Denvier's POV
"We're here."
Nagmulat ako ng mata at wow! Nandito na nga talaga kami!
"Yeess! After a thousand years! Hello Philippines!" Sigaw ko at niyakap ang lalaking pinaglihi sa sama ng loob!
"Get off me you brat!" Aniya at binatukan ako. Napa pout naman ako at tiningnan sya ng masama.
"Sumbong kita kay Bessy!" Sabi ko at sumiksik sa babaeng natutulog parin hangang ngayon. Mey gesh! Ilang oras na syang tulog simula nung umalis kami ng New York. "Bessy away ako ni Kuya Dave!" Sumbong ko nang magmulat sya ng mata. Ang ganda dude! Well, well, well. Maganda naman sya kahit nakapikit eh.
"Anong gusto mong gawin natin sa kanya?" Seryoso nyang tanong.
Hindi naman ako nakasagot kaagad dahil natakot ako bigla sa kanya.
"Hahaha! Gusto mo bang wag natin syang pakainin ng limang araw ha? O di kaya'y sa sala natin sya patulugin? Hmmm.. Ano kaya kung gawin natin syang slave?" Nakahawak pa sya sa baba nya habang nag-iisip.
Waaahh! I really love her na talaga! Mabilis akong tumango ng maraming beses. Lagot ka ngayong bakulaw ka!
"Tss! Tara na Reine iwan na natin dito sa plane ang pasaway na batang yan."
"Hindi magagawa ni Bessy na iwan ako dito! Di ba Bes? Love mo ko di'ba? di'ba?" Pangungulit ko sa kanya at kinapitan pa ang braso nya.
"Oo na! Oo na. Let's go?"
Ngumiti ako saka tumayo. Pinabitbit ko kay Kuya lahat ng hand carry bag. Wahahaha! Hayahay ang buhay! Kumapit ako sa braso ni Rein at iniwan na namin si kuya na hirap sa pagbitbit ng mga bagahe. Meron pa! Hindi lang yan! May mga maleta pa kami! Hahaha!
"Kuya Dave bilisan mo naman! Ang bagal bagal mo naman eh!Nagugutom na kami!" Reklamo ko.
"Pasalamat ka at kapatid kitang surot ka!"
Waaahh! He called me Surot! Like duh?! Kadiri and eeww! I am not a surot! Ako ay paru-paru na malayang nakakalipad dahil sa aking Dad. Haha! Walang connect.
Wow ha?
Kamalasan nga naman oh-oh. Paglabas kasi namin ng airport ang lakas ng ulan! May bagyo pa yata! Lamig!
Para naman akong tanga nung tiningala ko si kuya na nagsuot ng sun glass. Eerr?
"Kuya para kang tanga." Naka pokerface kong sabi sa kanya. Nakita ko namang kumunot yung kilay nya nung yumuko sya para tingnan ako. "Hindi ka naman siguro bulag diba? Nakikita mo na ngang madilim pa at walang araw nagsuot ka ng ganyan!" Singhal ko sa kanya. "Nasaan yung sakin?" Tukoy ko sa sun glass na kapareho ng sa kanya.
"Tsk, tsk! Hay naku, bakit ka nga ba kasi sumama pa rito. Sakit ka lang sa ulo eh." Iiling-iling na sabi pa nya pero nilabas naman nya yung sun glass ko. Hehehe!
"Tss!"
"Ikaw din Bessy, suot ka. Hahaha!" Nakangiting umiling lang sya.
Mayamaya lang din ay dumating na yung sundo namin.
Maingay kaming nagbyahe dahil ang kulit ni kuya Dave!
"Sige na kasi hmm? Kuya please? Sa VHigh din ako mag-aaral."
"Hindi pwede."
"Bakit hindi pwede?"
"Basta. Pag sinabi kong hindi pwede, Hindi pwede. Kaya tigilan mo na ako sa pangungulit mo."
"Gusto ko kasi dun eh! Sige na kasi! Payagan mo na ko!"
"Denvier Stop it!"
"Ayaw!"
Nakasimangot akong humalukipkip kay Rein. Bakit kasi ayaw nya akong pag-aralin dun eh! Ang kulit ni kuya! Kainis!
"Manong ihinto mo." Napatingin naman ako kay Rein. "Saglit lang ako."
Kinuha nya yung bag nya at bumaba ng sasakyan.
Flower shop?
May liligawan ba si Rein?
"Bessy para kanino yan?" Tanong ko nang makabalik na sya.
Hindi man lang ako sinagot. Nginitian nya lang ako!
"Rein, sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Tanong ni kuya sa kanya. Ano bang gagawin ni Rein?
Hindi siya sumagot. Bagkus ay tumingin lang sya sa labas ng bintana.
Pagkatapos ng mahabang byahe..
Tumila na yung ulan nang makarating kami sa isang.. Sementeryo?
Bababa na rin sana ako nung bumaba si Rein pero pinigilan ako ni kuya. Kj tong bakulaw na to! Sarap sapakin!
"Wag kang epal bata."
"Hoy! Hindi na ako bata no! Dalaga na kaya ako!" Nakapout kong sabi. Hindi nya ako pinansin at nakatingin lang sya sa labas. Kaya tumingin na rin ako.
"Psh!"
"Bakit kuya? You know him? Who's that guy ba?" Nakasalubong kasi ni Rein tapos sabay pa silang huminto nung lagpasan nila ang isat isa. At sabay din nilang nilingon ang isa't isa.
Katahimikan...
Nice asking to the air!
Hindi man lang ako sinagot.
Sigurado akong kilala nila kuya ang lalaking yan.
Makatingin kasi si kuya. Aakalain mong may crush sya dun sa lalaki! Hahaha! Gwapo kasi at macho pa! Halata sa built ng katawan nya kahit naka jaket pa sya.
Tiningnan ko lang si Rein, hintay muna nya na makaalis yung lalaki bago sya tumuloy sa paglalakad.
Jared's POV
"Hahaha! Jared, alam mo bang isang bagay ka lang para sa babaeng to?"
'Huh? Nasaan ako?'
Nakita ko si Rhey na may hawak na Samurai. Pero nakikita ko rin ang sarili ko.
"Stop it!"
'Daniel?' Tumakbo ako palapit sa kanya at yayakapin ko na sana pero hindi ko sya mahawakan. 'Love, bakit hindi kita mahawakan? Daniel?' Pero hindi nya ako nakikita.
"Bakit? Ayaw mo bang malaman nya na ginamit mo lang sya para idepensa laban sa amin ni Daddy? But sad to say, hindi umubra ang plano mo."
Diyos ko po. Bumalik ba ako sa past? Ano to?
"Anong sinasabi nya Daniel?" Sabi ng isang ako.
"Wag kang tanga Eras, ginamit ka lang nya at hindi ka talaga nya minahal!"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa isang ako at kay Daniel.
'Maniwala ka Jared, mahal kita! mahal na mahal kita! Mahal na mahala kita Jared. Mahal na mahal.. Maniwala ka.' Nakikiusap ang kanyang mga mata. Sinasabing totoo ang kanyang mga sinasabi na mahal na mahal nga nya ako.
Sa akin na sya nakatingin at hindi na sa isang ako.
'Daniel.' Anas ko. Hahawakan ko na naman sana sya pero nagbago ang paligid.
Ang liwanag ng paligid at wala akong makita. Pumikit ako ng mariin. Pag mulat ko nakita ko syang tumakbo palapit sa akin at si Rhey ay balak akong saksakin mula sa likod.
'Jared!'
Tinulak nya ako at sya ang masasaksak ni Rhey.
'Daniel!' Agad ko syang sinalo noong matutumba na sya.
'Jared, mahal na mahal kita. Paalam..'
'Hindi Daniel! Wag mo akong iiwan ulit. Oo, naniniwala na ako sayo. Please wag mo lang akong iwan ulit. Miss na miss na kita Love.' Hindi ko mapigil ang pag-uunahan ng mga luha ko sa pagpatak.
'Hahahaha! Ngayon, ikaw naman ang isusunod ko Eras! Yaaahh!'
"Waaaaaggg!!!!"
Hinihingal na napabalikwas ako ng bangon.
Panaginip na naman.
Sinabunutan ko ang sarili ko at nagsimula na namang pumatak ang mga luha ko.
Bakit?
Bakit mo ba kasi ginawa yun?
Ang hirap parin tanggapin.
Tatlong taon na ang nakalipas.
Hindi ko parin nalilimutan ang mga nangyari.
Hindi parin nawawala ang sakit.
Mahal na mahal parin kita Daniel..
Kung nandito ka lang sana ngayon, mas mamahalin pa kita ng higit sa buhay ko. Daniel,mahal na mahal talaga kita eh. Fck! Bakit ba kasi nangyari na kailangan mo paakong iligtas ng paulit-ulit hanggang sa buhay mo na yung kapalit? Ang laki kong lampa noon. Nakakainis!
Gusto kong magalit sa sarili ko na hindi ko maintindihan. Kasalanan ko kung bakit sya namatay. Minsan naiisip ko na gusto ko na syang sundan. Akala ko kasi magiging madali lang ang lahat pagkatapos kong matuto kung paano makipaglaban. Pero fck! Pinapamukha lang sakin na kung gaano ako kawalang kwenta noon. Tsk! Hindi ko man lang nailigtas ang babaeng mahal ko. Hindi ko man lang nasuklian ang ginawa nyang pagligtas sa akin noon ng ilang beses.
Kung nandito ka lang sana ngayon, lahat gagawin ko. kung pwede ko lang ibalik ang oras ay gagawin ko ora mismo. Fck!
Matagal na nasa ganun akong posisyon nang may kumatok sa pinto.
*TOK~TOK~TOK~*
"Nak? Okay ka lang ba? Narinig kasi kitang sumigaw eh."
Si Mommy.
Hindi ako sumagot.
Inayos ko muna ang sarili ko at pinahid ang basang pisngi bago tumayo at binuksan ang pinto.
"Mommy.."
Kahit anong pigil ko sa sarili, bigo parin akong pigilan ang mga luha ko.
"Shhh... Tell me what happened?"
"Mom, Miss na miss ko na sya." Nakakabakla man pero parang batang paslit na akong umiiyak habang nakayakap sa kanya.
"It's okay Son. Iiyak mo lang yan.. But you have to move on. Ang tagal na no'n."
"Hindi ko kaya Mom."
"Look." Kumalas sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Puno ng pag-aalala ang mga mata nya. "Kayanin mo anak. Sa tingin mo ba gusto ni Daniel na nagkakaganyan ka? Marami pang iba dyan na higit pa sa kanya."
Sabihin mang wala akong galang sa sarili kong ina pero tinabig ko ng malakas ang mga kamay nya at masamang tiningnan sya.
"I don't need anyone to replace Daniel in my life! Sya lang ang mamahalin ko at wala nang iba!"
"An--"
Binagsak ko yung pinto at tinungo ang mini fridge at kumuha ng beer.
Bakit hindi nila ako maintindihan?
Lahat sila sinasabi na kalimutan ko na si Daniel dahil wala na sya, dahil patay na sya at hindi na babalik.
Ayoko syang kalimutan.
Inisang lagok ko na ang beer at kinuha ang jaket ko saka lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa garahe at pinaharurot agad ang motor.
Pupuntahan ko sya.
Alas dos palang ng madaling araw at sarado pa ang sementeryo kaya tinalon ko ang bakod makapasok lang.
"Hindi parin kita napapatawad sa ginawa mo." Sabi ko pagkaupo na pagkaupo sa harap ng puntod nya.
"Ang pagligtas at pag-iwan mo sa akin. Ako dapat ang nakahimlay dyan at hindi ikaw. Akala ko madali lang ang lahat para makalimutan ka. hindi pala. Lahat sila sinasabi na kalimutan na daw kita. Ikaw ba Love? Gusto mo bang kalimutan na kita? Kasi ako, ayoko eh. Sobra kitang minahal kahit hindi tayo nagkasama ng matagal. Ang dami nating pangarap eh. Tsk! Ako lang pala ang nangarap noon. Pero kahit na. Sumang-ayon ka naman di ba? Ang daya mo talaga."
Bakla man kung tingnan pero wala akong pakealam. Parang nakikidalamhati naman ang panahon sa paghihinagpis ko. Umulan kasi ng malakas at umihip ang napakalakas na hangin.
Patuloy ang pag-ulan at hindi na rin mapigil ang luha ko. Unti-unti akong pinapatay ng pangungulila ko sa kanya.
Bumuntong hininga ako ng malalim saka nag-isip.
Susubukan ko ulit.
Para kay Mommy at kuya. At higit sa lahat, para sa sarili ko at sa kanya. I will make her proud kahit wala na sya.
Ilang oras pa akong namalagi sa puntod nya hanggang sa tumila na ang ulan.
Basang basa na ako.
"Sir?"
Nag-angat ako ng tingin.
Maliwanag na.
Bukas na rin pala ang sementeryo.
"Bawal po yung ginawa niyong pag over the bakod kanina. Palalampasin ko yun sa ngayon. Pero wag na po sanang maulit."
Tumango lang ako saka tumayo.
Sinulyapan ko muna ang puntod nya saka tumalikod.
Psh, move on?
Sana kayanin ko.
Nakayuko akong lumakad para itago yung namamaga kong mata. Hindi ko na naisip magdala ng shades.
Malapit na ako sa gate ng sementeryo nang makasalubong ko ang isang babaeng may dalang mga bulaklak. Nakasuot sya ng kulay itim na scarft hanggang ilong. Mga mata lang nito ang nakikita. Nakalugay ang mahabang bloned na buhok nya hanggang bewang. May katangkaran din sya at nadagdagan pa iyon sa suot nyang high cut na heels.
Tiningna ko sya mula ulo hanggang baba.
Nakasuot sya ng pants black leather na tinernuhan nya ng itim na sando.
Sandaling nagtama ang mga mata namin nang lagpasan namin ang isa't isa. May kung anong emosyon ang mga mata nya na hindi ko mabasa. Katulad ko din siguro syang nagdadalamhati.
Tumigil ako saglit at saktong paglingon ko sa kanya ay nakatingin din pala sya sa akin.
"Daniel." Wala sa sariling nasambit ko na parang narinig naman nya.
Kung kanina may emosyon pa yung mga mata nya. Ngayon ay napakalamig na ng mga titig nya.
Psh! Bakit ko ba naisip na sya si Daniel. Imposible naman.
Una. Puno ng tattoo ang katawan ng mahal ko. Lalo na yung mga braso nya.
At pangalawa Cybernetic eye yung kanang mata nya.
Panghuli. Patay na si Daniel.
Kaya imposibleng siya si Daniel na minahal at mahal ko parin hanggang ngayon.
Nagtuloy na ako sa paglakad at nilisan ang sementeryo.
Pupunta nalang ako sa HQ. Doon nalang muna ako magpapalipas ng araw. Kailangan ko ding mag ensayo. Malapit na kasi ang tournament ng mga leader ng bawat gang sa Asia.
At bilang leader ng Serpentes, sa akin nakasalalay ang karangalan ng buong Serpentes. Karangalan din para kay Cobra.
Saktong pagbaba ko ng motor nang tumawag si Mommy.
"Mom bakit?"
"Ang Daddy mo.." Aniyang hindi matuloy ang sasabihin.
"Bakit po? Anong meron sa taong yun?" Galit ako sa kanya at sa buong angkan ng kinilala kong ama.
"P-patay na sya Jared. Nagpakamatay daw sya kagabe." Hindi ko naman masisisi si Mommy kung bakit sya umiiyak ngayon. Minahal nya din kasi ang taong yun eh.
"That's a good news."
"Jared!" May galit sa boses na sigaw nya.
"Why? He deserved to die after all." Balewala kong sagot at binaba na ang tawag. Psh!
Yeah, he really deserved it.
"Yo Tiger Snake!"
"Black Mamba. Kanang kamay ni Cobra. Bakit ka nandito?" Pag bukas na pag kabukas ko kasi ng pinto sya agad yung sumalubong sa akin.
"Actually hindi lang naman ako ang nandito ngayon."
Isa-isa namang nagsilabasan ang iba pang Serpents.
"Tara kay Master. Death anniversary nya ngayon. Nagluto kami ng mga paborito nya." Masayang sabi ni Taipan. Ngunit malungkot ang kaniyang mga mata.
"Dun na ako galing. Kayo nalang."
"Come on dude! Wag Kj!" Inakbayan pa ako ni Vipers.
"Hayaan niyo na nga yung tao." Saway sa kanila ni Death Adder.
Lima nalang kaming meyembro ng Serpentes Gangster.
Naghiwalay kasi sina Kevin at Jessa kaya umalis ng bansa si Jessa para pagtaguan si Kevin dala yung anak nila.
Hindi pa daw kasi handa si Kevin para sa isang mabigat na responsibilidad dahil bata pa sya at hindi pa sya nakakapagtapos ng pag-aaral.
Hindi alam ni Kevin kung saang bansa nagtungo si Jessa kaya hindi nya malaman kung saan magsisimula. Kaya lilibutin nya nalang daw ang mundo Makita lang yung mag-ina nya. Kailangan pa kasing mawala ng taong mahal mo bago mo malaman na hindi mo kayang mabuhay sa araw-araw nang hindi sya kasama.
Isang taon na rin yun.
Napaisip ako.
Kamusta na kaya sila? Nahanap na kaya ni Kevin si Jessa?
"Okay. Oh tara na!" Taas ang kamay ni Vipers at binitbit na nila ang mga pagkaing nakalagay sa mga Tupperware.
"Sigurado ka bang hindi ka na sasama?" Pangungulit ni Black Mamba.
"Hindi na." Sagot ko at tumungo sa kwarto para magbihis. Pero napahinto ako sa bungad ng pinto at nilingon sila. "Anyway. Aming is dead." Sabi ko at pumasok na sa loob, naiwan silang nakangiti.
Pagbaba ko tahimik na ang paligid.
Tumuloy ako sa gym at walang kapagurang pinagsusuntok at pinagsisipa ang punching bag. Sa mga ganitong paraan ko nailalabas lahat ng frustration ko.
"Aaaahh! Haaahh!"
Hinihingal na napaupo ako sa sahig.
'My Flame.'
Bigla nalang nag echo sa tenga ko ang boses nya.
Fck!
Tumayo ako at tinungo ang shower. Mabilis akong naligo at pagkatapos kong magbihis, mabilis kong pinaharurot ang motor palayo.
Wala na akong pakealam kung saan man ako mapunta.
Gusto ko munang mag unwind.
Ilang minuto palang akong nagbabyahe nang may nag overtake na sasakyan sa akin at pagewang gewang ang takbo nito. Sht! Muntikan na akong masagi kanina ah!
*BOOOGGSSH~!*
Napahinto ako nang sumalpok ang sasakyan sa isang puno.
Mabilis kong inihinto ang motor at patakbong lumapit sa sasakyan nang magsimula na itong umapoy sa unahan.
Hindi na ako nag-isip at winasak ko ang bintana dahil ayaw magbukas mula sa labas.
"Miss, okay ka lang?" Naka seat belt pa sya at duguan na ang kanyang ulo.
Hindi sya sumagot kaya nagmadali akong ilabas sya mula sa sasakyan.
Bago pa man sumabog yung kotse ay nakalayo na kami. Agad ko syang inilapag sa semento and check her heart beat. Thank god at meron pa naman.
Tumawag na ako ng ambulansya at nadala kaagad sya sa malapit na hospital. Hindi na ako sumabay sa ambulansya dahil hindi ko pwedeng iwan ang motor ko.
Nag-alinlangan pa akong pumasok sa loob ng hospital.
Maalala ko na naman kung paano sya binawian ng buhay.
Hindi ko alam pero kusa nalang humakbang ang mga paa ko papasok sa loob at dumiretso sa emergency room.
Ilang saglit pa ay lumabas na yung doctor.
"How is she Doc?" Kinakabahan ako. Ano bang nangyayare sakin? Bakit ako kinakabahan? Ah baka dahil takot akong maulit dun sa babae ang nangyare kay Daniel nung dinala namin sya sa hospital.
"Your girlfriend is a strong girl. She's stable now." Diretsong aniya.
"Teka lang doc hindi ko po sya G—"
Hindi man lang nya ako pinatapos.
"Puntahan mo nalang mamaya sa kwarto nya. Asikasuhin mo nalang yung papeles nya dito."
Hindi na ako nakasagot at tumango nalang.
Teka pano ba to? Hindi ko nga pala alam ang pangalan nya..
Bahala na nga!
"Sir okay na po. Hintayin nalang po natin na magising ang pasyente para malaman po natin ang pangalan nya."
"Sige, salamat nurse."
Umalis na ako ng nurse station at pumunta ng payment counter para bayaran yung unang bill. Pangalan ko nalang muna ang ginamit sa resibo dahil hindi namin alam ang tunay nyang pangalan.
Nag-isip pa muna ako kung pupuntahan ko pa ba sya dun sa kwarto nya o aalis nalang ako? Tutal natulungan ko naman sya. Okay na siguro yun?
Palabas na sana ako ng hospital nang makasalubong ko yung doctor na umasikaso kanina sa kanya.
"Oh, iho. Nandito ka lang pala. Gising na yung Girlfriend mo at nagwawala. Puntahan mo na para kumalma. Hinahanap ka." Nakangiting sabi nya. Sasagot pa sana ako pero mabilis naman syang tumalikod at iniwan akong tulala.
'Hindi ko nga sya Girlfriend! Kainis!'
Sa huli ay pinili kong puntahan nalang sya, iche-check ko lang sya tapos aalis na ako.
Saktong pagbukas ko nang pinto ay sinalubong ako ng flower vase. Buti nalang at naiwasan ko kung hindi, sapol ako sa mukha.
"Hey!" Singhal ko.
"Ikaw ba?"
Napatingin naman ako sa likod ko. Wala namang tao. Tinuro ko yung sarili ko.
"Oo ikaw nga yung tinutukoy ko, ikaw ba yung nagdala sa akin dito?"
"Ako nga."
"B-ba-bakit?!"
Agad ako lumapit sa kanya dahil umiyak sya ng umiyak.
"Miss teka lang. Bakit ka ba umiiyak? Hindi naman kita inaaway ah?" Hindi ko malaman kung anong gagawin ko at kung saan ko sya hahawakan para tumahan na sya. O dapat pa bang may hawakan sa kanya para tumigil sya sa kakaiyak?
"Bakit?!" Nagulat naman ako nang hawakan nya ang magkabilang braso ko. Basang basa na yung pisngi nya dahil sa luha. "Bakit mo pa ako dinala rito? Sana hinayaan mo nalang akong mamatay!" Lalong lumakas yung iyak nya.
"Miss ano bang sinasabi mo dyan? Syempre, naaksidente ka kaya dinala kita rito." Papatahan ko sa kanya.
Marahas naman nyang pinunasan ang pisngi nya at tiningnan ako ng masama.
"Hindi mo ba naiintindihan?" Galit talaga sya, lalong humigpit yung kapit nya sa braso ko. "Gusto ko nang mamatay! Hindi ko kayang mabuhay nang wala sya.." Pahina nang pahina yung boses nya. "Ang sakit sakit! Kung kalian masaya na kami saka pa sya nawala sa akin. Bakit?!"
Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya niyakap ko nalang sya at hinagod ang likod nya. Gumanti naman sya ng yakap at lalo pa syang umiyak na parang bata.
Sino kaya ang nawala sa kanya at ganito nalang sya kung umiyak?
"Hush.. Tama na." Pag-aalo ko sa kanya.
Tumagal kami sa ganung posisyon hanggang sa tumahan na sya. Yun pala'y nakatulog na sya sa kakaiyak. Naawa naman ako kaya inihiga ko na sya at kinumutan na rin.
Dito na muna siguro ako. Hihintayin ko syang magising ulit. Nakikita ko kasi sa kanya ang sarili ko matapos ilibing si Daniel. Ginusto ko na ring magpakamatay noon. Kung hindi dahil sa Serpentes Gang, kina Mommy at kuya, malamang wala na rin ako ngayon.
Hindi ko na namalayan at nakatulog na rin ako.
Reine's POV
Matapos kong ilapag ang mga bulaklak ay tinitigan ko muna ang puntod nya. Tinanggal ko ang scaft na suot at sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Hindi ko akalain ganun ka lang pala kadaling patayin."
Mahal na mahal mo talaga sya at kinailangan mo pang isakripisyo ang buhay mo para iligtas sya ano? Daniel nakapaghiganti ka nga, pero iniwan mo naman ang mga mahal mo sa buhay at nagmamahal sayo. Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Masaya ka ba ngayon sa ginawa mo?"
Para akong tanga na nagsasalita mag-isa dito habang patuloy na umiiyak ng tahimik.
"Siguro naman ay masaya ka hindi ba?"
Ilang minuto pa akong nagtagal at pinagsawaan ang pagtitig ko sa puntod nang makarinig ako ng mga nag-uusap papunta rito. Mabilis kong pinunasan ang mga luha at mabilis na inangat ang scarft na suot.
"Hahaha! Sinabi mo pa Hubby.. Ang kulit kulit ni Polly. Mana talaga kay Master Nex ang batang yun."
"Ano kaya kung buhay pa ngayon si Master Cobra no? Siguro buo ang kasiyahan natin ngayon?"
"Oo nga eh.. Pero alam naman natin na gusto nya tayong maging masaya, kaya chill up guys!"
"Para kay Master!"
Lihim akong napangiti. Ganyan nga maging masaya kayo dahil yun naman ang gusto nya.
"Look, may bisita si Master? Tara tingnan natin kung sino."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kailangan ko nang umalis. Hindi nila ako pwedeng makilala.
Napayuko ako at nagmadaling naglakad at nilagpasan sila.
"Miss sandali lang!"
Tinawag pa nila ako ngunit hindi ko na sila nilingon pa.
"Tara na." Hinihingal na sabi ko sa driver namin. Agad naman nyang sinunod ang utos ko at nagmaneho na palayo. Nilingon ko pa saglit ang pinanggalingan namin.
"Bessy okay ka lang?"
"Hmmm.. I felt better." Sabi ko at ngumiti.
Pero ang totoo ay hindi.
Hindi pa ngayon ang tamang oras.
Serpentes Gang