(THE MEET) PAGKATAPOS kong mag-shower at lumabas sa bathroom ay wala na siya doon. Lumuwag ang hininga ko dahil makakagalaw na'ko ng maayos. Sinadya ko talagang magpatagal sa bathroom kasi iritang-irita ako sakanya, atsaka ayokong narito pa siya habang nagbibihis ako. Ano siya sinuswerte? Hindi lagi birthday niya. May nakita akong maayos na nakalatag na dress sa kama. Isang ruffled close neck na bubble type na long sleeves ang style at light peach ang kulay. May isang pares din ng silver stilettos doon atsaka silver necklace na kumikinang dahil sa repleksyon ng liwanag. Ngumuso akong lumapit roon para tignang maigi. Kumunot ang noo ko at napatanong, bakit ako magsusuot ng ganito kung lolo lang naman niya ang kikitain namin? Tss. Mga mayayaman nga talaga. Inilingan ko nalang habang pin

