" Whew! Very tough.." bulalas ni Zyrone nang tuluyang mawala sa paningin nila si Alliessandra.
Batid nyang galit na naman ang dalaga sa kanya dahil sa mga off words na nasabi nya. He just couldn't help it, talagang nainis lang sya kanina.
" LQ?" pabirong tanong ni Zyrone na ikinakunot ng noo nya. Ang gago at tinawanan lang sya.
" Type mo si Sandy, noh?" anito ulit na may pataas taas pa ng kilay. Napaka daldal lang talaga!
" Si Sandy?" bahagya naman syang natawa. San naman nakuha nito ang ganoong ideya?
" Hindi ba sya ang reason kaya nagtatagal ka dito sa hacienda ng lola mo?" si Vince naman. Isa pa 'tong usisero.
" And where the hell did you get that idea?! "
No need to answer dahil nahuli nya ang pasimpleng tinginan ng mga ito. Malamang na kay Luke nanggaling dahil sa mga kaibigan nya ay ito ang unang nakakita kay Sandy. Kahit kelan talaga, itong mga 'to, masyadong mga chismoso.
" So, hindi mo nga type itong si Miss Sandy..." ani Luke. Hindi iyon tonong patanong. More on statement. Akala mo parating nasa korte, at sya ang nililitis ngayon.
He just look at them flatly. " Kita nyo namang hindi nga kami magkasundo, hindi ba? Amasona ang babaing 'yon."
Naalala nya tuloy ang unang pagku-krus ng mga landas nila ng dalaga. Ang sungit at boyish ito kung kumilos pero ang cute lang nito tingnan at habang tumatagal gumaganda ito sa paningin nya. Hindi nya tuloy napigilan ang sarili na halikan ang dalagang hindi nya alam na noo'y kinse anyos pa lang pala. Iyon tuloy ang naging mitsa ng hindi matapos- tapos na kasungitan nito sa kanya. Kahit anong gawin nyang lapit dito noon ay tinatarayan lang sya nito. And with that, hindi nya namalayang napapangiti na pala sya.
" Tang ina dre, nakakatakot pala ang ma-inlab." ani na naman ni Zyrone na ikinabalik ng atensyon nya sa mga ito.
" Oo nga bro, nakakabaliw pala." segunda na naman ni Vincent.
Nagtawanan pa ang mga loko-loko. Palibhasa kasi mga walang magawa ang mga 'to kaya sya ang napiling pagtrip-an ngayon.
" f**k you!" aniya na lalong ikinatawa lang ng dalawa.
" Actually, I think she's sweet." si Dave na bahagyang napapailing pero pigil ang ngiti. Sinamaan nya rin ito ng tingin.
" Actually, that was the first." ani Alex na nasa likod na pala nya. Hindi nya namalayang sumunod ito sa kanya.
" The first what?!" inis na asik nya. Puro na lang kasi papuri para sa dalaga ang mga naririnig nya.
" First time na may sumagot sagot sayo ng ganon. And take note, babae pa." dugtong ni Dave.
Kung alam lang ng mga ito na hindi iyon ang unang beses na sinagot-sagot sya ni Sandy, baka lalo syang pagtawanan ng mga gagong kaibigan nya.
" Well, I know she's smart." komento na naman ni Luke.
Napasimangot sya. Bilib na bilib nga pala ito sa dalaga nung una pa lang na magkita ang dalawa sa restaurant.
" And she's pretty hot."
Lahat sila ay kay Zyrone napalingon lalo na sya na masama itong tiningnan.
" What?" painosente pang anito pero alam naman nyang iniinis lang talaga sya. " I'm just telling the truth."
" Zy's right Matty boy. Kahit mukhang boyish si Sandy, ang ganda nya, ha. "
Isa pa 'tong si Vincent. Birds with the same feather nga talaga ang dalawa. Madalas kung magkampihan.
" Yes, and I like her." nabaling kay Luke ang buong atensyon nya dahil sa sinabi nito. Bigla syang nawindang at hindi agad nakapag react.
" What?!" biglang sabi nya ng medyo mag sync-in na sa kanya ang sinabi nito.
" I said, I like her." balewalang ulit nito sabay inom sa juice na inilabas ni Nana Stella kanina.
" What the hell?! Are you out of your mind? " napainom din tuloy sya. Parang may pumintig sa ulo nya. Siguro dahil sa init ng panahon.
" Oh, bakit naman ganyan ang reaction mo?" balik tanong nito sa kanya. " Hindi ko ba pwedeng magustuhan si Miss Ramos? "
" Hindi pwede." Maikling sagot nya.
" Sa pagkaka alam ko she's still single and–"
" –bawal daw kasi ang mga babaero attorney." kantyaw ni Zyrone kay Luke.
