* * * "I got you this," sabi ni Richard kay Stella na nakahiga pa sa kama. Nasa hotel silang dalawa ngayon. Katatapos lang nilang magpakasarap at kaagad naman na ipinaalam ni Richard ang pangyayari na nakita niya noong bibisitahin niya sana si Maxine sa bahay nito. "What's this?" untag ni Stella sabay abot ng inihagis na envelope ni Richard sa kama. "Sabi mo bisitahin ko si Maxine, 'di ba?" Napaangat naman ng kilay niya si Stella. "Binisita mo na ba siya?" "Oo… sort of. Tingnan mo na nga lang kung ano ang nadiskubre ko," saad ni Richard at bumalik na sa puwesto niya sa kama. "I demand another round kung magugustuhan mo ang laman ng envelope na ito," dagdag niyang sabi. Dahil sa taas ng kumpyansa ni Richard sa laman ng envelope ay sabik niya itong binuksan, pero para hindi masyadong

