M A X I N E "Oh gosh! Mis— Ate Maxine!" tili ni Sofia nang makita niya ako sa may entrance ng event hall. Katatapos ko lang kasi na maglakad sa red carpet at patungo na sa backdrop area para sa saglit na interview with the press. "Sofia, how are you?" bati ko sa kanya. Sabik niya akong nilapitan at nagkipag-beso-beso muna bago ako sinagot. "Ayos lang naman po ako Ate Maxine. Gosh! Hindi ko lang po inexpect na magkasabay tayong bababa." "Really? Magkasabay ba tayo, were you behind me?" "Hindi naman po masyado, may nauna lang pong isang artist," nahihiya niyang sagot. Napangiti na lang ako sa honesty niya at sinabi na, "Have you got a nomination? I'm sure you have one. I also watched the trailer of your upcoming series. I find your acting excellent considering it was a heavy drama."

