Kabanata 3 Maling Akala

2125 Words
RICHARD‘s Point of view Highschool kami noon nang makilala ko si Kriztine Legazpi. Hinding-hindi ko malilimutan ang pangalan niya. Lagi ko siyang tinitingnan at lagi ko rin nahuhuli na nakatingin siya sa akin. Kilig na kilig naman ako. Alam ito nang aking mga barkada. Lagi nila akong tinutukso kaso napakatorpe ko naman. Alam kong may pagtingin siya sa akin. Kilala si’ya ng marami bilang isang napakabuting anak sa mga magulang isa sa nagustohan ko sa kanya. Matipid ito pagdating sa pera. Paanong ‘di ko malalaman naririnig ko sa mga kaeskwela namin na babae na inuutangan siya ng mga ito tapos mga hindi magbabayad. Patago kong sinasabihan ang mga bully na‘yon na ‘wag na nilang uulitin. Pero hindi ko nakitang magalit siya kahit 'di na siya binabayaran ng mga bully naming classmate. Crush ko rin siya. Siya na yata ang pinakasimpleng babae sa mundo! Siya ang pinakakaibang babae na nakilala ko. Mahinhin na dilag at maganda, magaling sa academics. ‘Yung tipong alam natin na may mararating sa kinabukasan! Gusto ko din siya pero hindi ko masabi sa kanya lalo’t isang araw nalaman ko na lang sa bestfriend niya na hindi na daw ako gusto ni Kriz. Sobrang nalungkot ako ng mga araw na lumipas ng malaman ko ‘yon. Hindi ko na kailanman nakita ang kanyang mga ngiti. Mga nigiting alam kong sakin niya lang ginagawa at napakaswerte ko doon. Malapit na kaming magtapos sa sekondarya. Gusto ko siyang makausap ng personal para sabihin na gusto ko rin siya. Isang araw sinundan ko siya, hanggang sa sumakay siya ng bus ay sinundan ko pa rin. Hindi muna ako nagpapakita dahil naghahanap pa ako ng tyempo. Di ko napansin pababa na pala siya. Narinig kong tinatawag siya ng karatig niyang school girl may naiwan pala siyang isang notebook. Lumapit ako sa babae at sinabing kaeskwela ko ang bumaba at ako na lang mag-aabot. Buti na lang ‘di na nagtanong pa ang babae ibinigay sa akin ang notebook. Hindi na ako nakasunod pa dahil nag-andar na ang bus. Pagdating ko sa bahay diretso agad ako sa kuwarto ko at binuklat ang notebook. Pero laking tuwa ko nang ang notebook pala na ‘yon ay isang diary. Masamang kaugalian man ang mag-basa nang hindi sa iyo ay may kung anong masamang spirito ang nagsasabi sa akin na basahin ko ang diary ni Kriz. At ginawa ko nga. Ako’y nasisiyahan sa pagbabasa dahil walang ibang nakasulat kundi pang araw-araw na gawain ni Kriz, paborito niyang lugar, pagkain, kulay lahat at ang araw-araw na nakikita niya ako. Pati sout ko sa araw-araw ay nakasulat. Pati na oras ng pasok ko. Sino kasama ko at kung ano kinakain ko. May pag ka spy pala ang mahal ko. Hanggang nabasa ko ang dahilan kung bakit hindi niya na daw ako ni crush. Sa natatandaan ko wala akong sinabi na below the belt na salita sa kanya. Bakit ko naman sasabihin ‘yon, hindi ako ganoon klaseng tao. At higit sa lahat hindi ako gagawa ng ikagagalit sa akin ng mahal ko. Kung ganoon pala ay masama ang loob niya sa akin. Napagdesisyonan kong gagawa ako ng paraan para maibalik ang pagmamahal niya sa akin. Hanggang sa naka-graduate na kami ay hindi ko nasabi sa kanya. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob sobrang nahiya ako! Hintayin mo sana ako mahal ko. Kriz’s pov Mabilis lumipas ang panahon nasa ikalawang linggo na ako ng aking pagtatrabaho sa Peralta Group of companies PGC. Hindi naman ganoon kahirap ang trabaho. Lalo na at naka- out of the country si bossing para sa isang three days important meeting sa Paris. Naka-ready na ako para pumasok muli sa opisina. Medyo exited ako dahil ngayon papsok si Bossing. Base sa nabasa kong e-mail galing sa kanya. “Mama anong ulam po natin?” tanong ko kay mama na abalang abala sa kusina. “Sinigang na baboy anak, maupo ka na maghahain na ako” “Nakaalis na po ba si papa? “Oo anak maagap siya ngayon pupunta daw sa casa” “Casa po nang?” “Ng mga kotse anak ibibili ka daw niya para hindi ka na magco-commute pa, hinihintay ka raw niya magsabi na kailangan mo nang sasakyan pero di ka raw naimik” “’Ma malapit lang naman po ang opisina ‘tsaka alam mo naman na di natin puwede ipakita na nakaka LL na tayo. Nakaluluwag luwag.” “Alam ko naman ‘yon anak, kaya lang ang tatay mo ‘di mapigilan eh, ngayon nga lang daw siya makakapunta sa casa sabi pa niya.” “At saka anak surprise ‘yon ni papa mo sa iyo ha, ‘wag mo na lang mabanggit na nasabi ko na. Style surprise ka pa rin" ‘yan ang mama ko may pagka-marites nauuna na sa mga latest. “Anak may tao labasin mo nga “ “Manghuhula ka ma? Wala naman po akong naririnig ah” “Basta labasin mo na kamo kakain hala na bago pa lumamig ang pagkain.” May kausap yata si mama na may parating. Pagkalabas ko ng pintuan namin ay nabigla ako sa aking nakita. Napakura-kurap pa ako ng aking mga mata at baka ako’y namamatanda lang sa aking nakikita. “Good morning baby” nakangiting Mr. Richard De Vera. May hawak siyang dalawang boquet ng bulaklak. “Good morning rin bossing” Naiilang na bati ko kay crush bossing ko. Ko? iya iyo na sayong-sayo! “Flower’s for you baby.” Sutil naman ng mga kamay ko at agad tinanggap ang mga bulaklak. “Ikaw na ba ‘yan utoy. Halika pasok ka nakaluto na ako dito ka na mag breakfast.” “Salamat po tita. Flowers for you po” si bossing na sa akin nakatingin. Ano ‘yon? Close sila? Kaya ba noong minsan ay alam ni mama na si Richard ‘yong tinutukoy ko? Kailan pa sila naging close? Mayroon ba akong hindi alam? “Let get inside bab…. Hindi na natuloy ni crush bossing sasabihin niya dahil hinila ko ang braso niya. “Ano ito bossing?” Bakit ka ba baby-baby diyan? At saka bakit narito ka? At bakit feeling close ka kay mama magkakilala ba kayo? “woohoo chill baby isa-isa lang ang tanong okay? Puwede bang kumain muna gutom na ako eh. Let’s talk later” habang hinihimas ang kanyang tiyan ipinakikita niya na gutom na nga siya. Anong sabi niya? Lets talk later! Let’s talk? Hindi kaya kagaya ito ni Kim soo-hyun at ni Seo yea-ji, lets talk lang pero mukbangan na? kinabahan naman ako ‘don! Nasa hapag na kami kumakain. Kung asikasohin ni mama si crush bossing akala mo manugang niya. Itanong ko kaya kay mama? Hala assumerang palaka ka nga pala! “Kumusta ang company utoy” luh kelan ka pa mama naging care sa business world? “Ayos lang naman po tita. Everything is under control.” Patingin-tingin lang ako sa dalawa. They not even bother or ask me about anything? Multo lang ang peg ko? Hello!! “Call me mama, ‘wag nang tita hindi ka na iba sa amin ng papa mo’ What? Another rebelation pati si papa kilala din si crush bossing! “Alagaan mo ang anak ko doon ha, Baby pa namin ‘yan ‘tsaka unang trabaho niya yan kaya konting pasensya ha” “Ma are you my mother pa ba? Why feel ko sinisiraan mo ako kay bossing?” Gusto ko na talagang umimik pero hinayaan ko na lang. Natapos na kami kumain at inaya na rin ako ni crush bossing na sumakay sa kotse niya dahil isang way lang naman kami. Ngayon ko lang napansin na naka-office attire pala siya. Pumayag na ako dahil sabi niya let’s talk later. Girl let’s talk lang ha hindi mukbang? Nakalimutan mo na ba kung bakit ayaw mo na sa kanya naging boss mo lang nalimutan mo na lahat. Kita ko pang ang lapad ng ngiti ni mama ng makasakay na kami. Mamaya pag-uwi na pag-uwi ko mag-uusap kami ni mama. Isang tikhim ang bumasag sa aming katahimikan. “Baby do you have a boyfriend?” “No” dagling sagot ko agad. Gusto kong tampalin ang bibig ko kung bakit kabilis ko naman sumagot sa tanong niya? Hindi ba dapat itanong ko muna kung bakit ganoon ang tanong niya. Itinabi ni crush bossing ang sasakyan. At hindi ko inaasahan ang susunod niyang ginawa. Naramdaman ko na lang ang labi ni mahal kong bossing. ‘yon o mahal pa talaga! “Mahal na mahal kita. Ang tagal kong hinintay ang ganitong pagkakataon. Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong halikan ang mag labi mo” habang sinasabi niya ay patuloy sa paghalik si Bossing. Feel ko ay nabibitin ako. Kinuha ko ang batok ni bossing at hinalikan ko siya na ikinabigla niya. I'm fighting for it! “ohh..Richard i..i..love you also… Kapwa kinakapos kami ng hinga nang maghiwalay ang aming mga labi. Isang matamis na ngiti ang iginawad namin sa isa’t isa. Napakarami kong tanong pero alam ko masasagot lahat nang ito. Ang mahalaga mahal din ako ni crush bossing ko. Hindi ko alam kung mula kailan. At paano. Ang lahat ng galit ko sa kanya ay nawala sa isang halik lamang. “After office hour mag-uusap tayo baby marami tayong dapat pag-usapan. But for now we need to work”. “Yes bossing “ Nakarating na kami sa opisina na magkahawak kamay mula nang magmaneho na ulit siya ay hindi na niya binitiwan pa ang kamay ko. Maya’t-maya niyang hinahalikan ang bubong ng aking palad. Nakakahiya man na pinagtitinginan kami ng mga tao ay bale wala sa amin ‘yon. “Don’t mind them” si bossing nang mapansin niyang parang inaalis ko ang kamay ko sa kanya. “Yes bossing” then I held his hand tightly. Parang napakabilis nang pangyayari ako’y naguguluhan pa rin. Tanghalian na pala hindi ko napansin. Dami kasi naming meetings syempre lagi ko kasama ang mahal kong bossing. Hala mahal kong bossing na ha hindi na crush bossing? Sige lang push mo beh!! Tumunog ang intercom. “Hello baby?” si boss. “Y-yes po bossing?” nanginginig kong response. “Order lunch for two, then come to my office baby” Binaba na ni bossing ang telepono. Ako naman parang teenager lang na kinikilig with matching dalian pa kakakita ko pa lang sa kanya pero mis ko na agad bf bossing ko.. wow wow wow dami mong endearment mandin ano? “Hintayin ko na lang sa opisina ni bossing ang order namin puntahan ko na siya.” Tiningnan ko lang ng kaunti ang aking sarili sa salamin. I put lipgloss on my lips. “Ah ok na to simple is the best talaga” sabi kong nakangiti. Kakatok na ako sa pintoan ni Bossing nang may tumawag sa akin. “Uy best ikaw ba yan? I’m not expecting her to come here. Wala akong naalala na nabanggit ko sa kanya kung saan ako magtatrabaho bilang secretary. “Oi best ikaw pala. Kabute ka ba kung saan-saan ka lang nasulpot. How did you know na nandito ako?“ sabi ko na di maalis ang tingin sa best friend ko. Nakasuot siya ng kulay asul na bestida na hanggang tuhod ang haba at kita ang balat niya sa balikat, sa sout niya lumilitaw ang kanyang kaputian at kung sino man ang makakita sa best friend ko ay mahuhumaling sa taglay nitong kaseksihan. She’s wearing high heels kaya sa pag-hakbang pa lang niya ay sumusnod ang balakang nito na animo’y nasa isang beauty pageant. “Oh best di ko alam na dito ka nagwowork bibisitahin ko lang ang boyfriend ko.” Si Dianne nang makalapit na sa akin. Gusto kong itanong kung sinong boyfriend ang sinasabi niya kasi sa pagkakaalam ko kami lang ni Bossing ang narito sa floor na ito? Hindi kaya si Richard ang tinutukoy niya? “Sinong boyfriend? Si Mr. De Vera ba? Nang itanong ko nga. Makahulugang ngiti ang namutawi sa labi ni Dianne. “Oo best andiyan ba siya sa loob nag-aalala kasi ako eh di niya ako ni-rereplayan sa mga message ko.” Ouch. sakit naman, mas masakit pa sa nalaman kong di raw kami bagay dahil ako’y mahirap lamang! Gusto ko rin sana itanong kung gaano na katagal ang relasyon nila. Although alam ko naman na gusto ni Dianne si Richard nung high school pa kami. Kaya wala din akong lakas ng loob na umamin sa lahat at hangang diary ko na lang nasasabi ang mga gusto kong sabihin. Ayaw kong makilala bilang mang-aagaw! Kakatok na ako pero biglang bumukas ang pinto. Isang Richard De Vera ang gulat na gulat nang makita kaming dalawa ni Dianne. ‘Yung gulat n’ya? Confirmed!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD