamin ka nga. May gusto ka ba sa kanya?" Naiinis sa tanong ni Yuan. Kahit ako naiinis e. "Wala. Alam mo namang crush ko si Lindsay e. Kaibigan niya yun." Pag-amin nito sa amin. Grabe. Crush? Ang bakla talaga nito. "E bakit concern na concern ka sa kanya?" Sumingit na ako. Baka magsapakan pa ito ok ng ako na lang muna. Hindi naman ako yung bida sa party na ito e. "Isipin nyo na lang bro. Paano kung sayo niya gawin yun? Di ba masasaktan ka din?" Ang bakla talaga. Grabe na. "E hindi ko naman siya mahal e. Kaya hindi niya yun magagawa sa akin." Mayabang na sagot ni Yuan sabay labas sa hotel room. Sumunod na ako dahil magsisimula na din naman ang party. Trisha's POV Ito na. Simula na. Nandito ako ngayon sa harapan nila lahat. Nandito kasi ang table namin sa stage. Hindi na naman bago sa akin ito pero ngayon iba ang pakiramdam ko. Mamaya iaanounce na nila ang engagement namin. "Mommy. Bakit hindi na lang dito umupo si KC para naman may kausap ako." Tanong ko kay Mommy. "Relax okay? Mamaya pwede ka ng lumapit sa mga kaibigan mo." Mommy. "Okay. Ang tagal naman kasi." Bulong ko lang sa sarili ko. Alam mo yung feeling na kinikilig ka pero kinakabahan ka rin at the same time dahil ang sama ng tingin sayo ng mga schoolmates mo. Maya maya nagsalita na ang MC. Nakuha naman niya ang atensyon ng lahat. Katabi ko na ngayon si Yuan. Syempre kami ang bida dito kaya kami ng nasa center. Si Daddy na yung nag-uusap. Hindi ko na nga maintindihan e. Si Yuan kasi kinapitan yung kamay ko. "Alam ko kinakabahan ka. Kanina ko pa nakikita na masama ang tingin sayo ng mga schoolmates natin, pero tandaan mo poprotektahan kita." Pabulong na sabi ni Yuan sa akin. Naramdaman ko na nagblush ako. Buti na lang nakamake-up ako, hindi nila mahahalata. Si Yuan kasi e. "Tonight will going to be the best night for both Lee and our family. We would like to announce....." Tuloy tuloy lang sila sa pag-uusap. Ayoko ng pakinggan dahil natetense ako at the same time kinikilig kasi si Yuan kapit kapit ang kamay ko. Naramdaman ko lang na tumayo siya. "Tawag tayo." Sabi lang niya habang kapit ang kamay ko. Yung mga cameraman naman todo kuha sa amin. Syempre pagtayo namin magkaholding hands kami. Showbiz nga naman. Big scoop sa kanila yun. Hindi pwedeng wala silang picture. After ng lahat ng iyon kumain na kami. Hindi ko alam kung paano magsisimula dahil hanggang ngayon hindi binibitawan ni Yuan ang kamay ko. Grabe, ganito ba siya ka-inlove sa akin? "Y-Yuan.. Pwede bang sa akin muna yung kamay ko? Hindi kasi ako makakain. Right handed kasi ako." Nahihiyang sabi ko sa kanya. "Sorry." Sabay bitaw sa kamay ko. Yuan's POV Siguro nagtataka kayo kung bakit kapit ko ang kamay ni Trisha simula pa kanina. Hindi ko din alam e. Nakita ko lang na ang sama ng tingin ng mga schoolmates namin sa kanya tapos parang may sariling buhay ang kamay ko na kinapitan ang kamay niya para mabawasan ang pagka-tense. At nagulat din ako sa sinabi ko kanina, saan galing yun? Sa ngayon masayang nag-uusap ang pamilya namin. Success nga naman. Kung alam lang nila. Natapos ang gabi na masaya ang pamilya namin. Masaya din naman si Trisha at syempre ako din. May condo unit na ako bukas. "Ahm... Yuan pwede ba tayong mag-usap?" Trisha. "Okay. Ano yun?" "Pwede wag dito? Okay lang ba kung sa garden?" Parang importante kaya tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Nang nakarating kami sa garden... "Yuan..." "Ano..." Parang nagdadalawang isip niyang sabi. "Ano yun Trish? May problema ba?" "Yuan.. Gusto ko lang sabihin na salamat kanina kasi nabawasan yung kaba ko dun sa sinabi mo kanina." Trisha. "Wala yun. Syempre fiancee kita at alam ko naman na kinakabahan ka dahil nakita ko ang tingin nila sa iyo kanina. Gusto ko lang sabihin sayo na nandito ako para protektahan ka sa kanila." Ang drama ko. "Yuan.. Sana wag ka mabibigla sa sasabihin ko. Alam ko biglaan kasi nung nakaraan pinipilit pa kita na wag ng ituloy ang engagement pero ngayon masaya ako na natuloy ito kasi mahal na kita." Derederetsong sabi niya. "Sige na, una na ako." Sabay alis niya. Buti na lang umalis na siya. Hindi ko din naman alam ang sasabihin ko e. I don't feel the same. Sorry Trish. ~~~ Tapos na ang engagement... Ano kayang mangyayari sa susunod? Napiga utak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD