Chapter 7

502 Words
Renei's POV "Suus! Akala mo siguro hindi ko nakita yung ginawa mo? Hihi! Haay.." Ano bang sinasabi ng babaeng to? Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya. Abala kasi ako sa paper works na tinambak sa akin ni Dave. Kailangan ko nang maipasa sa kanya within an hour dahil ito ang kundisyon niya para makapag aral ulit ako sa VHigh. Noong una kasi ay ayaw niyang bumalik pa ako doon. But what can i do? I can't stop myself. "Pwede ba Shiery, lumabas ka muna? Hindi ako makapag concentrate eh." Hindi naalis ang aking tingin sa ginagawa. "Ang sabihin mo.. hindi mawala sa isip mo yung ginawa mo. Hahaha! Oh sha! Makaalis na nga!" "b***h!" Nasabi ko nalang. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at iwinaksi ang lahat ng isipin. Pero kahit anong gawin kong pag busy-busyhan ay kusang bumabalik sa isipan ko ang nangyare. At hindi ko naiwasan ang pag guhit ng ngiti sa aking mga labi. **** "Nice.." Ang lapad ng ngiti ng mokong na to. Inabot ko na sa kanya ang mga Reports na ginawa ko kanina. Naupo ako sa upuan na kaharap ng mesa niya. Pinagsalikop ko ang aking mga palad. Pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam kung bakit. "Hey, are you okay?" Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. "Yeah, i'm okay. How's my report?" Pinilit ko ang ngumiti. "Hemm.. i think you need to rest muna." "I insist. How's my work Dave?" "Ang kulit naman.. okay, okay. Pwede na to. Pasado ka na. Happy now?" "Tss!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko at hinagkan ko siya. "Thank you." "Nah.. Basta galingan mo ah. Ayoko ng bagsak na grado." Hinampas ko siya sa braso. Wala ba siyang tiwala sa akin? "Uhm.. Dave, can i ask for a favor? Promise. Last na to." Kakamot kamot na napailing nalang siya. "Spill it out." At hindi niya inaasahan ang pabor na hinihingi ko. "What?! But why?" "Para sa ikabubuti ng lahat. Please. Hmm?" Pakiusap ko sa kanya na nilakipan pa ng puppy eyes. Err.. i can't imagine na nagagawa ko na ang mga ganitong bagay. Ilan sandali siyang nag isip ng mabuti. Napailing itong bumuntong hininga bago ako tingnan sa aking mga mata. "Alright, if that's what you want. Sasabihin ko muna ito sa abogado mo. Pero kapag hindi niya ito sinang ayunan. Pasensya na.." "It will be alright kung anuman ang magiging desisyon." Hanna's POV Here i am at the entrance gate of VHigh. Bumuntong hininga ako at kinalma ang aking sarili. There's no turning back. I need to do this for him. Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan ang mailang sa paligid. Halos lahat kasi ng student ay nakatingin sakin. Paliko na ko sa isang hallway nang may nakabangga akong isang babae. Naka scarf siya. Natatabunan nito ang kanyang ilong hanggang baba. "Miss okay ka lang?" Inalalayan ko siyang tumayo dahil hinang hina siya. Pinagpapawisan din sya ng malamig. Parang may sakit siya eh. "O-oo okay lang ako." Pumikit pikit pa sya ng mariin bago inangat ang kanyang paningin sa akin. Nagtama ang aming mga mata. At kinabahan ako nang makita ko ang kanyang mga mata. Hindi... "Salamat ha." Naglakad na palayo yung babae at naiwan akong kuyom ang aking mga kamao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD