Halos tatlong taon na ang nakalilipas ay mababakas pa din sa kaniyang alaala ang mga sandaling pinagsamahan nila ni Jacob. Tulala niyang pinagmamasdan ang mga ulap na kaniyang nakikita, kasabay ng hanging dumadampi sa kaniyang mukha. Hindi niya alintana ang pagod mula sa nagdaang araw, matapos na magtagumpay siya sa isang kaso. Ininom niya ang natitirang alak sa kopita at nagtungo sa isang walk-in closet na kalapit lamang niya. Isa-isa niyang pinili ang mga dress nito sa closet at isang black backless dress with slit sa gilid na above the knee ang kaniyang napili na talagang agaw pansin sa kaniya kapag ito ay suot niya. Humarap siya sa salamin habang pinakatitigan niya ang kaniyang sarili kasunod nang pagtulo ng kaniyang mga luha mula sa mapupungay niyang mga mata. Nangangatal man ang kaniyang mga kamay ay pinilit niyang kuhanin ang pulang red lipstick sa kinalalagyan nito. Subalit isang magkakasunod na katok ang naririnig niya mula sa labas ng kaniyang silid.
“Aliyah, anak! Buksan mo ang pinto, maaga ka pa ngayon sa unang trial mo sa bagong kasong hinahawakan mo, 'di ba!” tanging wika ng kaniyang ama.
Subalit parang manhid lamang ang bawat boses na naririnig niya sa labas ng silid. Matapos ang kaniyang pag-aayos sa sarili ay kinuha niya ang itim na small and flat rectangular case na pinaglalagyan niya ng mahahalagang dokumento. Binuksan niya ito at muling binasa nang paulit-ulit ang mga dokumentong kaniyang natanggap mula sa kaibigan. Batid nito ang galit at sakit sa puso niya na kahit gustohin man niyang isa-isahin sirain ang mga papel na hawak niya ay hindi nito magawa. Mas lalong tumulo ang mga luhang kanina pa nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang mga mata at kasunod nang pagtapon ng mga papel na hawak niya. Kasabay ng malakas na sigaw nito ay ang paghagis at pagkabasag ng mga bagay na nakikita nito sa loob ng kaniyang silid.
“Magbabayad ka!” malakas at madiin na tinig ni Aliyah.
“Ikaw ang dahilan, kung bakit siya nawala? Natitiyak 'kong mabubulok ka sa kulungan at pagdudusahan mo ang mga nagawa mo kasalanan!” bulaslas ni Aliyah at dahan-dahan na pagluhod nito sa katabing kama na kaniyang kinaroroonan, habang nakikita niya ang mga basag na bagay at mga dokumentong nagkalat sa sahig.
“Aliyah, anak! Pakiusap buksan mo ang pinto!” hindi mapakaling tinig at sunod-sunod na katok ni Tatay Randy.
“Please, lang Jacob. Bumalik ka na!” wika nito na halos itakip ni Aliyah ang dalawang kamay sa kaniyang mukha.
“Gagawin ko ang lahat, makuha ko lang ang hustisyang nararapat sa'yo,” kasabay ng mga binitawan niyang salita ay ang malakas na pagbukas at pagkalabog ng pintuan sa kaniyang silid.
“Aliyah, anak. Tama na!” wika ng kaniyang ama.
“Hindi mo, ako naiintindihan Papa! Masakit para sa akin na mawala siya ng dahil sa taong 'yon!”
“Anak, wala na tayong magagawa dahil kahit buksan mo pa ang kaso niya ay hindi na maibabalik nito ang buhay ni Jacob.”
“Kaya mo ba sinasabi 'yan Papa, dahil wala akong k'wentang abogado gano'n ba!” wika ni Aliyah sa maluha-luha niyang mga mata.
“Aliyah, noon pa man ay humahanga na ako sa galing at kakayahan mo. Subalit may mga bagay na dapat nating tanggapin kahit na ito'y masakit.”
