" Mukhang ang saya saya nyo po ngayon Doña Paz." komento ni Stella habang inilalapag ang mirienda sa lamesita.
Nasa veranda sila ngayon kung saan ito madalas at kasalukuyang pinagmamasdan ang kapaligiran. Ganitong oras kasi masarap magpahinga dito dahil hindi na maaraw at napaka presko ng hangin. Tanaw din ang ilang trabahador dito sa hacienda na masayang mga naglalakad dahil tapos na sa kanilang mga nakatalagang gawain.
" Natutuwa kasi ako dahil alam kong magkasundong magkasundo na ang dalawang bata." nakangiting sagot ni Doña Paz. Nakuha agad ni Stella na sina Mathew at Sandy ang tinutukoy ng donya.
" Oo nga ho, eh. Napapansin ko nga na bihira na silang mag-away ngayon kumpara dati na akala mo mga aso't pusa." napapangiting ayon ni Stella habang sinusundan ng tingin ang mga trabahador sa hacienda.
Hindi naman kasi nalilingid sa kaalaman ni Doña Paz sa tuwing may pagtatalo ang dalawa dahil sa mga kasambahay nila. Madalas nga ay nahuhuli pa nito ang mga iyon na ang topic ng pag-uusap ay sina Mathew at Sandy at parang mga kinikilig pa.
Parang apo na ang turing nito kay Sandy. Kung ito nga lang ang nasunod noon, legal na nitong aampunin ang batang iyon. Dangan nga lang ay si Sandy mismo ang tumanggi sa hindi nito konkretong dahilan.
"Halika, oh, tingnan mo sila. Hindi ba't ang sarap nilang pagmasdan? " ipinakita nito kay Stella ang kuha ng dalawa na masayang naglalaro sa isang arcade ng mall sa bayan. Ipinadala iyon sa Doña ng inupahan nitong sikretong magbabantay sa apo nito.
Naging alangan ang ngiti ng mayordoma pagkatapos makita ang larawan.
"Ahm, mawalang galang na ho Doña Paz, pero hindi ba ho at pinagtalunan na ninyo ni seniorito dati nung nalaman nya na pinababantayan nyo sya ng palihim?"
" I'm just worried that's why."
" Hindi naman ho sa pangingialam Doña Paz. Pero itutuloy nyo pa rin ho ba ang plano nyo tungkol sa dalawa?"
Saglit na natigilan ang Doña.
"Nakikita naman ho natin na okay na naman sila."
" Kailangan Stella." sagot ni Doña Paz na napapabuntong hinga.
" Pero sa nakikita naman ho natin ngayon, di ba, parang hindi na naman ho kailangan. Pasasaan din ho at magkakahulugan din sila ng loob. "
" Hanggang hindi ako nakakasigurado Stella–"
" Excuse me po, Doña Paz. " ani Joan na sumilip sa pintuan." Nasa baba na ho si Attorney Luke."
" Patuluyin mo na sya sa library para doon nya na ako antayin. Dalhan mo din ng makakain." ani Doña Paz.
" Opo Doña Paz. " sagot ni Joan.
Tuwing may mga sobra at napaka halagang pag-uusapan na hindi pwedeng may ibang makaalam, sa library ni Doña Paz pinatutuloy ang bisita at hindi sa opisina.
Napapailing na lang si Stella ng tumayo na din si Doña Paz para puntahan ang bisita nito. Matagal na syang naninilbihan dito sa mansion at kilalang kilala nya si Doña Paz. At sa nakikita nya ngayon, paniguradong mag-aaway na naman ang maglola at hindi maganda ang mga susunod na mangyayari dito sa mansion.
******
" Seriously? " hindi makapaniwalang tanong ni Mathew kay Sandy nang sabihin ng dalaga na stress reliever nya ang paglalaro sa arcade.
Sa arcade kasi sila nagpunta matapos nilang mamili. Mukhang good mood ang binata at sya pa ang tinatanong nito kanina kung saan nya gustong magpunta. Akala pa nga ni Mathew ay pinagti-tripan nya lang ito ng sabihin nyang doon ang gusto nya.
Kasalukuyang nasa kotse na sila ngayon pauwi. Hindi na nila namalayan ang oras. Paglabas nila ng mall ay nagulat pa sila pareho dahil madilim na.
" Oo kaya."
" Isip bata ka pa rin pala."
"Excuse me! Hindi porket gusto kong mag-arcade isip bata na agad." irap nya dito.
" Ba't ako parang lalo ako'ng na-stress tapos nating maglaro doon?"
Natawa sya nang maalala ang inis na mukha ni Mathew habang naglalaro ito sa claw machine kanina. Ang dami na kasi ng naihulog nitong tokens pero ni isa wala itong nakuha. Halos napapamura na ito tuwing dumudulas lang sa kamay ng machine ang mga premyo sa loob ng salaming kahon.
" Hindi ka pa kasi sanay kaya ganon."
" Kahit na. Waste of money lang yun. Pwedeng pwede ko namang bilhin lahat ng nasa loob non."