" Gago! Pareho lang tayo." balik ni Luke kay Zy na ikinatawa lang ng huli.
" Coming from you talaga yan Zyrone?" dagdag naman ni Dave. " Eh, ikaw nga 'tong kaya sumama dito para magtago sa mga babaing huma-hunting sayo eh."
" Eh, sa anong magagawa ko? Hinahabol nila' ko. " buong kayabangang sagot ni Zyrone. " Isa pa, aminin nyo na kasi na ako talaga ang pinaka gwapo sa ating anim kaya hindi nyo rin masisisi ang mga girls kung bakit sila sa'kin nahuhumaling."
As always, nauwi na naman sa asaran ang mga ito habang sya ay patingin tingin lang dahil ang nasa isip pa rin nya ay kung paano makikipagbati kay Sandy. Dumagdag pa itong si Luke.
" So, ano bro, okay na ba itong si pareng Luke kay Sandy? " si Dave. May patapik-tapik pa ito sa balikat nya.
" 'Wag mo na syang idagdag sa listahan ng mga babae mo, Luke. " seryosong aniya.
" Possessive..." kantyaw naman sa kanya ni Vince.
" Nah, he's just jealous. " si Zyrone.
" The hell! Why would I? "
" That's new pare. Kailan ka pa naging concern sa babae na hindi mo naman kapamilya?" anito sa kanya.
Yeah, and it seems like you cared for her a lot.." seryosong sabi naman ni Liam.
Actually, bihira lang nya itong marinig na magsalita. Lalo na kung mga kalokohan lang ang usapan.
" Nagtatrabaho sya sa office ko. Hindi pwedeng madikit sya sa inyo dahil sa mga kalokohan nyo maapektuhan pati ang trabaho nya. She's our most efficient employee here. "
" Oo na bro, dami mo namang sinabi." pang-aasar ulit sa kanya ni Zyrone. "Nagseselos ka lang, eh. Aminin mo na. Sige ikaw din, baka maunahan ka pa ng iba. "
" Hindi ako nagseselos, okay?! " inis na sagot nya.
Mukhang tama nga si Alex. Minsan ay nakakapikon na din itong si Zyrone.
" Eh, kung di ka naman pala nagseselos dahil sabi mo, wala kang gusto kay pretty Sandy at hindi rin pala pwede itong si attorney, eh di si Li na lang. Good boy naman 'tong kuya ko at mukhang bagay sila ni Sandy."
Inakbayan pa nito ang kapatid at nakita nya ang pagsiko dito ni Liam kaya bahagyang napaatras si Zyrone.
" What? " angal ni Zyrone. " I saw you in the kitchen earlier with Sandy. You two talk as if you have known each other for a long time."
" Ohhh! Ang bilis, ah." si Vince. " Did you get his number? Para pwede mo syang i-text or call."
' Aba't mga gago'ng 'to! Kakakilala pa lang kay Sandy, ah.'
Nagtatanong ang tinging ipinukol nya kay Li, pero ang gago wala man lang karea-reaction. For the first time gusto nya ring mainis sa kaibigan.
________________________________________
" Talaga ba beshy? " si Kakai.
Tumawag ito sa kanya kanina at nung sinabi nyang nasa bahay sya, agad itong pumunta. Naikwento nya tuloy ang nangyari kanina. Kung gaano sya naiinis sa bipolar nyang boss dahil napahiya na naman sya.
" Oo. At sobrang naiinis na talaga ako sa kanya. Konting konti na lang magre-resign na ako." gigil na aniya habang nagsasalin ng kanin sa plato.
" Mga gwapo and yummy din ba yung mga friends ni papa M? " tanong na naman nito na ikinakunot ng noo nya.
" Kay, ano ba?!" nakabusangot na angal nya.
Kanina pa kasi sya daldal ng daldal mukhang hindi naman nakikinig itong isa na 'to at na-stack up na sa kwento nyang may mga kaibigan si Mathew na taga- Manila na narito sa hacienda ngayon.
Ang bruha at tinawanan lang sya.
" Ikaw naman kasi, masyado kang sensitive."
" Hindi ako sensitive."
" Weh?" pang-aasar pa nito. "
" Hindi nga sabi. "
" Eh, bakit may pa-resign resign ka ng nalalaman ngayon, ha? "
" Wala, naiinis nga kasi 'ko. "
" Asus! Yan bang hindi sensitive? Noon, oo. Pero pagdating kay papa M, sobrang affected ka na. Akala ko ba okay na kayo?"
Napaismid sya.
" Hindi pa man kayo may LQ na agad."
" Anong LQ ka jan!" pinandilatan nya ito.
" Hay naku, ang mabuti pa, kumain na lang tayo. Lalamig itong mga dala ko, oh."