Matamang pinagmamasdan ni Sandy ang sarili sa harap ng salamin habang inaayusan sya ng baklitang si Jessica. Kapit-bahay nya ito at may-ari ng parlor sa bayan. Naging ka-close nila ito ni Kakai dahil doon sila madalas magpagupit at dahil nga may pagkabakla din si Kakai minsan. Nirekomenda rin nila ang parlor nito kila Joan at sa mga tao sa mansion kaya naman tuwang-tuwa ito sa kanila. At dahil sobrang friendly rin nito, naging ka-close nito ang mga taga hacienda kahit na si Doña Paz. Ngayon ang ika-70th birthday ni Doña Paz. At hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala na pumayag syang ma-engage kay Mathew. Hindi rin nya maintindihan ang sarili dahil halo-halo ang kanyang emosyon ngayon. Napaka-bilis naman kasi ng mga pangyayari. Parang natulog lang sya kahapon tapos paggising n

