Chapter 62 Samantha’s Pov Habang palayo kami, unti-unting naglalaho ang anyo ni Lorenzo sa salamin pero ang galit niya, ramdam ko pa rin. Parang nakakapit sa balat ko. Parang may bantang nakabitin sa hangin. Tahimik sa loob ng sasakyan. Pero sa katahimikang iyon, malinaw ang isang bagay sa akin. Tama ang ginawa ko. Kahit mahirap. Kahit nakakatakot. Mas natatakot akong bumalik sa isang buhay na kinokontrol ako, kaysa harapin ang galit ng lalaking iniwan ko. Huminga ako nang malalim at ipinikit ang mata ko sandali. Tapos na. Pinutol ko na. At kahit alam kong hindi pa doon nagtatapos ang gulo— handa na akong ipaglaban ang sarili ko hanggang dulo. Hindi agad nagsalita si Eli tahimik lang naka upo sa tabi ko. Hinawakan niya kamay ko. Ramdam ko ang bigat sa loob ng sasakyan hindi