" Ay wrong ka jan sir.." kontra nya sa ideya nito. " Fun po ang binabayaran don sa lugar na yon. Tingnan mo nga't andaming bagets at meron din pati mga seniors na ang nagpupunta, di ba. Nandon sila para magpalipas ng oras at maglibang. Kapag binili mo yun, where's the fun in that? "
" Point taken." maikling anito habang nagmamaneho.
"Yun kaya ang madalas namin puntahan nina Jake at Kay tuwing nasa mall kami."
" Madalas ba kayong lumalabas ni Jake?"
" Hmm.. Oo. Madalas nila akong hilahin ni Kakai. Lalo kapag wala akong pasok. Nakakatanggal nga kasi ng stress. "
" So, you and Jake?"
" Huh?"
" Well, you and Jake seems very close. Noong una nga akala ko may relasyon kayong dalawa. "
Ay ang chismoso naman pala ng gwapong mama na ito.
Muli syang natawa. Ni hindi man lang kasi sumagi sa isipi nya na magiging sila ni Jake pero ang mga nasa paligid nila ay masyadong advance kung mag-isip.
" Did I said something funny? " anitong binalingan sya.
" Actually, yes." muli itong lumingon sa kanya ng nakakunot ang noo. "Nakakatawa kasi, lagi na lang may nagbibigay malisya sa pagiging close namin ni Jake."
" Ganon talaga. Kalokohan kasi yung sinasabi nilang platonic relationship. Meron at meron isa palagi ang mahuhulog."
" Well, iba kami ni Jake." kumpirmadong sagot nya.
" Okay, sabi mo, eh. " anito namang napapangiti. " Tara dinner na muna tayo bago umuwi. "
*********
" Oh, La ba't gising pa ho kayo?" humalik si Mathew sa Lola Paz nya nang madatnan nya ito sa salas.
Alas nuebe na ng gabi at Kadarating lang nya. Ginabi na kasi sila ni Sandy sa pag-iikot sa mall at hindi na nila namalayan ang oras. Pagkahatid nya dito ay dumiretso na din sya pauwi.
" Ginabi ka na apo."
" Traffic lang po La."
" Nagdinner ka na ba?"
" Ah, yes La. Tapos na."
" With Sandy?"
" Hmm... Yes?" Hindi nya alam kung o-oo o hindi, pero umamin na din sya. Pano kaya nalaman ng Lola nya? Imposible namang kay Sandy nanggaling kasi sikreto nga dapat yun dahil regalo para kay Lola Paz naman ang binili nila pareho.
" Can we talk, apo?"
Saglit syang nag-isip kung ano kaya ang pag-uusapan nila? Di yata at parang ang seryoso ng Lola nya ngayon.
" Yeah, sure. " Umupo din sya sa tapat ng kinauupuan nito.
" About Aliessandra." anito at naging alangan ang ngiti nya at nakaramdam sya ng kaunting kaba.
" And what about Sandy?"
" I am glad to know na magkasundo na kayong dalawa." Simula nito. " Pero, Mathew, apo, hindi naman lingid sa kaalaman mo kung gaano ko pinahahalagahan ang batang 'yon, hindi ba?"
" I know La." sagot naman nya. "So, where is this conversation leads to?"
" Apo ano'ng plano mo kay Sandy?"
" Plano?" nagulat sya sa tanong ni Doña Paz. "Ano'ng plano Lola? "
" Alam ko'ng nagpupunta ka sa kanya at ngayon ay maghapon kayong magkasama–"
" –Pinasusundan nyo na naman ba ako?" putol nya sa sinasabi ng lola nya.
Madaling mag-init ang ulo nya sa kaalamang hanggang ngayon ay pinasusundan na naman pala sya nito. Sa lahat pa naman ng ayaw nya ay yung ganito. Yung wala na syang privacy at minamanipula ng iba ang buhay nya.
Kaya nga mas pinili nyang mag-aral sa ibang bansa noon at mag-isang manirahan sa Maynila para makalayo sa pagmamanipula ng mommy nya at lalo na ni Doña Paz.
" Just answer my question Lucas Mathew!"
Ngayon dadaanin na naman sya nito sa pagalit na tono para masunod ang gusto nito.
" Wala akong ginagawa kay Aliessandra, okay? At wala din akong plano na kahit ano sa kanya kung 'yan ang iniisip nyo!"
"I just don' t want her to get hurt, apo."
Tinititigan pa sya nito na parang hindi naniniwala. Yun ang masakit, dahil alam nyang ang sarili nyang Lola pa ang walang tiwala sa kanya at mas nakikita nyang mas concern pa ito sa iba kaysa sa kanya.
" Fine!" aniya out of frustration. " I just asked her to come with me.. because of this."
Inilagay nya sa ibabaw ng center table ang paperbag na naglalaman ng regalo nya para kay Doña Paz.
" I should have give this to you next month, on your birthday." With that, he turned around and walked to his room.
Hanggang ngayon, ang hirap pa ring i-please ng Lola nya. Pinagbigyan na nga nya ito nung hilingin nito sa kanya na umuwi sya dito at pamahalaan ang hacienda. Pero bakit ngayon ay parang kulang pa rin? Wala ba tala itong tiwala sa kanya?