Chapter 48 Samantha’sPov Tahimik lang ako habang nakatingin sa mga papeles na nakakalat sa lamesa application form, affidavit, at kung ano-ano pang dokumentong kailangan para sa annulment. Ang bigat sa dibdib, pero kailangan kong gawin ‘to. Para sa sarili ko. Para sa kapayapaan ko. Tahimik si Ivy habang pinagmamasdan ako. Maya-maya ay napabuntong-hininga siya. “Sam handa ka na ba talaga dito?” malumanay nitong tanong. “Hindi biro ‘yan. Pag pipirmahan mo ‘to… wala nang balikan.” Tumitig ako sa kaniya, ramdam ko ang pag-ikot ng sikmura ko sa kaba. “Ivymatagal ko nang nilunok lahat,” mahina kong sagot. “Matagal na akong hindi masaya. At kung hindi ko ‘to gagawin ngayon mas lalo lang akong malulunod.” Umupo siya sa tabi ko, nakahalukipkip, at pasimpleng siniko ako. “Alam mo, hindi

