(CARELESS) KINAHAPUNAN no'n ay pumunta na kami sa lokasyon ng bahay ni Kurt. Gamit namin ang sasakyan ng kompanya na van papunta doon. At kasama ko si Harley para may assist ako na utos ni Fiandro. Dapat si Fiandro ang makakasama ko, kaso may urgent meeting sila ng mga ka-business partners niya kaya si Harley na lang ang pinasama sakin. Residential ang pinagpatayuhan ni Kurt nang pasukin namin ang arkong gate papasok sa loob. Marami kaming nadaanang mga malalaking bahay. At ang sabi ni Harley halos lahat ng bahay na nakatayo doon ay si Fiandro ang nagpa-construct ng mga iyon. Dagdag pa niya ay dating lupain ni lolo Enrique ang buong residential lot na hekta-hektarya ang laki. Pinabenta lang nito sa mga magulang ni Kurt at ginawa nilang negosyo pagpatayo ng mga bahay. Tinanong ko siya

