(FRIEND) TAMA nga ang sinabi ni Fiandro, dugo at pawis na pati na siguro kaluluwa ko maibubuhos ko na sa limpak-limpak na sketch works ang binungad samin ng teacher. Unang araw pa lang ng klase, pero parang nasa huling araw na kami ng klase. Bakla ang aming teacher at sobrang strikto. Ayaw niya ng maingay, galaw ng galaw sa upuan, dapat nakatingin ka lang sa kanya at dapat kapag tinawag ka ay may maisasagot ka kasi kung hindi sketch activity agad. "Argh! Nakaka-imbyerna 'yang si sir Preto! Biruin mo nagpa-assignment agad ng grand living room?" pabagsak na higa ng ulo sa desk namin si Elly ng madismiss kami sa klase. Kaklase ko si Elly, dalawang section ang meron sa Interior Designing at nasa section 2 kami. Buti nga pareho kami ng section para may makasama ako dito sa school. Pagkatap