“Hindi Papa, hindi ko matatanggap na gano'n na lang ang mangyari sa kaso ni Jacob! Hahanapin ko ang may sala at hindi ako titigil hanggang 'di ko nakikita o, natatagpuan ang taong gumawa noon sa kaniya,” wika ni Aliyah at kasunod nang pagtayo niya ay ang pagpulot ng mga dokumentong nagkalat sa sahig habang mabilis niyang nilisan ang kaniyang silid.
“Nanginginig ako sa galit habang dala-dala ko ang itim na bag na aking hawak. Akala ko ay makakaya ko nang kalimutan ang lahat ngunit nagkakamali pala ako,” ani ni Aliyah.
Kaagad itong sumakay ng kaniyang sasakyan at ini-start ito, na tila ba walang makapipigil sa paghawak ng kaniyang manubela. Habang sunod-sunod na text messages ang kaniyang natanggap mula sa kaniyang kaibigan.
“ Where are you? Please, respond,” unang mensaheng nabasa niya.
Mabilis nitong dinampot ang kaniyang cellphone at kaagad nag-dial ng numero habang ang kaniyang sasakyan ay matuling binabaybay ang kalsada.
Ngunit sa 'di inaasahan ay isang paparating na kotse ang hindi man lang niya napansin, kasabay nang pagpatak ng celphone niya ay ang pagbangga nito sa harap ng sasakyan.
“Ouch,” bulalas ni Aliyah dahil sa pag-inda ng sakit sa kaniyang noo.
Aalis na sana siya sa kaniyang kinauupuan nang biglang tumunog ang cellphone na kanina lang niya hawak. Hindi niya matandaan kung saan nga ba niya ito nalaglag, dahil sa malakas na pagkaka-bunggo nito sa kaniyang kotse. Pinilit niyang ihilig ang kaniyang katawan upang maabot ang bagay na kanina pa niyang kinukuha. Subalit nagulat na lamang siya dahil sa isang malakas na putok ng baril ang kaniyang narinig.
“Jesus. H'wag naman sana,”bulaslas ni Aliyah sa magkakasunod na putok ng baril.
Nag-decide siyang tanawin kung ano ba'ng nangyayari sa labas pero bago pa man niya gawin ang isang bagay ay Ini-off muna niya ang lights at ang engine nito. May kadiliman din sa paligid dahil sa ilang poste ng ilaw lamang ang kaniyang nakikita. Akmang hahawakan na niya ang front door ng kaniyang sasakyan nito nang biglang isang putok muli ng baril ang kaniyang narinig mula sa unahan ng sasakyang bumunggo sa kaniya. Pagkatakot man ang kaniyang naramdaman ay pinilit niyang makalabas. Hindi para sa taong may hawak ng baril kundi sa taong nasa loob nito.
“Sino ba s'ya? Bakit kailangan niyang pumatay ng inosenteng tao?” tanging pagkaawa nang masilayan niya ang bawat kalabit ng gatilyo ng baril sa taong bumangga sa kaniyang sasakyan.
“Kinuha ko ang baril na palagi kong dala-dala dahil ang propesyong kinuha ko ay walang katiyakang buhay. Bakit ba nangyayari ito? Kung kailan na marami akong problema na kinakaharap ngayon!” wika nito at matapang na lumabas ng kaniyang sasakyan.
“Itigil mo 'yan, habang may pagkakataon ka pa!” matapang niyang bulaslas at pagtutok ng baril sa estrangherong lalaki na halos mata lang nito ang kaniyang nakikita. Bahagya naman itong napalingon sa kaniya at napatitig sa suot niyang black backless dress na tanging nangingibabaw ang maputi nitong balat.
“You're brave, Miss,” wika nito na may pagtitig sa kaniyang katawan.
Ngunit ang takot na kanina niyang iniinda ay unti-unti na lang nawala. Pagkatakot na napalitan ng galit at poot sa lalaking nasa harapan niya.
“Ang sabi ko, itigil mo ang ginagawa mo dahil kung hindi ipuputok ko sa'yo ang hawak kong baril at kakasuhan kita!”
“ Fine! go ahead, hindi kita pipigilan Miss. Gawin mo lang ang batas na mayro'n ka at gagawin ko naman ang batas na mayro'n ako!”
“ Iisa lang ang batas na mayro'n ako 'yon ay ang ipaglaban ang mga taong inosente!” galit na wika ni Aliyah habang sumasabay ang bawat kumpas ng hibla ng kaniyang buhok sa malamig na ihip ng hangin.
“You don't know me at all. Umalis ka na habang may pagkakataon ka pa!”
“Hindi, dahil ang dapat sa'yo—”
Natigil ang sasabihin niya nang bahagya niyang inihakbang ang kaniyang mga paa palapit sa estanghero, ngunit nang akma niyang kakalabitin ang gatilyo ng baril ay mabilis siyang hinawakan nito sa pulsuhan ng kaniyang kamay na halos magdikit ang kanilang mga katawan dahil sa mabilis na paghila nito sa kaniya. Kasabay nang pagtaas sa kaniyang braso ay ang sunod-sunod na putok nito sa itaas.
“I'm warning you,” bulong nito sa kabilang tenga niya na halos ang mga bisig nito ay nakayakap sa kaniyang baywang.
Pilit man inaalis ni Aliyah ang mga bisig nito sa kaniya ay hindi niya magawa. Mas lalo lang siya nitong niyayakap ng mahigpit hanggang sa masamyo na niya ang pabangong nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa kaniyang pakiramdam. Tila ba tinutulak siya ng kaniyang katawan na naghahangad ng init sa hindi niya maintindihan. Pakiramdam niya ay halos titigil ang oras sa tuwing nakakulong siya sa mga bisig nito. Ngunit ang imahinasyong pumupukol sa kaniyang kaisipan ay bigla na lang nawala nang itulak na lamang niya ito palayo sa kaniya.
“Bastos!” tanging sigaw ni Aliyah.
“I think, wala naman akong ginagawang masama. Tinutulungan pa nga kita para maubos ang bala ng baril mo,” wika nito kasunod nang pagpukol ng mga titig niya sa mukha ni Aliyah.
“I will call the police, and I will make sure you pay for what you did!”
“Really. How if, ako ang tumawag sa kanila sa palagay mo maniniwala sila sa'yo.”
“Ang mga katulad mo ang dapat nabubulok sa bilangguan dahil wala kang pinagkaiba sa kanila!” tatalikod na sana siya nang hanggitin muli ang kaniyang braso sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kaniya.
“Get out of here before I changed my mind,” wika nito sa galit na bigkas ng kaniyang boses at matalim na titig ang ipinukol nito kay Aliyah.
“Bitawan mo ako,” ani ni Aliyah sa matalim na titig din ang iginanti nito sa lalaki.
“Bakit? Nasasaktan ka ba! Kulang pa 'yan sa posisyon na mayro'n ka ngayon! Attorney Aliyah Gomez.
“Hindi ko alam ang mga sinasabi mo, dahil para sa akin nararapat lang sa katulad mo ang humimas ng rehas sa selda dahil sabi nga nila sa batas, kung amoy alak ka may karapatan akong sabihing uminom ka!” matapang na untag nitong muli kasunod nang pag-alis nito sa mahigpit na hawak ng lalaki sa kaniyang braso.
“I have no time, para pag-aralan ang batas at makinig sa mga sinasabi mo!”
“Kung gano'n, simulan mo nang pag-aralan ang batas, dahil hindi mo alam kung sino ang binabangga mo!” matapos ang salitang binitawan niya ay ang mabilis na pagsakay nito sa kaniyang sasakyan kasunod nang paglisan nito mula sa kaniyang kinaroroonan.
“We will meet again, Aliyah Belle Gomez,” tanging bigkas ng lalaki habang pinakatitigan niya ang papalayong sasakyan. Subalit ang pagsilay na iginagawad nito ay sumasabay sa pagkuyom ng dalawa niyang mga kamay.